×
Ang artikulo ay naglalaman ng Kapanganiban ng Shirk at ito ay kabilang sa Pinakamalaking mga Kasalanan at hindi pinapatawad ang may gawa nito sa kabilang buhay

    Ang Pagtatambal Sa Allah At Mga Uri Nito

    الخطبة الأولى:

    إنَّ الحَمْدَ لله نَحْمَدُهُ ونَسْتغفرُهُ ونَتوْبُ إليْه، ونعوْذُ بِالله من شُرورِ أنْفسِنَا ومِن سَيِّئَاتِ أَعْمَالِنَا، مَن يَهْدهِ الله فلا مُضِلَّ لَهُ ومَن يُضْلِل فلن تَجِدَ لَه وَلِيَاً مُرْشِدَاً. وَأَشْهَدُ أَنْ لَا إِلَهَ إِلَا الله وَحْدَهُ لَا شَرِيْكَ لَهُ، وأَشْهَدُ أَنَّ مُحَمَّدَاً عَبْدُهُ وَرَسُوْلُهُ، يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ ٱتَّقُواْ رَبَّكُمُ ٱلَّذِي خَلَقَكُم مِّن نَّفۡسٖ وَٰحِدَةٖ وَخَلَقَ مِنۡهَا زَوۡجَهَا وَبَثَّ مِنۡهُمَا رِجَالٗا كَثِيرٗا وَنِسَآءٗۚ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ ٱلَّذِي تَسَآءَلُونَ بِهِۦ وَٱلۡأَرۡحَامَۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَلَيۡكُمۡ رَقِيبٗا

    أمَّا بعد:

    Sa loob ng talakayang ito ay paksang pinakamapanganib at pinakamalaking kasalanan na kung kaya nararapat sa bawat muslim na layuan at iwasan ito at ilihis ang kanyang atensyon mula rito sa pamamagitan ng pag-aaral kung ano nga ba ang mga ito. At ito ay walang iba kundi ang shirk/pagtatambal sa Allah . Bakit? Sapagkat ang shirk/pagtatambal sa Allah ay kabilang sa mga malalaking kasalanan na hindi patatawarin ng Allah ang sinumang nakagawa nito maliban na lamang kung siya ay humingi ng kapatawaran at magbalik loob sa Allah bago pa man siya tuluyang bawian ng buhay.

    Sinabi ng Allah :

    إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَغۡفِرُ أَن يُشۡرَكَ بِهِۦ وَيَغۡفِرُ مَا دُونَ ذَٰلِكَ لِمَن يَشَآءُۚ وَمَن يُشۡرِكۡ بِٱللَّهِ فَقَدِ ٱفۡتَرَىٰٓ إِثۡمًا عَظِيمًا [النساء: 48]

    "Katotohanan na ang Allah ay hindi papatawarin ang sinumang magtatambal sa Kanya. Ngunit Kanyang pinapatawad ang anumang [kasalanan] maliban dito. At sinuman ang magtambal sa Allah, katiyakang siya ay nakagawa ng malaking kasalanan."

    At sinabi pa ng Allah :

    لَقَدۡ كَفَرَ ٱلَّذِينَ قَالُوٓاْ إِنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلۡمَسِيحُ ٱبۡنُ مَرۡيَمَۖ وَقَالَ ٱلۡمَسِيحُ يَٰبَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ رَبِّي وَرَبَّكُمۡۖ إِنَّهُۥ مَن يُشۡرِكۡ بِٱللَّهِ فَقَدۡ حَرَّمَ ٱللَّهُ عَلَيۡهِ ٱلۡجَنَّةَ وَمَأۡوَىٰهُ ٱلنَّارُۖ وَمَا لِلظَّٰلِمِينَ مِنۡ أَنصَارٖ [المائدة: 72]

