Al-Iklas (Ang Kadalisayan)
Ang mga kategorya
Full Description
Al-Iklas (Ang Kadalisayan)
الخطبة الأولى:
إنَّ الحَمْدَ لله نَحْمَدُهُ ونَسْتغفرُهُ ونَتوْبُ إليْه، ونعوْذُ بِالله من شُرورِ أنْفسِنَا ومِن سَيِّئَاتِ أَعْمَالِنَا، مَن يَهْدهِ الله فلا مُضِلَّ لَهُ ومَن يُضْلِل فلن تَجِدَ لَه وَلِيَاً مُرْشِدَاً. وَأَشْهَدُ أَنْ لَا إِلَهَ إِلَا الله وَحْدَهُ لَا شَرِيْكَ لَهُ، وأَشْهَدُ أَنَّ مُحَمَّدَاً عَبْدُهُ وَرَسُوْلُهُ،
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا اتَّقُوا اللَّهَ وَقُولُوا قَوْلًا سَدِيدًا * يُصْلِحْ لَكُمْ أَعْمَالَكُمْ وَيَغْفِرْ لَكُمْ ذُنُوبَكُمْ وَمَنْ يُطِعِ اللَّهَ وَرَسُولَهُ فَقَدْ فَازَ فَوْزًا عَظِيمًا
أمَّا بعد:
Alipin ng Allah ﷻ! naiulat ni Imam Bukhari sa kanyang aklat na Saheh mula sa Hadeeth ni Omar Ibn Al-khattab (kalugdan nawa siya ng Allah) :narinig ko Ang Propeta ﷺ na nagwika:
)إِنَّمَا الأَعْمَالُ بِالنِّيَّاتِ وَإِنَّمَا لِكُلِّ امْرِئٍ مَا نَوَى فَمَنْ كَانَتْ هِجْرَتُهُ إِلَى اللَّهِ وَرَسُولِهِ فَهِجْرَتُهُ إِلَى اللَّهِ وَرَسُولِهِ وَمَنْ كَانَتْ هِجْرَتُهُ لِدُنْيَا يُصِيبُهَا أَوِ امْرَأَةٍ يَتَزَوَّجُهَا فَهِجْرَتُهُ إِلَى مَا هَاجَرَ إِلَيْهِ(
“Tunay na ang mga Gawain ay ayon sa hangarin o layunin, kaya sinuman ang nangibang-bayan para sa Allah at sa kanyang Sugo, ang kanyang pangingibang-bayan(o paglipat)ay para sa Allah at sa Kanyang Sugo,at kung sinuman ang kanyang hangarin ng kanyang pangingibang-bayan ay upang makapagtamo ng mga makamundong bagay, o di kaya’y para makapag-asawa ng isang babae, tunay na ang kanyang pangingibang-bayan ay para lamang sa kung ano ang kanyang sariling layunin.”
Allahu Akbar! Tunay na napakadakila at napakahalaga ng hadeeth na ito para sa mga taong dalisay at mga mananampalatayang may dalisay na puso. Kaya’t sa mabibiyang araw na ito ninanais kong paalalahanan ang aking sarili at pagkatapos kayo sa mahalagang usapin na ito walang iba kundi “Ang Ikhlas at ang Kahigitan nito”,sapagkat ito ang katotohanan ng ating relihiyon at susi ng Da’wah(Paanyaya ng mga Propeta at Sugo ng Allah).Sinabi ng Allah ﷻ :
وَمَنْ أَحْسَنُ دِينًا مِمَّنْ أَسْلَمَ وَجْهَهُ لِلَّهِ وَهُوَ مُحْسِنٌ وَاتَّبَعَ مِلَّةَ إِبْرَاهِيمَ حَنِيفًا ۗ وَاتَّخَذَ اللَّهُ إِبْرَاهِيمَ خَلِيلًا النساء: 125
“At sino pa kaya ang higit na mabuti sa pananampalataya maliban sa kanya na nagsuko ng kanyang Mukha(sarili)sa Allah at siya ay isang Muhsin(mapaggawa ng kabutihan)”
قال ابن القيم: إسلام الوجه إخلاص القصد والعمل لله والإحسان هو متابعة رسول الله صلى الله عليه وسلم وسنته
“ At sinabi ni Ibn Alqaym:Ang pagsuko ng Mukha(sarili)ay nangangahulugan na Ikhlas(Dalisay) na layunin at ang gawain ay para sa Allah lamang,at ang “Ihsan’ay ang Pagsunod sa Propeta ﷺ at sa kanyang Sunnah.”
