Ang Kahigitan ng Tawheed
Ang mga kategorya
Full Description
Ang Kahigitan ng Tawheed (Kaisahan ng Allah)
O mga alipin ng Allah ﷻ, katakutan ninyo ang Allah ﷻ ng tunay na pagkatakot, katakutan ninyo ang Allah ﷻ sapagkat ito'y daan sa kanyang gabay,at ang pagsuway dito ay siya naming daan kaligawan at kalungkutan.
O mga mananampalatayang muslim, ang Allah ﷻ ay nag-iisa at kailanman hindi nagkaroon ng katulad at katambal. Iniutos ng Allah ﷻ sa kanyang mga alipin na sambahin Siya ng nag-iisa sa lahat ng uri ng pagsamba na naayon sa mga gawa ni Propeta Mohammad ﷺ. Ginawa ng Allah ﷻ ang pagsamba sa Kanya ang siyang pinaka-ugat at sentro ng relihiyon at unang haligi nito, ito rin ang nagdudulot ng lahat ng kabutihan at hindi magiging katanggap-tanggap ang kabutihan maliban na lamang sa bagay na ito, ang kakaunting gawa na inalay sa Allah ﷻ na kakaunti ay dumadami (ang gantimpala)at ang kabutihang gawa na hindi inalay sa Allah ﷻ, kahit pa ito’y kasing lawak ng kabundukan ay hindi kailanman tatanggapin.
Ito rin ang unang paanyaya ng mga Sugo at Propeta, sa kadahilanang ito sila’y isinugo, sinabi ng Allah ﷻ:
وَمَآ أَرۡسَلۡنَا مِن قَبۡلِكَ مِن رَّسُولٍ إِلَّا نُوحِيٓ إِلَيۡهِ أَنَّهُۥ لَآ إِلَٰهَ إِلَّآ أَنَا۠ فَٱعۡبُدُونِ[الأنبياء: 25]
“At Kami ay hindi nagpadala ng sugo na nauna sa inyo (O Muhammad ﷺ) malibang Kami ay nagpahayag sa kanya na ‘Walang diyos maliban sa Akin, kaya Ako ay inyong sambahin.”
Ang lahat ng mga talata ng Qur'an ay malinaw sa pagsasaad at pag-uutos nito, at sa mga kaakibat nitong obligasyon, gantimpala at kaparusahan, sinabi ng Allah ﷻ:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ ٱعۡبُدُواْ رَبَّكُمُ ٱلَّذِي خَلَقَكُمۡ وَٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِكُمۡ لَعَلَّكُمۡ تَتَّقُونَ[البقرة: 21]
“O sangkatauhan, sambahin ninyo ang Allah ang inyong Panginoon”
Ito ang unang kautusang ipinag-utos ng Allah ﷻ sa kanyang banal na Qur'an. katunayan, sa bawat pagdarasal ng isang muslim, siya'y nangangako sa Allah ﷻ na ito'y kanyang itatayo at isasabuhay.
إِيَّاكَ نَعۡبُدُ وَإِيَّاكَ نَسۡتَعِينُ[الفاتحة: 5]
“sa Iyo lamang kami sumasamba”
Ito rin ay karapatan ng Allah ﷻ sa kanyang mga alipin at ito ang unang inobliga sa kanila mula sa mga kautusan na kailangang isakatuparan,sinabi ni Propeta Mohammad ﷺ kay Mu'adh kalugdan nawa siya ng Allah ﷻ:
“Ang unang bagay na aanyayahan mo sila ay patungkol sa pagsamba sa Allah.
(Bukhari at Muslim)
At ang unang bagay na itatanong sa alipin ng Allah ﷻ sa kanyang libingan ay; sino ang iyong Panginoon? kanino mo inuukol ang iyong pagsamba? At sino ang iyong Propeta? At dahil sa kahalagan nito,kung saan hindi natin kailanman makakamit ang kaluguran ng Allah ﷻ maliban dito, maging si Propeta Ibrahim kalugdan nawa siya ng Allah ﷻ ay hiniling sa Allah ﷻ na gawing matatag sa kanya ang pagsasabuhay ng (Tawheed) kaisahan ng Allah ﷻ.