    “Sinuman ang magtambal sa Allah tunay na ipinagbawal sa kanya ng Allah ang paraiso at ang kanyang magiging tirahan ay ang apoy. At ang mga magpanggawa ng kasalanan ay walang kakampi"

    At sinabi ng Propeta Muhammad :

    ) ألاَ أُنبِّئكم بأكبرِ الكبائر؟ الإشراك بالله( متفق عليه

    “Akin bang ipagbibigay alam sa inyo ang pinakamalaking pagkakasala? Ito ay ang pagtatambal sa Allah"

    At ang pagtatambal sa Allah ay dalawang uri:

    Unang uri: (Shirk Akbar) Ang malaking uri ng pagtatambal, ito ay ang pagsamba sa iba liban sa Allah o kaya naman ay paglalaan ng anumang uri ng pagsamba sa iba liban sa Allah .

    Ang pangalawang uri: (Shirk Asghar) Ang maliit na uri ng pagtatambal, kabilang dito ang riyah/pagpapakitang tao.

    Sinabi ng Allah :

    أنا أغْنَى الشُّركاء عنِ الشرك، مَن عمِل عملاً أشْرَك معي فيه غيري تركتُه وشِرْكه))

    “Ako ang pinakaganap na malaya at hindi nangangailangan sa anumang pagtatambal mula sa kanilang mga itinatambal. Sinuman ang gumawa ng gawaing pagsamba na kung saan Ako ay kanyang itatambal sa iba, siya ay Aking iiwan at ang kanyang itinambal sa Akin"

    At iyong alamin aking kapatid, ang ilan sa mga paliwanag hinggil sa mga mapagtambal na gawain na ipinagbabawal kung saan ubligado ang pag-iwas at paglayo mula sa mga ito. Sa pagtingin sa mga ito ay higit na isinasaalang-alang at binibigyang pansin ang mga gawain na kung saan ay higit na marami sa mga tao ang nasasadlak sa mga ito. Ipinapanalangin natin sa Allah na tayo ay Kanyang iligtas at pangalagaan mula sa mga pagkakasala at mga ipinagbabawal at Kanyang ipagkaloob sa atin ang mainam at maligayang pagtatapos. Ang Allah lamang ang tanging nasa likod ng lahat ng pagnanais at kahilingan sa Kanya lamang tayo nanunumbalik, nanalangin at umaasa sa lahat ng ating nais, dahil siya lang ang makapangyayarihin tigib ng karunungan at ang tanging tagapaggabay sa matuwid na landas.

    Ang ilan sa mga pagtatambal na ito ay:

    Ang paglalakbay para sa mga Awliya/mga mabubuti, mararangal at malalapit na alipin ng Allah.

    Ang gawaing ito ay talamak at laganap katulad ng apoy na kumakalat sa mga tuyong tangkay ng mga halaman. Ang paglalakbay at pagpunta sa mga libingan ng mga Awliyah at burol ng mga yumao at ang pagsusumamo, pagpapakupkop, paghingi ng tulong sa kanila at ang Nadhr/sinumpang gagawin ng isang tao kapag natupad ang kanyang ninais at pananalangin sa kanila, ang lahat ng mga ito ay malaking uri pagtatambal na sumasalungat sa turo at kapaliwanagan ng Qur'an at Sunnah. Iyong alamin ang ilan sa mga patunay na nagbabawal sa mga ito.

    Sinabi ng Allah :

    وَيَعۡبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ مَا لَا يَضُرُّهُمۡ وَلَا يَنفَعُهُمۡ وَيَقُولُونَ هَٰٓؤُلَآءِ شُفَعَٰٓؤُنَا عِندَ ٱللَّهِۚ قُلۡ أَتُنَبُِّٔونَ ٱللَّهَ بِمَا لَا يَعۡلَمُ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَلَا فِي ٱلۡأَرۡضِۚ سُبۡحَٰنَهُۥ وَتَعَٰلَىٰ عَمَّا يُشۡرِكُونَ [يونس: 18]