والإخلاص معناه أن يكون قصد الإنسان في حركاته وسكناته وعباداته الظاهرة منها والباطنة لله تعالى لا يريد بها شيئاً من حطام الدنيا أو ثناء الناس قال بعض العلماء: « الإخلاص أن لا تطلب على عملك شاهدًا غير الله ولا مجازيًا سواه »
Ang Kahulugan ng “Ikhlas”: ang maging hangarin o layunin ng isang tao sa kanyang pagkilos, pagpapahinga at sa lahat ng uri ng pagsamba lantaran man o lingid ay para lamang sa Allah ﷻ na walang hinahangad na makamundong bagay o papuri ng mga tao. At sinabi ng ibang Pantas ng Islam:(ang Ikhlas: ay ang hindi paghangad nang iyong gawain na may magsasaksi nito maliban sa Allah ﷻ at walang magbibigay gantimpala nito maliban sa kanya lamang.)
ولأهمية الإخلاص قال يحيى بن أبي كثير ( تعلموا النية فإنها أبلغ من العمل)
At kabilang sa kahigitan ng Ikhlas ayon sa sinabi ni Yahya Ibn Abe Katheer: “at inyong pag-aralan ang Kahalagahan ng Niyyah(intensyon) sapagkat ito ay mas mahirap abutin kaysa sa Paggawa ng Gawain”
ويقول ابن القيم: ( العمل بغير إخلاص ولا اقتداء كالمسافر يملأ جرابه رملا ينقله ولا ينفعه )
“At ayon kay Ibn Alqaym: “Ang Gawain na walang Ikhlas at walang pagsunod ay kahalintulad ng isang manlalakbay na pinupuno niya ang kanyang sisidlan ng buhangin at ito ay kanyang dinala at hindi napakinabangan”.
وعند مسلم في صحيحه عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ، أَنَّ رَسُولَ اللهِ صَلَّى الله عَليْهِ وسَلَّمَ، قَالَ: قَالَ اللَّهُ عَزَّ وَجَلَّ: أَنَا أَغْنَى الشُّرَكَاءِ عَنِ الشِّرْكِ، فَمَنْ عَمِلَ لِي عَمَلاً أَشْرَكَ فِيهِ غَيْريَ تركته وشركه
At ayon kay Iman Muslim sa kanyang Aklat na Saheh,hadeeth na Inulat ni Abu Hurayra ; tunay na ang Sugo ng Allah ay nagwika: Sinabi ng Allah ﷻ sa Hadith Qudsiy: “Ako ay hindi nangangailangan ng mga katambal na itinambal sa akin,at kung sinuman ang nagsagawa ng gawaing pagtatambal sa akin,katiyakan na iiwan ko siya at ang kanyang Shirk."
وعَنْ أَبِى هُرَيْرَةَ قَالَ قَالَ رَسُولُ اللَّهِ صلى الله عليه وسلم: « مَنْ تَعَلَّمَ عِلْمًا مِمَّا يُبْتَغَى بِهِ وَجْهُ اللَّهِ عَزَّ وَجَلَّ لاَ يَتَعَلَّمُهُ إِلاَّ لِيُصِيبَ بِهِ عَرَضًا مِنَ الدُّنْيَا لَمْ يَجِدْ عَرْفَ الْجَنَّةِ يَوْمَ الْقِيَامَةِ».
At ayon kay Abu Hurayra: Ang Propeta ﷺ ay nagsabi: “at kung sinuman ang nagsaliksik ng kaalaman na walang ibang hangarin maliban na makamit ang Mukha ng Allah (kaluguran ng Allah) subalit ginamit lamang ito upang magkaroon ng ilang makamundong pakinabang,tunay na hindi niya maaamoy ang bango ng Paraiso sa araw ng Paghuhukom."