رَبَّنَا وَٱجۡعَلۡنَا مُسۡلِمَيۡنِ لَكَ وَمِن ذُرِّيَّتِنَآ أُمَّةٗ مُّسۡلِمَةٗ لَّكَ وَأَرِنَا مَنَاسِكَنَا وَتُبۡ عَلَيۡنَآۖ إِنَّكَ أَنتَ ٱلتَّوَّابُ ٱلرَّحِيمُالبقرة: 128]
“Aming Panginoon gawin mo po kaming mga Muslim (sumusuko sa Iyo), at mula sa aming mga anak ay gawin mong isang pamayanang Muslim(sumusuko sa Iyo)”
قَالَ قَآئِلٞ مِّنۡهُمۡ لَا تَقۡتُلُواْ يُوسُفَ وَأَلۡقُوهُ فِي غَيَٰبَتِ ٱلۡجُبِّ يَلۡتَقِطۡهُ بَعۡضُ ٱلسَّيَّارَةِ إِن كُنتُمۡ فَٰعِلِينَ[يوسف: 101]
“Tulutan Mong ako’y pumanaw bilang isang Muslim at ako’y ibilang Mo sa (hanay ng mga matutuwid)”
Mula sa mga dasal ng ating Propeta Muhammad ﷺ kanyang sinabi:
“O Allah na siyang tagapangalaga at tagapagkontrol ng mga puso,iyong patatagin ang aking puso sa iyong relihiyon”
Ito rin ang lagi’t laging paalala ng mga Sugo at Propeta:
وَوَصَّىٰ بِهَآ إِبۡرَٰهِۧمُ بَنِيهِ وَيَعۡقُوبُ يَٰبَنِيَّ إِنَّ ٱللَّهَ ٱصۡطَفَىٰ لَكُمُ ٱلدِّينَ فَلَا تَمُوتُنَّ إِلَّا وَأَنتُم مُّسۡلِمُونَ ﱨ [البقرة: 132]
“ At Inihabilin ni Abraham sa kanyang mga anak{ na ito’y isakatuparan} at gayon din si Hakob, {na nagsabing}, “ O aking mga mga anak na lalaki , katotohanan pinili ng Allah para sa inyo ang Relihiyong ito{Islam}kung kaya’t huwag kayong mamamatay maliban kayo ay mga Muslim.”
Gayundin, pinagsumikapan ng mga Propeta at Sugo na ito'y ituro at ipaalala sa kanilang mga anak, maging sila man ay nasa bingit na ng kamatayan, sinabi ng Allah ﷻ:
أَمۡ كُنتُمۡ شُهَدَآءَ إِذۡ حَضَرَ يَعۡقُوبَ ٱلۡمَوۡتُ إِذۡ قَالَ لِبَنِيهِ مَا تَعۡبُدُونَ مِنۢ بَعۡدِيۖ قَالُواْ نَعۡبُدُ إِلَٰهَكَ وَإِلَٰهَ ءَابَآئِكَ إِبۡرَٰهِۧمَ وَإِسۡمَٰعِيلَ وَإِسۡحَٰقَ إِلَٰهٗا وَٰحِدٗا وَنَحۡنُ لَهُۥ مُسۡلِمُونَ [البقرة: 133]
“O kayo ba ay naging saksi nang dumating kay Hakob ang kamatayan {paghihingalo}? Nang kanyang sabihin sa kanyang mga anak na lalaki: ‘Ano ang inyong sasambahin kung ako ay yumao na?’ sila ay nagsabi , Aming sasambahin ang iyong Diyos , Ang Diyos ng iyong mga ninunong sina Abraham , Ismael, Isaak, tanging isang Diyos at sa Kanya kami ay tumatalima.”