    “At sila ay sumasamba sa iba bukod sa Allah na hindi makakapinsala o makapagbibigay sa kanila ng kabutihan, at sila ay nagsasabing: "sila [ang aming mga sinasamba] ay aming mga tagapamagitan sa Allah." Sabihin [o Muhammad ]: "ipinagbibigay-alam ba ninyo sa Allah ang anumang hindi Niya nababatid sa mga kalangitan at kalupaan?" Luwalhati sa Kanya at Siya ay mataas nang higit kaysa sa anumang kanilang itinatambal sa Kanya."

    At sinabi ni Ibnu Abbas kalugdan nawa siya ng Allah : "Isang araw, ako noon ay nasa likod ni Propeta Mohammad at kanyang sinabi:

    )يا غلامُ، إني أُعلِّمك كلمات: احفظِ الله يحفظْك، احفظِ الله تجدْه تُجاهَك، إذا سألتَ فاسألِ الله، وإذا استعنتَ فاستعن بالله، واعلم أنَّ الأمة لو اجتمعتْ على أن ينفعوك بشيءٍ لم ينفعوك إلا بشيء قد كتبه الله لك، وإنِ اجتمعوا على أن يضرُّوك بشيء لم يضرُّوك إلا بشيء قد كتَبَه الله عليك، رُفِعت الأقلام وجفَّتِ الصُّحُف(

    “O bata, katotohanan tuturuan kita ng mga salita, pangalagaan mo ang Allah at ikaw ay Kanyang pangangalagaan, pangalagaan mo ang Allah at Siya ay matatagpuan mo sa iyong harapan. Kapag ikaw ay humingi, humingi ka sa Allah . At kapag ikaw ay humingi ng tulog, humingi ka ng tulog sa Allah At iyong alamin na kahit pa man ang buong nasyon ay magsamasama upang ikaw ay kanilang bigyan ng kabutihan ay hinding hindi sila makapagbibigay sa iyo ng kabutihan liban na lamang sa anumang itinakda ng Allah para sa iyo at ganun din kahit sila ay magsamasama pa upang ikaw ay ipahamak, hinding hindi ka nila maipapahamak maliban na lamang sa anumang itinakda ng Allah laban sa iyo, itinaas na ang mga panulat at natuyo na ang mga sinusulatan."

    Naiulat ni Abu Hurayrah kalugdan nawa siya ng Allah : Narinig ko si Propeta Muhammad na nagsabi:

    (قال الله تعالى: أنا أغْنَى الشُّركاء عن الشِّرك، مَن عمِل عملاً أشْرك فيه معي غيري تركتُه وشِرْكه)

    Sinabi ng Allah: “Ako ang pinakaganap na malaya at hindi nangangailangan sa anumang pagtatambal mula sa kanilang mga itinatambal. Sinuman ang gumawa ng gawaing pagsamba na kung saan Ako ay kanyang itatambal sa iba, siya ay Aking iiwan at ang kanyang itinambal sa Akin"

    Ang mga patunay na ito na galing sa Qur'an at Sunnah ay sapat na katibayan na upang maging malinaw ang kaligawan ng sinumang gumagawa ng mga gawaing ating nabanggit ng may paniniwala na mayroong ibang makapangyarihan at makapagbibigay pakinabang at makapagpapahamak na kasama ng Allah .

    Ang panunumpa maliban sa Allah .

    Hindi pinahihintulutan sa isang muslim ang manumpa maliban sa Allah , halimbawa ang pagsumpa sa bagay na ipinagkatiwala o sa isang biyaya, o ang panunumpa sa pamamagitan ni Propeta Muhammad o sa buhay ng ama at ina o kaya naman sa kaluluwa ng sinuman o sa kanyang karangalan at kabutihan, at marami pang ibang halimbawa. Ang lahat ng mga ito ay pawang ipinagbabawal. Iyong alamin ang ilan sa mga katibayan na mula sa mga angkop at matibay na Hadith.