O Sangkatauhan! tunay ng ang Ikhlas ay napakahalaga sa bawat gawain, sapagkat maaring ibigay ng Allah sa mga taong kakaunti ang gawain ang maraming gantimpala dahil sa laki ng kanilang Ikhlas sa Allah ﷻ, at sa pag-iwan nito ay hindi maaring hindi maibigay ng Allah ﷻ sa mga taong maraming nagawang mabuting gawain. Sinabi ni Shiekh Al-islam Ibn Taymiyah: “Ang Isang Uri ng gawain na ginagawa ng isang tao na may kalakip na Ikhlas para sa Allah na ito ang naging dahilan ng pagpapatawad ng Allahﷻ sa kanyang nagawang malalaking kasalan,katulad sa hadeeth na tinawag na Hadith Albitaqa.
عن عَبْدَ اللهِ بْنَ عَمْرِو بن العاص عَنْ رَسُولِ اللهِ صَلَّى الله عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قال: (( إِنَّ اللهَ سَيُخَلِّصُ رَجُلاً مِنْ أُمَّتِي، لَهُ تِسْعَةٌ وَتِسْعُونَ سِجِلاً، كُلُّ سِجِلٍّ مَدُّ الْبَصَرِ، فيَقُولُ لّهُ: أَتُنْكِرُ مِنْ هَذَا شَيْئًا أَظَلَمَكَ كَتَبَتِي الْحَافِظُونَ، فَيَقُولُ: لا يَا رَبِّ، فَيَقُولُ: بَلَى إِنَّ لَكَ عِنْدِي حَسَنَةً، وَإِنَّهُ لا ظُلْمَ عَلَيْكَ الْيَوْمَ، فيُخْرُجُ له بِطَاقَةً فِيهَا: أَشْهَدُ أَنْ لا إِلَهَ إِلا اللهُ وأَنَّ مُحَمَّدًا عَبْدُهُ وَرَسُولُهُ، فَيَقُولُ: احْضُرْ وَزْنَكَ، فَيَقُولُ: مَا هَذِهِ الْبِطَاقَةُ مَعَ هَذِهِ السِّجِلاتِ، فتَثْقُلُ الْبِطَاقَةُ، فَلا يَثْقُلُ مَعَ اسْمِ اللهِ شَيْءٌ ))
Sa hadith na inulat ni Abdullah Ibn Ammr Ibn Al-as: Tunay na ang Sugo nga Allah ay nagwika: “Tunay na ang Allah ay ay ililigtas niya ang isang lalaki mula sa Umma ng Propeta ﷺ na kung saan siya ay mayroong siyamnapu’t siyam(99) na talaan ng gawain na punong-puno nang kasamaan, ang bawat talaan ay kasing lawak ng panigin, at sasabihin sakanya ng Allah: Iyo bang itinatanggi ang mga ito? ikaw ba’y dinaya ng aking mga Anghel na tagapagtala ng Kasulatan? at siya ay sasagot, hindi po aking Panginoon, at ang Allah ay magwiwika: aking batid,at tunay na ikaw ay mayroong gantimpala na matatamo mula sa akin, at tunay na hindi ka maloloko sa araw na ito,at ilalatag sa kanaya ang Bitaqa(card) na nakasulat duon ay ang katagang: “Ako ay sumasaksi na walang marapat na Sambahin maliban ang Allah at Si Mohammad ay Alipin at Sugo ng Allah”,at sasabihin sakanya ,ilatag mo ang timbangan ng iyong gawain, at siya ay magwiwika: Ano itong Bitaqa kasama ang mga Talaan? at ito ay titimbangin at mananaig ang Bigat ng Bitaqah, tunay na wala ng mas bibigat pa sa Pangalan ng Allah ﷻ.”