Sinanay at tinuruan din ng Propeta ang mga batang Sahaba na magkaroon ng ugnayan sa Allah ﷻ ng nag-iisa lamang at walang katambal, kanyang sinabi kay Ibnu Abbas kalugdan nawa sila ng Allah ﷻ:
“O bata, katotohanan tuturuan kita ng mga salita, pangalagaan mo ang Allah at ikaw ay Kanyang pangangalagaan, pangalagaan mo ang Allah at Siya ay matatagpuan mo sa iyong harapan. Kapag ikaw ay humingi, humingi ka sa Allah . At kapag ikaw ay humingi ng tulog, humingi ka ng tulog sa Allah At iyong alamin na kahit pa man ang buong nasyon ay magsamasama upang ikaw ay kanilang bigyan ng kabutihan ay hinding hindi sila makapagbibigay sa iyo ng kabutihan liban na lamang sa anumang itinakda ng Allah para sa iyo at ganun din kahit sila ay magsamasama pa upang ikaw ay ipahamak, hinding hindi ka nila maipapahamak maliban na lamang sa anumang itinakda ng Allah laban sa iyo, itinaas na ang mga panulat at natuyo na ang mga sinusulatan.” [ Isinalaysay ni Tirmidhi]
At iniutos sa atin ng Allah ﷻ na huwag tayong mamamatay liban sa katayuang ito, [katayuan ng pagsamba sa Allah ﷻ ng nag-iisa].
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱتَّقُواْ ٱللَّهَ حَقَّ تُقَاتِهِۦ وَلَا تَمُوتُنَّ إِلَّا وَأَنتُم مُّسۡلِمُونَ[آل عمران: 102]
“O kayong mga mananampalataya, Matakot kayo sa Allah ng tunay na pagkatakot, at huwag kayong mamamatay maliban na lamang na kayo ay mga tunay na Muslim”
Sa pamamagitan din nito, ating makakamit ang kapanatagan ng ating mga puso at kalayaan mula sa pagsamba sa nilikha.
فَمَن يُرِدِ ٱللَّهُ أَن يَهۡدِيَهُۥ يَشۡرَحۡ صَدۡرَهُۥ لِلۡإِسۡلَٰمِۖ وَمَن يُرِدۡ أَن يُضِلَّهُۥ يَجۡعَلۡ صَدۡرَهُۥ ضَيِّقًا حَرَجٗا كَأَنَّمَا يَصَّعَّدُ فِي ٱلسَّمَآءِۚ كَذَٰلِكَ يَجۡعَلُ ٱللَّهُ ٱلرِّجۡسَ عَلَى ٱلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ[الأنعام: 125]
“Kaya sinuman ang naisin ng Allah na bigyan ng gabay,Kanyang binubuksan ang kanyang dibdib {sa liwanag}ng Islam.”
At tatanggalin nito ang ating mga problema at kalungkutan,
وَذَا ٱلنُّونِ إِذ ذَّهَبَ مُغَٰضِبٗا فَظَنَّ أَن لَّن نَّقۡدِرَ عَلَيۡهِ فَنَادَىٰ فِي ٱلظُّلُمَٰتِ أَن لَّآ إِلَٰهَ إِلَّآ أَنتَ سُبۡحَٰنَكَ إِنِّي كُنتُ مِنَ ٱلظَّٰلِمِينَ[الأنبياء: 87]
“At siya ay nanalangin sa loob ng kadiliman ng dagat na nagsabing: walang ibang diyos maliban sa Iyo, Luwalhati sa Iyo, ako ay napabilang sa mga gumagawa ng kamalian.”
Sinabi ni Ibn Qayyim kaawaan nawa siya ni Allah ﷻ :“walang makakapagtulak mula sa kahirapan at pagsubok na dulot ng mundong ito liban sa tawheed”.
Tinatanggal nito ang anumang sakit ng ating puso at ito’y inaayos at ginagamot nito, sinabi ni Propeta Muhammad ﷺ:
“Sa pamamagitan ng tatlong bagay na ito hindi dadatnan ng anumang sakit ang ating mga puso[gaya ng inggit at galit]: kadalisayan ng ating mga gawain para lamang sa Allah, paghingi ng payo mula sa mga maaalam at ang pnanatili sa kanilang samahan o grupo”
Ito rin ang daan sa magaan at magandang buhay, bagkus walang tunay na kaligayahan dito sa mundo maliban sa pagsasabuhay nito (Tawheed).
مَنۡ عَمِلَ صَٰلِحٗا مِّن ذَكَرٍ أَوۡ أُنثَىٰ وَهُوَ مُؤۡمِنٞ فَلَنُحۡيِيَنَّهُۥ حَيَوٰةٗ طَيِّبَةٗۖ وَلَنَجۡزِيَنَّهُمۡ أَجۡرَهُم بِأَحۡسَنِ مَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ [النحل: 97]
“Sinuman ang gumawa ng gawaing matuwid , maging siya man ay lalaki o babae, at siya ay naniniwala sa Allah katiyakang aming ipagkakaloob sa kanya ang magandang buhay.”