    Isinalaysay nina Bukhari at Muslim na naiulat ni Ibnu Umar kalugdan nawa sila ng Allah na sinabi ni Propeta Muhammad :

    ألَا، إنَّ اللَّهَ يَنْهَاكُمْ أنْ تَحْلِفُوا بآبَائِكُمْ، فمَن كانَ حَالِفًا فَلْيَحْلِفْ باللَّهِ، وإلَّا فَلْيَصْمُتْ))

    “Katotohanan ipinagbabawal ng Allah ang manumpa kayo sa inyong mga ama. Kaya't sinumang gustong sumumpa ay sumumpa siya sa Allah o kaya'y manahimik na lamang"

    At inulat ni Abu Dawud kaawaan nawa siya ng Allah na sinabi ni Propeta Muhammad :

    مَن حلَفَ بالأمانَةِ فليس مِنَّا))

    “Sinumang sumumpa sa Amanah/ipinagkatiwalang mga bagay ay hindi kabilang sa amin"

    Kaya naman aking kapatid na nakaririnig nito, nararapat sa iyo na kung ikaw ay nakapanumpa liban sa Allah ng dahil sa pagkalimot o pagkakamali at wala namang intensyon sa panunumpa sa Propeta o sa Amanah o sa buhay ng sinuman at iba pa dulot ng mga nakasanayang kaugalian nararapat makawala ka o maging inosente ka sa anumang iyong nasabi ngunit paano nga ba? Narito ang kasagutan.

    Ang Allah papuri at pasasalamat sa Kanya ay naglagay Siya at nagbigay ng paraan na makapaglalabas sa atin mula sa kasalanang ito, nabanggit sa malakas at tamang Hadith na naitala ni Bukhari kaawaan nawa siya ng Allah na sinabi ni Propeta Mohammad :

    (مَن حَلَفَ، فقالَ في حَلِفِهِ: باللَّاتِ والعُزَّى، فَلْيَقُلْ: لا إلَهَ إلَّا اللَّه)

    "Sinuman ang sumumpa at kanyang sinabi sa kanyang pagsumpa: 'sumpa man kay Lat at Uzzah' ay dapat niyang sabihin ; 'La ilaha illallah'"

    Samakatuwid upang ikaw ay makawala at makalabas mula sa iyong mga sinabi (maling pagsumpa) ay dapat mong sabihin ang La ilaha illallah at wala ng iba pang kabayaran o kaffarah mula sa mga kayamanan o pag-aayuno, sapagkat ang taong nanumpa maliban sa Allah ay nakapagtambal sa Kanya at ang pagtatambal ay walang kabayaran kundi ang paghingi ng kapatawaran at pagsambit ng La ilaha illallah.

    Naitala mula sa mga salaysay ni Abdullah ibnu Mas'ud kalugdan nawa siya ng Allah :

    “Ang manumpa ako sa Allah ng kasinungaling ay higit na kaibig-ibig sa akin kaysa sa manumpa ako liban sa Allah ng makatotohanan" .

    Bakit? bakit kaya nasabi ito ni Abdullah ibn Mas'ud? Dahil ang panunumpa sa Allah ng kasinungalingan ay mapanganib na pagsisinungaling at kabilang sa mga Kaba'ir/malalaking kasalanan at samantalang ang panunumpa liban sa Allah ay pagtatambal na siyang pinakadakila at pinakamalaking kasalanan. Kaya dapat kang mag-ingat at mabahala.

    Ang pagsasabit ng mga anting-anting o agimat.