At kabilang sa Kahigitan ng Ikhlas: katunayan ng ang Salaf ng Umma na ito sila ang mga uri ng tao na labis ang kanilang pangangamba sa kanilang mga gawain upang ito ay hindi mabahiran ng Riya(Pagkukunwari) o di kaya’y mahaluan ng uri ng pagtatambal sa Allah ﷻ, tunay na sila ay nagsusumikap na maging dalisay ang lahat ng kanilang mga gawain at pananalita, kayat halina’t ating sariwain ang kanilang mga kwento na nagpapatunay ng kanilang pagiging dalisay sa Allah ﷻ upang magsilbing aral at modelo sa ating gawain at pananalita. Si Ayyob Al-Sikhtiyani(kaaawaan nawa siya ng Allah) sa tuwing siya ay dadalo sa isang pag-aaral, sa tuwing marinig niya ang Hadeeth ng Propeta ﷺ siya ay umiiyak sa tindi ng pangangamba sa Allah, kayat ang ginagawa niya upang hindi siya mapansin ng mga tao sa kanyang paligid ay tinatakpan niya ang kanyang mata gamit ang pantakip ng kanyang ulo, at magkukunwari at magpaparinig na siya ay may malalang sipon. At ganun din ang Kwento ni Dawood Ibn Abi Hindh(kahabagan nawa siya ng Allah) na nag-ayuno ng higit dalawampung taon na walang nakaalam sa kanyang pamilya, dahil kinukuha niya ang kanyang pagkain mula sa kanilang bahay at dinadala niya ito sa palengke, pinamimigay niya ito sa daanan at inaakala ng mga tao sa palengke na siya ay kumain na sa kanilang bahay at ganun din ang kanyang pamilya inaakala nila na siya ay kumain sa palengke! at ganun din nabanggit at napatunayan na ang ibang mga Salaf ay mayroong sa kanila na nagtataguyod ng pagdarasal sa gabi mahigit sa dalawampung taon at na walang nakaaalam sa kanilang asawa!
Subhanallah! ating pagmuni-munihan kung papaano nila hinubog at pinangalagaan ang kanilang sarili na maging Ikhlas at itinago ang kanilang mga mabubuting gawain para sa Allah na walang ibang hangad maliban sa gantimpala na igagawad ng Allah ﷻ, nasaan ang mga muslim sa ngayon na kung saan ay sinasabi ang lahat ng kanyang mga nagawang kabutihan sa lahat ng tao!!kapag siya ay nakapagtaguyod ng tahadjud ng isang beses sa isang taon ito ay nalalaman ng kanyang kamag-anak at kapitbahay ,at kapag siya ay nakapagsadaqah o nagregalo o nakagawa ng isang uri ng kabutihan ay agad-agad nalalaman ng buong mundo mula sa silangan hanggang kanluran! kayat napakalayo ng pagitan ng isang taong dalisay at isang taong mapagkunwari..
Mga Alipin ng Allah! tunay na kung sinuman ang naging dalisay sa lahat ng kanyang pananalita at mga gawain at ito ay itinago niya sa karamihan tunay na mapapasakanya ang maraming kabutihan at mga bunga nito, katulad ng mga sumusunod:
Katiyakan ng ang Allah ﷻ ay pangangalagaan niya ang kanyang alipin na mukhlis(dalisay)sa mga masasamang mga pangyayari at mga fitna. Ang Allah ﷻ ay nagsabi sa kalagayan ni Yusuf (alayhi assalam):
وَلَقَدْ هَمَّتْ بِهِ ۖ وَهَمَّ بِهَا لَوْلَا أَنْ رَأَىٰ بُرْهَانَ رَبِّهِ ۚ كَذَٰلِكَ لِنَصْرِفَ عَنْهُ السُّوءَ وَالْفَحْشَاءَ ۚ إِنَّهُ مِنْ عِبَادِنَا الْمُخْلَصِينَ [يوسف: 24
"At katiyakan na siya ay pinagnasaan nito [ng babae], at siya [si Yusuf] ay [nakarama] rin ng pagnanasa sa kanya, kung hindi lamang niya nakita ang patunay ng kanyang Panginoon. Ganyan nga Namin inilayo sa kanya ang kasamaan at kahalayan. Katotohanan, siya ay isa sa Aming mga [pinili] matapat na alipin"
