×
📌Ang Pamagat ng Khutbah : "Ang Corona Virus" ✏ni Sheikh Abdul Razzak bin Abdul Muhsin Albadr 💡Mga Punto ng Khutbah : 1/ Ang pagtangan nang mahigpit sa Allah sa mga panibagong pangyayari at mga pagsubok. 2/ Mga mahalagang aral patungkol sa Corona Virus. 3/ Ang panggamot o paghanap ng lunas sa Shariah ng Islam.


    ANG CORONA VIRUS

    Ni Shayk Abdul Razzak bin Abdul Muhsin AlBadr

    الخطبة الأولى :

    أما بعد:

    Sa mga araw na ito’y paulit-ulit na pinapag-usapan ng mga tao ang isang sakit na lubos nilang kinakatakutan na baka ito’y kumalat o baka sila’y tamaan nito. Mayroong nagbibiro at mayroong nagbibigay ng payo. At ang isang Muslim sa lahat ng pagkakataon, oras, at gayun din sa lahat ng mga panibagong pangyayari at sakuna ay nararapat sa kanya ang magpakupkop sa Allah . At nararapat na ang kanyang pagsalita tungkol sa bagay na ito, o ang pagbigay ng solusyon ay naaayon sa batayan ng Shariah, at mga pamantungan na nauukol sa bagay na ito, at nang mayroong pagkatakot sa Allah at isapuso na ang Allah ay laging nakamasid sa kanya.

    At ito ang anim na mga aral patungkol sa usaping ito na siyang napakahalagang mga bagay na magbibigay ng hugis sa buhay ng tao sa mga araw na ito:

    Ang unang aral: Obligado sa bawat muslim na sa lahat ng kanyang kalagayan ay magpakupkop sa Allah , umasa sa Kanya, at manalig na ang lahat ng bagay ay nasa Kanyang Kamay.

    ﱩ ﭞ ﭟ ﭠ ﭡ ﭢ ﭣ ﭤﭥ ﭦ ﭧ ﭨ ﭩ ﭪﭫ ﱨ [التغابن: 11]

    “Walang sakuna ang magaganap maliban na ito’y sa kapahintulutan ng Allah, at sinuman ang mananampalataya sa Allah ay Kanyang gabayan ang kanyang puso”

    Samakatuwid, ang lahat ng bagay ay nasa Kamay ng Allah ,at nasa ilalim ng Kanyang kontrol at pamamalakad. Kung anuman ang naisin ng Allah ay mangyayari at kung anuman ang hindi niya naisin ay hindi mangyayari, at walang sinumang makapagbibigay ng proteksiyon maliban sa Allah .

    ﱩ ﭡ ﭢ ﭣ ﭤ ﭥ ﭦ ﭧ ﭨ ﭩ ﭪ ﭫ ﭬ ﭭ ﭮ ﭯﭰ ﱨ [الأحزاب: 17]

    “Sabihin: Sino ba siya na magprotekta sa inyo mula sa Allah kapag gustuhin Niya para sa inyo ang kapinsalaan o gustuhin Niya para sa inyo ang habag?”

    ﱩ ﯔ ﯕ ﯖ ﯗ ﯘ ﯙ ﯚ ﯛ ﯜ ﯝ ﯞ ﯟ ﯠ ﯡ ﯢﯣ ﱨ

    [الزمر: 38]

    “Kung gustuhin ng Allah para sa akin ay kapinsalaan, maaalis ba nila ang Kanyang pinsala? . O kung gustuhin Niya para sa akin ay habag, mapipigilan ba nila ang Kanyang habag?”

