×
Ang mga babae na bagaman hindi panahon ng kanilang buwanang dalaw ay dinudugo pa rin. Sa ganitong uri ng pagdurugo, kailangang huwag ihinto ng isang babae ang kanyang pagdarasal (Salah) o pag-aayuno (Siyam). Maaaring niyang maitakda ang panahon ng kanyang Hayd o Nifas sa pagbatay sa tatlong paraan ng pagtatakda na ilalahad sa ibaba..........
1. Al-Hayd (Buwanang dalaw o Regla)

Ang buwanang dalaw o regla ay maaaring magkakaiba sa mga kulay. Iot ay maaaring kulay pula, matingkad na pula, dilaw o maaari ring walang kulay. Kung mayroong kulay dilaw o walang kulay na likidong umaagos sa ano mang oras maliban pa sa regular na buwanang dalaw, ito'y hiindi maitututring na Hayd. Walang pinakamaikli o pinakamahaba na panahon ng Hayd. Ang bawat babae ay magkakaiba. Ang natatanging pangyayari ng Al-Istihada ay matutunghayan kaagad pagkatapos ng mga sumusunod ng kataga.

2. An-Nifas (Pagdurugo ng Bagong Panganak)

Walang pinakamaikling panahon ng Nifas. gayon pa man, may mga pangyayaring ang pagdurugo matapos ng panganganak ay tumitigil kaagad kaya ang babae ay wala na sa katayuan ng Nifas. Maaari na siyang maligo at magpatuloy sa kanyang pagdarasal o pag-aayuno, kung ito ay buwan ng Ramadan. Ayon sa karamihan ng mga Hukom, ang pinakamatagal na panahon ng Nifas ay apatnapung araw. Samakatuwid, kahit na ang pagdurugo dahilan sa panganganak ay patuloy pa rin pagkatapos ng apatnapung araw, ang babae ay hindi na paituring na nasa katayuan ng Nifas.

3. Al-Istahadah (Ang Pagdurugo Maliban pa sa Al-Hayd at An-Nifas)

Ang mga babae na bagaman hindi panahon ng kanilang buwanang dalaw ay dinudugo pa rin. Sa ganitong uri ng pagdurugo, kailangang huwag ihinto ng isang babae ang kanyang pagdarasal (Salah) o pag-aayuno (Siyam). Maaaring niyang maitakda ang panahon ng kanyang Hayd o Nifas sa pagbatay sa tatlong paraan ng pagtatakda na ilalahad sa ibaba.

Kung alam ng isang babae ang pangkaraniwan o regular na bilang ng araw ng kanyang buwanang (regla), kailangang gawin niya ito na pamantayan ng kanyang pagreregla. Matapos ang bilang ng mga araw na yaon, siya ay kailangan ng maligo at magdasal. At kung ito'y buwan ng Ramadan, kailangang ipagpatuloy niya ang kanyang pag-aayuno.

Kung hindi niya alam ang bilang ng araw ng kanyang buwanang dalaw (regla) subalit kanyang nakikilala ang buwanang pagdurugo sa ibang pagdurugo, kailangang ibilang niya ang karagdagang pagdurugo na hindi buwanang dalaw. Kaya matapos niyang makilala na ang uri ng pagdurugo ay regla (kadalasa'y itim ang kulay), pagkatapos tumigil nito, kailangang maligo na siya at ipagpatuloy ang pagdarasal. Sa ganitong pagkakataon, ang paligo sa bawat pagdarasal (Salah) ay hindi na kailangan; ang paghuhugas (Wudu) ay sapat na.

Kung ang iasang babae ay hindi kabilang sa alin man sa dalawang kategorya sa itaas, kailangang gawin niya ang regular na paligo sa pamamagitan ng paghahambing ng kanyang buwanang dalaw sa buwanang dalaw ng kanyang mga kamag-anak gaya ng kanyang ina o kapatid. At maaari rin niyang maibling ang unang anim o pitong araw ng pagreregla bilang kanyang regular na buwanang dalaw at pagkatapos ay saka siya maligo at ipagpatuloy ang pagdarasal (Salah) at ang pag-aayuno (Siyam) kung ito'y buwan ng Ramadan.

4. Mga Ipinagbabawal sa Panahon ng Hayd at Nifas

Ipinagbabawal sa panahon ng buwanang dalaw (regla) o pagdurugo ng bagong panganak ang mga sumusunod:
Ang magsagawa ng pagdarasal (Salah). (Hindi na rin kailangang bayaran pa sa ibang mga araw.)
Ang mag-ayuno. (Subalit sa pagkakataong ito ay kailangang kanyang bayaran ang araw o mga araw na hindi niya napag-ayunuhan.)

Ang pag-ikot sa Ka'abah.

Ang pagbasa o paghawak ng Qur'an.

Ang pakikipagtalik. (Ang ibang mga gawain na hindi humahantong sa pagpasok ng maselang bahagi ng lalaki doon sa maselang bahagi ng babae ay pinahihintulutan, kahit pa iyon ay maging daan sa paglabas ng semeno. Kung tumigil na ang pagreregla o pagdurugo ng bagong panganak, ang babae ay kailangang maligo muna makipagtalik sa kanyang asawa.)

KADALISAYAN AT IBA PANG MGA BAGAY Sunanul-Fitrah

Bilang karagdagan sa iba't-ibang aspekto ng Taharah (kadalisayan) na nabanggit sa naunang mga pahina, mayroon pang ibang mga bagay na maituturing na gawaing kanais-nais. Ito ay ang mga sumusunod:

Ang pagtutul. Ang karamihan sa mga Hukom ay naniniwala na ito ay sapilitan sa mga lalaking Muslim.

Ang pag-alis ng balahibo sa maselang bahagi ng katawan (pubic hair). (babae at lalaki)

Ang pag-alais ng balahibo sa kili-kili. (babae at lalaki)

Ang pagpuputol sa mahabang kuko. (babae at lalaki)

Ang pagpuputol sa mahabang bigote, ngunit hindi naman kailangang ahitin pa.

Ang Ang pagpapahaba ng balbas.

Ang pag-aayos ng buhok. Hindi dapat na ahitin ang isang bahagi lamang at itira ang ibang bahagi.
Iwasan ang pag-aalis ng puting buhok sa ulo o sa balbas.

Iwasan ang pagkukulay ng itim sa puting buhok.

Gumamit ng mga mababangong bagay gaya ng pabango, lalo na ang langis ng musk*.

*musk - Ang babae na lalabas sa kanyang pamamahay o pupunta sa isang lugar na may maraming mga lalaki ay hindi pinahihintulutan na maglalagay ng pabango o anumang katumbas nito, maliban na lamang sa harap ng kanyang asawa, ama, lolo, anak, kapatid, biyanang lalaki, pamangkin, at tiyuhin.