Ang isang taong Mukhlis siya ay pangangalagaan mula sa tukso ng Shaytan:
قَالَ فَبِعِزَّتِكَ لَأُغْوِيَنَّهُمْ أَجْمَعِينَ * إِلَّا عِبَادَكَ مِنْهُمُ الْمُخْلَصِينَ [ص: 82-83]
[Ang satanas ay] nagsabi: “Sumpa man sa Iyong Kapangyarihan, katiyakang sila [mga anak ni Adan] ay aking ililigaw - silang lahat, Maliban sa Iyong mga aliping kabilang sa kanila na [Iyong ginawang] matatapat"
Pangangalagaan ang kanyag puso mula sa sa mga sakit nito tulad ng pagka-inggit: Sinabi ng Propeta ﷺ:
)ثَلَاثٌ لَا يُغِلُّ عَلَيْهِنَّ قَلْبُ امْرِئٍ مُؤْمِنٍ (أي لا يدخله حقد يزيله عن الحق): إِخْلَاصُ الْعَمَلِ لِلَّهِ، وَالْمُنَاصَحَةُ لِأَئِمَّةِ الْمُسْلِمِينَ، وَلُزُوم ُ جَمَاعَتِهِمْ؛ فَإِنَّ دُعَاءَهُمْ يُحِيطُ مِنْ وَرَائِهِمْ (
“Tatlong bagay na hindi mapapasukan ng inngit ang puso na isang mananampalataya: ang pagiging ikhlas sa Allah, pagbibigay ng payo sa mga pinuno ng mga muslim, at pananatili sa grupo ng mga muslim, sapakat ang kanilang panalangin ay napapalibutan mula sa kanilang likuran”
Kung sinuman dalisay sa kanyang gawain ay dodoblehin ng Allah ang kanyang kabutihan at itataas ang kanyang antas. Tunay na may mga gawain na maliit lamang ngunit napapalaki ito dahil sa laki ng intensyon na kabutihan.Sinabi ng Propeta ﷺ:
إِنَّكَ لَنْ تُنْفِقَ نَفَقَةً تَبْتَغِي بِهَا وَجْهَ اللهِ إِلاَّ أُجِرْتَ عَلَيْهَا حَتَّى مَا تَجْعَلُ فِي فِي امْرَأَتِكَ))
"Tunay na na magpakailan man sa iyong pagtutustos na ang hangarin ay ang mukha(lugod)ng Allah maliban na lamang na ikaw ay gagantimpalaan kahit sa paggamit mo sa iyong asawa."
قول ابن المبارك - رحمه الله: رُبَّ عملٍ صغيرٍ تعظِّمهُ النيَّةُ، وربَّ عمل كبيرٍ تُصَغِّره النيَّةُ.
Ayon kay Ibn Al-mubarak(kahabagan nawa siya ng Allah): tunay na mayroong maliit na gawain na punong-puno na magandang layunin at mayroon naming malaking gawain ngunit napakaunti ng laynin.
Pangangalagaan ng Allah ang Ummah at ipagkakaloob niya ang kanyang tulong. Sinabi ng Propeta ﷺ:
إِنَّمَا يَنْصُرُ اللَّهُ هَذِهِ الأُمَّةَ بِضَعِيفِهَا بِدَعْوَتِهِمْ وَصَلاَتِهِمْ وَإِخْلاَصِهِمْ) )
"Katunayan na ipagkakaloob ng Allah ang kanyang tulong sa kanyang mga alipin na mahihina sa pamamagitan ng kanilang panalangin at salah at pagiging ikhlas sa kanya"
Makakamit ng alipin ang Kapatawaran ng Allah: katulad na lamang ng kwento ng isang babaeng makasalanan na nagpainom ng tubig sa isang aso na uhaw na uhaw at sa kwento ng isang lalaki na inalis ang bagay na nakasagabal sa kanyang daanan. Sinabi ni Ibn Taymiyyah:na walang ibang dahilan kung bakit nagawa ng babaeng yaon ang magpainom sa aso maliban sa dalisay na pananampalataya nang kanyang puso sa Allah ﷻ.
أسال الله أن يرزقني وإياكم الإخلاص في الأقوال والأعمال وان يحفظ أعمالنا من الرياء وأقول قولي هذا، وأستغفر الله لي ولكم ولسائر المسلمين من كل ذنب وخطيئة، فاستغفروه إنه هو الغفور الرحيم
الخطبة الثانية:
الحمد لله وكفى والصلاة والسلام على نبيه المصطفى وعلى آله ومن سار على هديهم واقتفى أما بعد؛ عباد الله!