    ﱩ ﯛ ﯜ ﯝ ﯞ ﯟ ﯠ ﯡ ﯢ ﯣﯤ ﯥ ﯦ ﯧ ﯨ ﯩ ﯪ ﯫﯬ ﱨ [فاطر: 2]

    “Anumang habag ang ibigay ng Allah sa sangkatauhan ay walang makapipigil nito, at anuman ang Kanyang ipagkait ay walang sinumang makapagpapadala nito pagkatapos Niya (itong ipagkait)

    At sa Hadith:

    "وَاعْلَمْ أَنَّ الأُمَّةَ لَوِ اجْتَمَعَتْ عَلَى أَنْ يَنْفَعُوكَ بِشَيْءٍ لَمْ يَنْفَعُوكَ إِلاَّ بِشَيْءٍ قَدْ كَتَبَهُ اللَّهُ لَكَ، وَلَوِ اجْتَمَعُوا عَلَى أَنْ يَضُرُّوكَ بِشَيْءٍ لَمْ يَضُرُّوكَ إِلاَّ بِشَيْءٍ قَدْ كَتَبَهُ اللَّهُ عَلَيْكَ، رُفِعَتِ الأَقْلاَمُ وَجَفَّتِ الصُّحُفُ"

    “At alamin mo! katotohanan na ang buong nasyon kapag sila’y nagkaisa upang ika’y bigyan ng anumang kabutihan ay hindi ka nila mabibigyan ng anumang kabutihan maliban na lamang sa bagay na isinulat ng Allah para sayo. At kapag sila’y nagkaisa upang ika’y bigyan ng anumang kapinsalaan ay hindi ka nila mabibigyan ng anumang kapinsalaan maliban na lamang sa bagay na isinulat ng Allah para sayo, naitaas na ang mga panulat at natuyo na ang mga sinulatan”

    At sa Hadith:

    "كَتَبَ اللَّهُ مَقَادِيرَ الْخَلاَئِقِ قَبْلَ أَنْ يَخْلُقَ السَّمَاوَاتِ وَالأَرْضَ بِخَمْسِينَ أَلْفَ سَنَةٍ"

    “Isinulat ng Allah ang mga kapalaran ng lahat ng mga nilikha limampung libong taon bago pa Niya likhain ang kalangitan at kalupaan”

    At sa Hadith:

    "إِنَّ أَوَّلَ مَا خَلَقَ اللَّهُ الْقَلَمَ، فَقَالَ لَهُ: اكْتُبْ. قَالَ: رَبِّ وَمَاذَا أَكْتُبُ؟! قَالَ: اكْتُبْ مَقَادِيرَ كُلِّ شَيْءٍ حَتَّى تَقُومَ السَّاعَة"

    “Tunay na ang unang nilikha ng Allah ay ang panulat, Kanyang sinabi sa kanya: “Sumulat ka” . Kanyang sinabi: “At ano ang aking isusulat O aking Panginoon?”. Kanyang sinabi: “Isulat mo ang mga kapalaran ng lahat ng bagay hanggang sa muling pagkabuhay”

    Kaya’t obligado sa isang Muslim na kanyang ipaubaya ang kanyang kalagayan sa Allah habang siya’y naghahangad, nagnanais, umaasa, at nagtitiwala sa Kanya. Hindi niya inaasahan ang kanyang magandang kalusugan, kanyang paggaling, at kanyang kaligtasan maliban lamang sa kanyang Panginoon. Kaya’t ang mga masamang pangyayari, at pagdating ng mga pagsubok ay walang naidadagdag sa kanya maliban sa kanyang pagsumamo at pagpapakupkop sa Allah :

    ﱩ ﭛ ﭜ ﭝ ﭞ ﭟ ﭠ ﭡ ﭢ ﭣ ﱨ [آل عمران: 101]

    “At sinuman ang tumangan nang mahigpit sa Allah, magkagayo’y tunay na siya’y napatnubayan tungo sa matuwid na landas”

    Ang pangalawang aral: Tunay na obligado sa bawat Muslim na kanyang pangalagaan ang Allah sa pamamagitan nang pangangalaga niya sa pagsunod sa Kanya sa pagsagawa ng Kanyang mga ipinag-utos at paglayo sa Kanyang mga ipinagbawal. Sinabi ng Propeta sa kanyang payo kay ibno Abbas radiyallahu anhuma:

    "احْفَظِ اللَّهَ يَحْفَظْكَ، احْفَظِ اللَّهَ تَجِدْهُ تُجَاهَكَ"

    “Iyong pangalagaan ang Allah at ika’y Kanyang pangangalagaan, pangalagaan mo ang Allah at Siya’y matatagpuan mo sa iyong harapan”

    Samakatuwid, ang pangangalaga sa mga ipinag-utos ng Allah sa pamamagitan nang paggawa nito at pag-iwan sa ipinagbawal ay dahilan ng proteksiyon ng isang Alipin, kanyang kaligtasan, at pangangalaga ng Allah sa kanya sa buhay sa mundo at sa kabilang buhay. Kapag siya’y tamaan ng pagsubok o dumatal sa kanya ang anumang kapinsalaan ay maging dahilan ng pagtaas ng kanyang antas sa Allah , dahil dito’y nabanggit ng ating Propeta :

    "عَجَبًا لأَمْرِ الْمُؤْمِنِ إِنَّ أَمْرَهُ كُلَّهُ خَيْرٌ، وَلَيْسَ ذَاكَ لأَحَدٍ إِلاَّ لِلْمُؤْمِنِ، إِنْ أَصَابَتْهُ سَرَّاءُ شَكَرَ فَكَانَ خَيْرًا لَهُ، وَإِنْ أَصَابَتْهُ ضَرَّاءُ صَبَرَ فَكَانَ خَيْرًا لَهُ"

    “Kahanga-hanga ang kalagayan ng isang mananampalataya, tunay na ang lahat ng kanyang kalagayan ay kabutihan, at ito’y hindi mangyayari maliban lamang sa isang mananampalataya. Kapag siya’y tamaan nang nakalulugod sa kanya ay siya’y nagpapasalamat, at ito’y nakabuti para sa kanya. At kapag siya nama’y tamaan ng kasawiangpalad ay siya’y nagtitiis, at ito’y nakabuti para sa kanya” .

    Samakatuwid, ang mananampalataya sa kanyang kasiyahan, kasawiangpalad, kanyang kagipitan at kaginhawaan ay isang kabutihan tungo sa kabutihan. At tulad nang nabanggit ng Propeta “ at ito’y hindi mangyayari maliban lamang sa isang Muslim”.

    Ang pangatlong aral: Tunay na ang Shariah ng Islam ay ipinarating nito ang pagsagawa ng mga kaparaanan at paghihikayat tungo sa paggamit ng gamot o paghanap ng lunas. At ang paggamit ng gamot at paghanap ng paraan upang gumaling ay hindi ito sumasalungat sa tawakkul o pagtitiwala sa Allah .

    At ang paggamit ng gamot na siyang ipinarating ng Shariah ng Islam ay sinasaklaw nito ang dalawang uri ng gamot; Ang pag-iingat na siyang gagawin bago pa man dumatal ang sakit, at ang paggamot na siyang gagawin pagkatapos na dumatal ito. At ang lahat ng ito’y ipinarating ng Shariah. At nandirito( sa Shariah) ang mga pamantungan ng paggamot, paggaling, at nandirito rin ang mga pamantungan ng paggamit ng gamot na siyang magbibigay sa isang Muslim ng magandang kalusugan at kaligatasan sa mundo at kabilang buhay. At sinuman ang babasahin niya ang aklat na “At-tib An-Nabawi’ (Prophetic Medicine) ni ibno Al-Qayyim rahimahullah ay kanyang matatagpuan tungkol sa usaping ito ang kahanga-hangang bagay na siyang ipinarating ng Shariah ng Islam at ito’y napatunayan na mula sa Propeta .