    Ang agimat o anting-anting, ito ay nilalagay ng mga arabo noon sa damit o katawan ng kanilang mga anak dahil sa kanilang paniniwala na ito ay makakapaglalayo sa kanilang mga anak mula sa kasamaan ng mga Jinn/engkanto at ito ay makakapagligtas sa kanila mula sa usog at iba pa. Subali't ito ay pagtatambal na mahigpit na ipinagbabawal. Isa sa mga katibayan ay ang sinabi ni Propeta Muhammad :

    مَن عَلَّقَ تَميمةً فقد أَشرَكَ))

    “Sinumang magsabit ng anting-anting, tunay na siya'y nagtambal sa Allah"

    Ngunit maaaring may magtanong: "Paano kung ang agimat o anting-anting ay galing o gawa mula sa mga talata ng banal na Qur'an, ito ba ay ipinapahintulot? Ang kasagutan ay ang mga nakasaad sa aklat na 'Fathul majid fi sharh at-tawheed' at narito ang mga buod nito: ang mga salaf/naunang pantas ay nagkaroon ng iba't ibang pananaw sa bagay na ito, sapagkat ang iba sa kanila ay nagpahintulot dito, samantala ang iba naman ay ipinagbawal ito, ngunit ang pinakamalapit sa wasto at tama ay ang pagbabawal dito dahil sa mga sumusunod na kadahilan: Una, ang nakasaad sa hadith na ating binanggit ay pangkalahatang pagbabawal. Pangalawa, pagpigil at pag-iwas mula sa pagnanasa sapagkat katotohanan ang pagpapahintulot dito ay magdudulot ng pagsasabit ng iba pang anting-anting. Pangatlo, kapag isinabit ito ng isang tao ay tiyak na mababastos niya ang talata ng Qur 'an dahil madadala niya ito sa oras ng tawag ng kalikasan o paggamit ng palikuran.

    Panggagamot sa pamamagitan ng talata ng banal na Qur-an (Ar-ruqqiyah).

    Ito ay nahahati sa dalawang uri, mayroong uri na ipinagbabawal at mayroong uri na ipanahihintulot. Ang una ay ganap na pagbabawal at tuwirang pagtatambal at isa sa mga katibayan ay ang naisalaysay ni Imam Muslim mula kay Awf Ibn Malik kalugdan nawa sila ng Allah na siya nagsabi:

    “Aming nakagawian ang pagruruqiyah sa panahon ng kamangmangan [panahon ng jahiliyyah] kaya naman aming sinabi: 'O sugo ng Allah ano ang pananaw mo hinggil dito? kanyang sinabi: 'Manatili kayo sa inyong pagruruqqiyah, walang masama sa ruqqiyah hangga't ito ay hindi humahantong sa pagtatambal"

    Subalit kung ang panggagamot na ito ay sa pamamagitan ng orasyon at mga salitang hindi naiintindihan, ito ay pagtatambal at kalapastanganan at ang ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga nakasaad sa aklat na 'Arrahamah fittib walhikmah', ngunit hahanguin natin ito mula sa aklat na 'Assunan wal mubtadi'at' upang ating maipaliwanag ang sagot o tugon ng may akda sa mga maling gawain na ito, upang sa ganon ay magkaroon tayo ng kaliwanagan hinggil dito. Nang sa ganun ay atin itong maiwasan at maiwaksi ang aklat na ito at ang anumang gaya nito na mag-aakay tungo sa pagtatambal. Kupkupin nawa tayo at pangangalagaan ng Allah .

    Nabanggit sa aklat na 'Assunan wal mubtadi'at' ang mga sumusunod upang sagutin at pasinungalingan ang aklat na 'Arrahamah fittib walhikmah'.