Ito ang magsisilbing patnubay sa ating buhay na siya namang kailangan ng ating sarili.
قَالَ ٱهۡبِطَا مِنۡهَا جَمِيعَۢاۖ بَعۡضُكُمۡ لِبَعۡضٍ عَدُوّٞۖ فَإِمَّا يَأۡتِيَنَّكُم مِّنِّي هُدٗى فَمَنِ ٱتَّبَعَ هُدَايَ فَلَا يَضِلُّ وَلَا يَشۡقَىٰ[طه: 123]
“Sinuman ang sumunod sa Aking patnubay ay hindi maliligaw, at hindi magdurusa.”
Dito nagkakaisa ang lahat ng mga muslim, arabo man o banyaga, mula man sa silangan o kanluran,
إِنَّ هَٰذِهِۦٓ أُمَّتُكُمۡ أُمَّةٗ وَٰحِدَةٗ وَأَنَا۠ رَبُّكُمۡ فَٱعۡبُدُونِ[الأنبياء: 92]
“Katotohanan ito {ang Islam}, ang inyong relihiyon ay isang relihiyon, at Ako ang inyong Panginoon kaya Ako ay inyong sambahin.”
Ang kaisahan ng Allah ﷻ ay ganap, marangal at dakila, ang pinagmulan nito’y matatag at, ito ang pinakamataas at pinakadakila na salita ng Allah ﷻ.
إِنَّنِيٓ أَنَا ٱللَّهُ لَآ إِلَٰهَ إِلَّآ أَنَا۠ فَٱعۡبُدۡنِي وَأَقِمِ ٱلصَّلَوٰةَ لِذِكۡرِيٓ[طه: 14]
“Katotohanan Ako ang Allah, walang ibang diyos maliban sa Akin, kaya Ako ay iyong sambahin.”
At walang ng hihigit pa dito sa pagiging pinakamataas na uri ng pananampalataya,sinabi ni propeta Muhammad ﷺ:
“Ang pananampalataya ay mayroong higit sa pitumpong(70) uri at ang pinakamainam sa mga ito ay ang pagsasaksi na walang ibang panginoon maliban sa Allah” (Isinalaysay ni Muslim)
Ito din ang pinaka kapuri-puri sa lahat ng uri ng salita at ito din ang pinakamabigat sa timbangan ng ating mga gawa, katumbas nito ay ang pagpapalaya ng alipin at nagsisilbing panangga at proteksyon laban sa mga demonyo(Shaytan).Sinabi ni Propeta Muhammad ﷺ:
“Sinuman ang magsabi ng isang daang ulit ng walang panginoon maliban sa Allah ang nag-iisa at walang katambal. Sa Kanya ang pagpupuri at Siya ang may kakayahan sa lahat ng bagay,walang sinumang makakahigit sa gawain niyang ito liban sa taong nagsabi nito ng mas maraming beses” (Bukhari)
Hindi kailanman naging mahalimuyak ang mga labi ng mas mainam kaysa sa pagbigkas nito, sinabi ng Sugo ng Allah ﷻ : “Ang pinakamainam sa mga katagang aking sinambit at ng mga sugo na nauna sa akin;
لَا إِلَهَ إِلَّا اللَّهُ وَحْدَهُ لَا شَرِيكَ لَهُ لَهُ الْمُلْكُ وَلَهُ الْحَمْدُ وَهُوَ عَلَى كُلِّ شَيْءٍ قدير
“Walang ibang Diyos liban sa Alah ang Nag-iisa at walang katambal, sa Kanya ang kaharian at sa kanya ang lahat ng pagpupuri at sa lahat ng bagay siya ay may kakayanan”.[ isinalaysay ni thirmidhi]
Ang katagang kailanma’y hindi mawawala, sapagkat nangako ang Allah ﷻ na may taong mananatili sa pagsasambit at pag-aanyaya nito.
وَجَعَلَهَا كَلِمَةَۢ بَاقِيَةٗ فِي عَقِبِهِۦ لَعَلَّهُمۡ يَرۡجِعُونَ[الزخرف: 28]
“At kanyang ginawa ito bilang isang salitang mananatili sa kanyang mga angkan[lahi], upang sakali sila ay magsibalik [sa patnubay]”