    Ang tungkol sa pag-iingat ay binanggit ng ating Propeta :

    "مَنِ اصْطَبَحَ بِسَبْعِ تَمَرَاتٍ عَجْوَةٍ لَمْ يَضُرَّهُ ذَلِكَ الْيَوْمَ سُمٌّ وَلاَ سِحْرٌ"

    “Sinuman ang kumain sa umaga ng pitong Ajwa(Isang uri ng datiles) ay hindi siya mapipinsala sa araw na iyon ng lason at pangkukulam”

    At naiulat mula sa Propeta sa hadith na isinalasay ni Uthman bin Affan radiyallahu anhu na tunay na ang Propeta ay nagwika:

    "مَا مِنْ عَبْدٍ يَقُولُ فِي صَبَاحِ كُلِّ يَوْمٍ وَمَسَاءِ كُلِّ لَيْلَةٍ: بِسْمِ اللَّهِ الَّذِي لاَ يَضُرُّ مَعَ اسْمِهِ شَيْءٌ فِي الأَرْضِ وَلاَ فِي السَّمَاءِ وَهُوَ السَّمِيعُ الْعَلِيمُ -ثَلاَثَ مَرَّاتٍ- فَلا يضُرُّهُ شَيْءٌ"

    “Sinumang alipin ang kanyang sasabihin sa umaga ng bawat araw at sa hapon ng bawat gabi ng tatlong beses;

    بِسْمِ اللَّهِ الَّذِي لاَ يَضُرُّ مَعَ اسْمِهِ شَيْءٌ فِي الأَرْضِ وَلاَ فِي السَّمَاءِ وَهُوَ السَّمِيعُ الْعَلِيمُ

    “ Sa Ngalan ng Allah na siyang walang makakapinsala kasama ng Kanyang Ngalan sa kalupaan at sa kalangitan, at Siya ang nakakarinig, ang pinakamaalam” ay hindi siya mapipinsala ng anumang bagay.

    At naiulat mula sa Propeta na tunay na kanyang sinabi:

    "مَنْ قَرَأَ بِالآيَتَيْنِ مِنْ آخِرِ سُورَةِ الْبَقَرَةِ فِي لَيْلَةٍ كَفَتَاهُ"

    ٍ”Sinuman ang basahin niya ang dalawang Ayah sa hulihan ng Surah Al-Baqarah sa gabi ay sapat na sa kanya”

    Ibig sabihin (sapat na sa kanya) mula sa lahat ng sakit, sakuna, at kasamaan. At naiulat rin sa Hadith ni Abdullah bin Khubaib radiyallahu anhu, kanyang sinabi: “Lumabas kami sa isang gabing napakadilim, hinahanap namin ang Propeta upang siya’y magsalah sa amin, akin siyang nakita at kanyang sinabi: “Sabihin mo” at wala akong nasabing anumang salita. Kanyang sinabi: “Sabihin mo” at wala akong nasabing anumang salita. Sinabi ko: “Ano ang sasabihin ko?” Sabi niya:

    "قُلْ هُوَ اللَّهُ أَحَدٌ وَالْمُعَوِّذَتَيْنِ حِينَ تُمْسِى وَتُصْبِحُ ثَلاَثَ مَرَّاتٍ؛ تَكْفِيكَ مِنْ كُلِّ شَيْءٍ"

    “Sabihin mo ang Allah ang nag-iisa( Surah Ikhlas) at ang dalawang Muawwidhatayn( Surah Falaq at Surah An-Nas) sa hapon at umaga ng tatlong beses, ito’y sapat sa iyo (bilang proteksiyon) mula sa lahat ng bagay”

    At naiulat mula sa Propeta mula sa Hadith ni Abdullah bin Umar na katotohan ang Propeta ay hindi niya iniiwan ang mga panalangin na ito kapag dumating sa kanya ang umaga at gabi:

    "اللَّهُمَّ إِنِّي أَسْأَلُكَ الْعَافِيَةَ فِي الدُّنْيَا وَالآخِرَةِ، اللَّهُمَّ إِنِّي أَسْأَلُكَ الْعَفْوَ وَالْعَافِيَةَ فِى دِينِي وَدُنْيَايَ وَأَهْلِي وَمَالِي، اللَّهُمَّ اسْتُرْ عَوْرَاتِي، وَآمِنْ رَوْعَاتِي، اللَّهُمَّ احْفَظْنِي مِنْ بَيْنِ يَدَيّ وَمِنْ خَلْفِي وَعَنْ يَمِينِي وَعَنْ شِمَالِي وَمِنْ فَوْقِي وَأَعُوذُ بِعَظَمَتِكَ أَنْ أُغْتَالَ مِنْ تَحْتِي"

    “O Allah, ako’y humihingi sa iyo ng kaligtasan sa mundo at kabilang buhay. O Allah, ako’y humihingi sa iyo ng kapatawaran at kaligtasan sa aking Relihiyon, aking pamumuhay, aking pamilya, at aking kayamanan. O Allah, pagtakpan mo ang aking mga kamalian at gawin mo akong panatag mula sa aking mga kinakatakutan. O Allah, pangalagaan mo ako sa aking harapan, sa aking likuran, sa aking kanan, sa aking kaliwa, sa aking itaas, at ako’y nagpapakupkop sa iyong kadakilaan na ako’y mapinsala mula sa aking ilalim”

    At sa panalangin na ito’y isang kumpletong proteksiyon at ganap na pangangalaga sa isang Alipin mula sa lahat ng dako.

    At tungkol naman sa paggamot ay naiulat mula sa Propeta ang mga dakilang payo, at mga kaaya-ayang patnubay, at iba’t-ibang mga uri ng paggamot na siyang ipinaliwanag sa kanyang Sunnah ngunit magiging mahaba ang usapan kapag ito’y babanggitin o tukuyin. At ang buong detalye patungkol dito’y makikita sa aklat na Zad Al-Maad ni ibn Al-Qayyim.

    الخطبة الثانية:

    Ang pang-apat na aral: Obligado sa bawat Muslim na hindi siya magpapadala sa anumang mga usap-usapang panay kasinungalingan. Dahil ang iba sa mga tao tulad sa mga ganitong sitwasyon ay nagpapakalat ng mga bagay-bagay o bumabanggit ng anumang bagay na mali at walang katotohanan. At kanyang pinapalaganap sa mga tao ang takot, pangamba at matinding pagkabahala na wala namang batayan o hindi naman ito umiiral. Dahil dito’y hindi maaari sa isang Muslim ang magpapadala sa katulad ng mga ganitong tsimis na kung saan ay masisira nito ang kumpleto niyang pananampalataya, kanyang pananalig, at kanyang pagtitiwala sa Allah .

    Ang panlimang aral: Katotohanan na ang mga pagsubok na siyang dumadating sa isang Muslim, sa kanyang kalusugan man, o kanyang pamilya, o kanyang anak, o kanyang kayamanan, o kanyang negosyo, at iba pa; kapag siya’y nagtiis dito at naghangad ng gantimpala sa Allah ay magiging dahilan ito ng pagtaas ng kanyang antas sa Allah .Sinabi ng Allah :

    ﱩ ﭠ ﭡ ﭢ ﭣ ﭤ ﭥ ﭦ ﭧ ﭨ ﭩﭪ ﭫ ﭬ ﭭ ﭮ ﭯ ﭰ ﭱ ﭲ ﭳ ﭴ ﭵ ﭶ ﭷ ﭸ ﭹ ﭺ ﭻ ﭼ ﭽ ﭾﭿ ﮀ ﮁ ﮂ ﮃ ﱨ [البقرة: 155-157]