    1. Ang paggamot sa pamumula ng mata (sore eyes).

    Nailahad mula sa may-ari ng aklat na nagsabi ang kanilang Imam at modelo sa kamangmangan at kaligawan ng: “Kukunin ang dugo ng isang babaing kasalukuyang may buwanang dalaw na wala pang lalaking nakagalaw sa kanya at pagkatapos ay ihahalo ito sa similya upang gamitin bilang panglagay sa mga talokap ng mata (eye cosmetics) sapagkat pinuputol nito ang maduming puting bagay sa mga mata na nagiging dahilan ng pamumula ng mata." Datapwa't sinabi ng Pantas: 'Ngunit ang totoo pinuputol nito ang liwanag mula sa mata na siyang nagiging dahilan ng tuluyang pagkakasakit ng mata o kaya ay ng pagkaligaw mula sa tamang landas."

    2. Ang paggamot sa pagkabulag.

    Ang tugon naman ni Abdussalam sa kanyang aklat 'Assunan wal mubtadi'at' ay ang mga sumusunod upang pasinungalingan ang makademonyong pahayag na ito: 'Paano magagawa ng isang tao na gawing tagapagbigay-hatol ang mga ganitong uri na mga pantas nilang nasa lihis na landas at kaalaman. Sa aking opinyon sila ay mga Hudyo dahil sila ay nag-akda ng mga salita at katuruan ng mga Hudyo, o kaya naman amin silang hinahatulan bilang mga kristiyano sapagkat karamihan sa kanilang mga ipinapahayag ay puro kawalang-pananampalataya (kufr) o kaya naman sila ay mga taong naliligaw/nalilihis mula sa matuwid na landas at mangmang sa pananampalataya, bulag at selyado ang kanilang mga puso't isipan.'

    3. Pampalakas sa oras ng pakikipagtalik.

    Sinabi ng kanilang pantas: “Magsulat ka sa papel sa pamamagitan ng lapis at pagkatapos iyo itong ilagay sa ibaba ng iyong dila sa anumang oras ng pakikipagtalik".

    Sinabi ni Abdussalam Muhammad: “Sinumang gumawa nito, siya ay kabilang sa pinakamangmang at pinakaligaw sa balat ng lupa, at sinuman ang hindi niya sinunog ang librong ito at ang mga katulad nito, siya kung ganon ay malulunod sa apoy ng kamangmangan at ganun din malulunod sa kahirapan at mga sakit na maidudulot nito, at kanyang patuloy na tatahakin ang landas ng kasawian at kapighatian, at pagkatapos naman sa kabilang buhay ang kanilang kaparusahan ay ang apoy ng impyerno na kanilang papasukin at kanilang pamamalagian ng katakot-takot at kahindik-hindik."

    Tayo ay tunay at tapat na nagpapayo sa sinumang naniniwala at gumagawa sa mga ito na siya ay magbalik loob na sa Allah at iwan o ilihis ang kanyang atensyon mula rito tungo sa mga maka-islamikong panggagamot (Ruqqiyah) na pinahihintulutan. Kanyang bigyang pansin ang ginawa ni Ibn Mas'ud kalugdan nawa siya ng Allah bilang aral at paala-ala, isang araw nakita ni Ibn Mas'ud sa leeg ng kanyang asawa ang sinulid kaya naman agad niyang tinanong ito: Ano ito? Kanyang tugon: “isang sinulid na mangangalaga sa akin mula sa pag-init ng katawan o lagnat." Agad itong hinablot, pinutol at itinapon ni Ibn Mas'ud pagkatapos ay kanyang sinabi na: “Tunay na tuluyang naging malaya at walang pangagailangan ang pamilya ni Ibn Mas'ud sa anumang pagtatambal sapagkat narinig ko ang Sugo ng Allah na nagsabi:

    ) (إنَّ الرُّقى والتمائمَ والتِّوَلةَ شركٌ

    ''katotohanan ang bawal na panggagamot, pagsasabit ng anting-anting, panggagayuma ay pagtatambal"