Kabilang sa pinakamahalagang bunga ng pagiging Ikhlas: tunay na ang Allah ang magpapawi sa mga alipin niyang mukhlisin sa lahat ng mga problema pagsubok at kalungkutan at kapighatian, lahat tayo alam natin ang kwento ng tatlong lalaki na pumasok sa isang kuweba upang magpahinga hanggat sa sila ay nasaraduhan ng malaking bato at tuluyang hindi makalabas, nagwika ang isa sakanila: tunay na hindi tayo makakalabas sa kuwebang ito maliban kung tayo ay hihingi ng panalangin sa Allahﷺ sa pamamagitan ng mabubuting gawa na nagawa natin, at sinabi ng isa sa kanila: O Allah! tunay na ako ay mayroong dalawang magulang na umabot na sa katandaan, na kung saan sila ang aking laging unang inaasiko sa pagdating ko sa aming bahay pinapainom at pinapakain bago ang aking sariling pamilya, hanggang sa isang araw ako ay nahuli sa pag-uwi at nadatnan ko sila na mahimbing ang tulog na hindi ko pa sila napakain at ayaw ko na may nauuna sa kanila na kumain o uminom mula sa aking pamilya at hinintay ko silang magising hanggang sa sumapit ang fajr at sila ay gumising at uminom at kumain,o Allah! hinihiling ko po sa Inyo kung itong gawaing ito ay ginawa ko na walang ibang hanagarin maliban na ito ay ikhlas sa iyo nawa’y tulungan mo kami sa aming sitwasyon ,at bumukas nang kaunti ang kuweba na natabunan ng malaking bato ngunit hindi pa nila kayang makalabas.
At pagkatapos nagsalita ang panagalawa lalaki: O Allah! tunay na ako ay may pinsan na babae na lubos kong minamahal kung kaya hiniling ko sakanya na ibigay ang kanyang sarili at siya ay nagpumigil hanggang sa dumating ang isang panahon siya ay naghirap, at siya ay lumapit sa akin upang humingi ng tulong at binigyan ko siya ng isang daan at dalawampung (120) dinar sa kondisyon na ibigay niya sa akin ang kanyang sarili at siya ay pumayag sa kondisyon na yaon, hanggat sa dumating ang takdang araw at ibibigay na niya ang kondisyun na aming napag-usapan ,siya ay nagwika: huwag mong galawin ang isang bagay maliban na ito ay karapatdapat, nang dahil sa salitang yaon ay nakaramdam ako ng pangamba at takot sa Allahﷻhangang sa umalis ako at iniwan o ang salapi na ibinigay ko sa kanya.O Allah! hinihiling ko po sa Inyo kung itong gawaing ito ay ginawa ko na walang ibang hanagarin maliban na ito ay ikhlas sa Iyo nawa’y tulungan mo kami sa aming sitwasyon, at bumukas muli na kaunti ang kweba na natabunan ng malaking bato ngunit hindi parin nila kayang makalabas mula rito. Pagkatapos nagsalita ang pangatlong lalaki: O Allah! tunay na ako ay nangupahan ng mga taong magtatrabaho sa akin at ibinigay ko sa kanila ang kanilang mga sweldo maliban sa isang lalaki na iniwan niya ang kanyang sweldo hanggang sa ito ay lumago at dumami, hanggang isang araw siya ay bumalik sa akin at hinihingi ang kanyang sweldo,at ako ay nagwika: Ang lahat ng iyong nakikita na mga kamelyo baka at iba pa ay nagmula sa iyong sweldo at ito ay kinuha niyang lahat at walang iniwan ni isa man lamang. O Allah! hinihiling ko po sa Inyo kung itong gawaing ito ay ginawa ko na walang ibang hanagarin maliban na ito ay ikhlas para sa Iyo nawa’y tulungan mo kami sa aming sitwasyon, at bumukas ang kweba hanggang sila ay nakalabas na naglalakad pauwi ng kanilang bahay.