    “At katiyakan, Amin kayong susubukan nang pagkatakot, pagkagutom, kawalan ng kayamanan, buhay, at mga pananim. At magbigay ka ng magandang balita para sa mga matiisin. Sila yaong kapag dumatal sa kanila ang anumang pagsubok ay kanilang sinasabi: “Katotohanan kami ay sa Allah (nagmula), at katotohanan sa Kanya kami ay babalik.” Sila yaong mga nagawaran ng pagpapala mula sa kanilang Panginoon at (Kanyang) habag, at sila yaong mga napatnubayan”

    Samakatuwid, ang Allah ay kanyang binibigyan ng pagsubok ang kanyang Alipin upang Kanyang marinig ang kanyang daing, ang kanyang pagsusumamo, ang kanyang panalangin, ang kanyang pagtitiis, ang kanyang pagsuko sa anumang itinakda sa kanya ng Allah . Ang Allah ay nakikita Niya ang Kanyang mga Alipin kapag dumatal sa kanila ang Kanyang pagsubok mula sa mga kalamidad at iba pa, at Kanyang nalalaman kung anuman ang panlilinlang ng mga paningin at anumang itinatago ng mga dibdib. At Kanyang gagantimpalaan ang bawat Alipin depende sa kanyang layunin at intensiyon. Dahil dito, kapag anumang dumatal sa kanya mula sa sakit man, o pangangailangan, o kakulangan ng kayamanan at iba pa, ay nararapat sa kanya ang maghangad ng gantimpala sa Allah at kanya itong harapin nang mayroong pagtitiis at pagsuko upang kanyang makamit ang gantimpala ng mga matiisin. At sinuman ang nakaligtas sa mga pagsubok ay magpasalamat sa Allah upang kanyang makamit ang gantimpala ng mga mapagpasalamat.

    Ang pang-anim na aral: Tunay na ang pinakalamaking pagsubok ay ang pagsubok sa Relihiyon, ito ang pinakamalaking pagsubok sa mundo at kabilang buhay. At dito ang pinakalamaking pagkalugi na walang anumang kita, at ang pagkabagsak na hindi na aasahan pang makabangon. Kapag ito’y maalala ng isang Muslim sa panahon ng pagsubok o sa panahon ng kalusugan at kaginhawaan ay pasasalamatan niya ang Allah dahil maayos ang kanyang Relihiyon. Iniulat ni Bayhaqi sa ‘Shuab Al-Eeman’ mula kay Shurayh Al-Qadi rahimahullah:

    "إني لأصاب بالمصيبة فأحمد الله عليها أربع مرات: أحمده إذ لم تكن أعظم مما هي, وأحمده إذ رزقني الصبر عليها, وأحمده إذ وفقني للاسترجاع لما أرجو فيه من الثواب, وأحمده إذ لم يجعلها في ديني"

    “Tunay na kapag ako’y tamaan ng pagsubok ay nagpapasalamat ako sa Allah ng apat na beses; Nagpapasalamat ako sa Kanya kapag ang pagsubok na ito’y hindi mas matindi kaysa noong nakaraan. At nagpapasalamat ako sa Kanya kapag ako’y Kanyang biyayaan ng pagtitiis sa pagsubok na ito. At nagpapasalamat ako sa Kanya kapag ako’y Kanyang gabayan sa pagsabi ng “Inna lillahi wa inna ilayhi rajiun” sa paghahangad ko ng gantimpala dito. At ako’y nagpapasalamat sa Kanya kapag hindi Niya ginawa ang pagsubok na ito sa aking Relihiyon”

    At hinihiling ko sa Allah na tayo’y Kanyang proteksiyonang lahat sa pamamagitan ng Kanyang pangangalaga, at biyayaan Niya tayo ng kapatawaran at kaligtasan sa ating Relihiyon, sa ating pamumuhay sa Mundo, sa ating pamilya, at sa ating kayamanan. Tunay na Siya ang nakakarinig, ang malapit, ang tumutugon.