    Sinabi ng kanyang asawa: “insan ang aking mata ay namaga at sumasakit at ako ay nagtungo sa isang hudyo at ng kanya itong gamutin gamit ang (Ruqqiyah) ito ay gumaling." At ang sagot ni Ibnu Mas'ud: “Ang Shaytan, siya ang tumusok (may pakana) sa sakit ng iyong mata sa pamamagitan ng kanyang kamay, at kapag ito ay kanyang ginamot (ginamitan ng bawal na Ruqqiyah) ito ay bibitawan ni Shaytan, subalit ang tutuo ay sapat na sa iyo ang sabihin mo (bilang Ruqqiyah) ang mga nakagawiang sinasambit ng sugo ng Allah ":

    أذْهِبِ البَاسَ رَبَّ النَّاسِ، اشْفِ وأَنْتَ الشَّافِي، لا شِفَاءَ إلَّا شِفَاؤُكَ، شِفَاءً لا يُغَادِرُ سَقَمًا))

    "Alisin Mo ang karamdaman O Panginooon ng sangkatauhan, at pagalingin mo at tunay na ikaw ang tagapagaling, walang ibang lunas kundi ang lunas Mo, lunas na hindi mag-iiwan ng anumang karamdaman."

    بارك الله لي ولكم بالقرآن العظيم، ونفعني وإياكم بما فيه من الآيات والذكر الحكيم قلت ما سمعتم، وأستغفر الله لي ولكم، فاستغفروه، إنه هو الغفور الرحيم.

    الخطبة الثانية:

    الحمد لله وحده والصلاة والسلام على من لا نبي بعده، أما بعد:

    Kaya malinaw sa atin mula sa mga katibayan na ating nabanggit na ang tutuong maka-islamikong (Ruqqiyah) panggagamot ay sa pamamagitan ng mga pangalan o mga katangian ng Allah o kaya naman ay sa pamamagitan Qur'an o mga panalangin na nasabi ni Propeta Muhammad .Ang lahat ng ito ay pinahihintulutan ngunit ang mga hindi gaya nito ay pagtatambal. Kung kaya nabanggit sa librong 'Fathul majid fi sharhi attawheed' ang mga sumusunod: Sinabi ni Suyutiy, kawaan nawa siya ng Allah : Nagkaisa ang mga pantas/iskolar sa pagpapahintulot ng Ruqqiyah sa tatlong mga kondisyon:

    Unang kundisyon: Dapat na ang Ruqqiyah ay sa papamagitan ng salita ng Allah o kaya naman ay sa pamamagitan ng Kanyang mga pangalan at katangian.

    Pangalawang kundisyon: Ito ay nararapat na isagawa sa pamamagitan ng wikang arabik at naiintindihan ang kahulugan.

    Pangatlong kundisyon: Ang pagkakaroon ng paniniwala na ang Ruqqiyah ay hindi mismo ang nagpapagaling kundi ay ang Allah lamang bagkus ang Ruqqiyah ay paraan lamang.

    At ang isa pang uri nang pagtatambal ay ang:

    Paniniwala sa mga Arrafun/manghuhula at mga Dajjalun/mga impostor na nag-aangkin ng pagkapropeta at mga propesiya.

    Sinuman ang tumungo sa mga manghuhula o mga bulaang propeta upang magtanong sa kanila ng isang bagay, kung gayon, siya ay nakapasok sa isang pintuan na kabilang sa mga pintuan ng pagtatambal. Dahil siya ay naniniwala na mayroon sa mga tao ang nakakaalam ng Ghayb/mga bagay na lingid sa kaalaman ng mga nilikha, bagay na ang Allah lamang ang nakakaalam. At ito ay gawa-gawa lamang at kasinungalingan sapagkat sinabi ng Allah :

    قُل لَّا يَعۡلَمُ مَن فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ ٱلۡغَيۡبَ إِلَّا ٱللَّهُۚ وَمَا يَشۡعُرُونَ أَيَّانَ يُبۡعَثُونَ [النمل: 65[

    “Sabihin mo: 'Walang sinumang nasa mga kalangitan at sa kalupaan ang nakakabatid ng mga lihim na bagay at pangyayari maliban sa Allah at sila ay walang kamalayan kung kailan sila bubuhaying muli."

    At ganun din si Propeta Muhammad ay nagbigay babala sa kanyang nasyon hinggil sa pagpunta sa mga manghuhula at bulaang propeta. Kanyang sinabi :

    مَنْ أتى عَرَّافًا فسأَلَه عن شيءٍ، لم تُقْبَلْ له صلاةٌ أربعينَ ليلة))

    “Sinuman ang magtungo sa mga manghuhula at magtanong sa kanila, hindi tatanggapin ang kanyang pagdarasal sa loob ng apatnapung araw"

    Ang lahat ng mga ito ay pawang kasinungalingan at mahika lamang at isa lamang halimbawa mula sa mga uri ng imahinasyon, at sila ay walang nalalaman na anumang lihim na bagay at pangyayari. At ang mga bulaang propeta na ito ay nagpapakahusay lamang sa kanilang istilo at pamamaraan ng pagpapahayag upang sila ay madaling paniwalaan at tunay ngang hindi maitatanggi na sa pananalita ay may mahika. Kaya naman mapapansin natin ang ilan sa mga tao ang nag-away dahil sa dila at ilan narin sa kanila ang nagkasundo dahil dito. Kaya naman sila na mga bulaang propeta ay natutuwa at masaya sa mga biktima na mga walang kamuwang-muwang at mga ordinaryong tao at mga taong walang pananampalataya na may mataas na antas na naniniwala sa kanila. Ilalatag din natin ang ilan sa mga katibayan mula sa salita ni Propeta Muhammad , ang pinakamatapat at pinakamalaya sa pagkakamali, at nawa sa pamamagitan nito sila ay magsibalik, tungo sa katotohanan at patnubay. Kapwa sinalaysay nina Bukhari at Muslim mula kay A'isha kalugdan nawa sila ng Allah na nagsabi ng: 'Tinanong si Propeta Muhammad ni Anas hinggil sa Kuhhan/mga manghuhula at kanyang sinagot:

    (سأَل أناسٌ رسولَ اللهِ صلَّى اللهُ عليه وسلَّم عن الكهَّانِ فقال لهم رسولُ اللهِ صلَّى اللهُ عليه وسلَّم : ( ليسوا بشيءٍ ) قالوا : يا رسولَ اللهِ إنَّهم يُحدِّثونَ أحيانًا بالشَّيءِ يكونُ حقًّا ! قال رسولُ اللهِ صلَّى اللهُ عليه وسلَّم : ( تلك الكلمةُ مِن الجنِّ يحفَظُها فيقذِفُها في أُذنِ وليِّه فيخلِطونَ فيها أكثرَ مِن مِئةِ كِذْبةٍ )

    "Ang mga manghuhula ay huwad", Kaya naman ang mga tao ay nagsalita: “Ngunit o sugo ng Allah , may mga pagkakataon na sila ay nagpapahayag at ito ay nagkakatotoo?" Sinabi ni Propeta Muhammad : “Ang mga makatotohanang pahayag na iyon ay nahagilap o narinig lamang ng Jinn/mga engkanto at kanila itong ipinarating sa kanyang kaibigan na manghuhula, at pagkatapos hahaluan ito ng mga engkanto ng isang daang kasinungalingan."

    Tayo ay nagbibigay ng babala hinggil sa mga aklat na nag-iimbita tungo sa pagtatambal, gaya ng mga libro na ito (Shamsi almaarif alkubra), (Arrahmah fittib wal hikmah), at (Abi ma'shar alfalaqiy) at ang iba pang mga libro na katulad ng mga ito na nagtataglay ng nakamamatay na lason dahil sa nilalaman nito at magdadala sa sinumang maniniwala dito tungo sa lubos na pagtatambal, kung saan ito ang kasalanang hindi pinapatawad ng Allah .