Mga Magagandang Asal sa Araw ng Eid
Ang mga kategorya
- عيد الفطر << العيد << مناسبات دورية << دراسات إسلامية
- عيد الأضحي << العيد << مناسبات دورية << دراسات إسلامية
Full Description
Mga Magagandang Asal sa Araw ng Eid
أفضل نهج ليوم العيد
[ بلغة التغالوغ ]
Source
http://www.icsfp.com
Reviwer
Nur Maguid
نور ماجيد
1428 – 2007
Ang mga Sunnah na maaring gawin ng mga Muslim sa araw ng Eid ay ang mga sumusunod:
1 - Ang pagsasagawa ng Ghusl bago pupunta sa Salat ul-Eid.
Iniulat sa isang sahih hadith sa al-Muwatta at sa iba pang pagsasalaysay na si 'Abd-Allaah ibn 'Umar ay madalas nagsasagawa ng ghusl sa Araw ng Eid bago tutungo sa lugar kung saan isasagawa ang Salat ul-Eid sa umaga. [Al-Muwatta' 428]
Si Al-Nawawi (nawa'y kahabagan siya ng Allahﷻ) ay nagsabi na ang mga Muslim ay nagkaisang sumang-ayon na ang isang gawaing mustahab ang paliligo (ghusl) para sa Salat ul-Eid.
Ang dahilan kung bakit ito mustahab ay parehong dahilan sa pagsasagawa ng ghusl sa pagpunta sa Salat ul-Juma'ah at sa ibang pampublikong pagtitipon. Samakatuwid ang dahilan sa Eid ay higit na malakas.
2 - Bago tutungo sa Salat ul-Eid al-Fitr at Eid al-Adha:
Ang isang bahagi ng magandang asal ay ang hindi pagpunta sa Salat ul-Fitr ng hindi kumain ng ilang piraso ng datiles (i.e. 1,3,5,7,9……). Sapagka't ito ay nakasaad sa hadith ni Imam Bukhari mula sa pag-uulat ni Anas ibn Maalik na sinabi:
Ang Sugo ng Allah ay kinaugaliang hindi lumalabas sa umaga ng Eid al-Fitr ng hindi kumain ng ilang piraso ng datiles sa bilang na 1, 3, 5, 7, 9….. [Al-Bukhari, 953]
Sapagka't ipinagbabawal ang pag-ayuno sa araw ng eid, ang pagkain bago lumabas mula sa inyong tahanan ay isang mustahab at bilang paggunita o pagpapahayag na ang pag-aayuno sa buwan ng Ramadan ay natapos na.
Si Ibn Hajar (nawa'y kahabagan siya ng Allahﷻ) ang nagpahayag na ang dahilan nito ay upang maiwasan ang maaring mangyari na madagdagan ang araw ng pag-aayuno, at upang dagliang sumunod sa utos ng Allahﷻ. [Al-Fath, 2/446]
Sinuman ang walang datiles ay maari niyang tapusin ang kanyng pag-aayuno sa pamamagitan ng anumang uri ng pagkain na makakayanan niya.
Nguni't sa Eid al-Adha, isang mustahab na gawain ang hindi kumain ng anuman hangga't sa hindi nakabalik mula sa Salat ul-Eid al-Adha. Kaya't kumain mula sa udhiyah kung nag-alay ka ng hayop. Kung hindi siya nag-alay ng hayop, insha'allah wala siyang maaring pananagutan o pagkakasal kung kakain siya bago tumugo sa Salat ul-Eid al-Adha.
3 - Ang Takbeer sa araw ng Eid
Ito ang isa sa mga mahalagang sunnah sa arwa ng Eid sapagka't sinabi ng Allahﷻ:
Ang Ramadhan ang buwan nang ipinahayag ang Qur'an, isang patnubay sa sangkatauhan, gayundin naman ay isang maliwanag (na Tanda o Katibayan) at ang Pamantayan (pamamatnubay at paghatol sa pagitan ng tama at mali). Sinuman sa inyo na namamalagi (sa kanyang tahanan at nakakita ng duklay ng buwan sa unang gabi), ay nararapat na mag-ayuno sa buwan na ito, datapuwa't kung sinuman ang may karamdaman o naglalakbay, (ito ay maaaring ipagpaliban) at ang natatakdaang araw (ay marapat na bayaran) sa mga darating na panahon. Ang Allah ay nagnanais na ang lahat ay maging magaan sa inyo; ayaw Niyang ilagay kayo sa kahirapan. (Nais Niyang) tapusin ninyo ang natatakdaang araw, at luwalhatiin Siya (katulad ng pagsasabi ng 'Pinakadakila ang Allah') sapagkat Kanyang pinatnubayan kayo; upang kayo ay magkaroon ng damdamin ng pasasalamat sa Kanya.
Iniulat na sinabi ni al-Waleed ibn Muslim:
Tinanong ko si al-Awzaa'I at Maalik ibn Anas tungkol sa pagbigkas ng Takbeer ng malakas sa dalawang Eid. Sinabi nila: 'Oo, si 'Abd-Allaah ibn 'Umar ay kinaugaliang bigkasin ang takbeer ng malakas sa araw ng Eid al-Fitr hanging sa lumabas ang Imam upang pangunahan ang Salat ul-Eid.
Sinalaysay sa sahih na iniulat na sinabi ni 'Abd al-Rahmaan al-Sulami:
“Lalo nilang binigyang diin ito sa araw ng al-Fitr kung ihahambing sa araw ng Eid al-Adha."
Ang pagbibigkas ng takbeer mula sa paglabas sa bahay upang magdasal ng Salat ul-Eid hanggang sa lumabas ang Imam upang pangunahan ang pagdadasal ay isang bagay na kilalang kinaugalian ng mga Salaf (naunang henerasyon). Ito ay iniulat ng ilang Eskolar tulad ni Ibn Abi Shaybah, 'Abd a l-Razzaaq at al-Firyaabi in Ahkaam al-Eidayn sa pangkat ng mga Salaf. Halimbawa, si Naafi' ibn Jubayr ay kinaugalinag bigkasin ang takbeer at siya'y nagulat na ang mga ibang tao ay hindi ito ginagawa at kanyang ipinahayag: 'Bakit ninyo hindi binibigkas ang Takbeer?'
Ang pahahon ng pagbibigkas ng takbeer ay mula sa gabi bago dumating ang araw ng eid hanggang sa pumasok ang Imam upang simulan ang Salat –ul-Eid.
Tungkol sa Eid al-Adha, ang takbeer ay magsisimula sa unang araw ng Dhu'l-Hijjah hanggang sa pagsikat ng araw sa huling bahagi ng mga arwa ng Tasreeq.
Mga uri ng Takbeer:
Iniulat mula sa Musannaf ni Ibn Abi Shaybah na may sahih na isnaad mula kay Ibn Mas'ood (nawa'y kahabagan siya ng Allahﷻ) na kinaugalian niyang bigkasin ang takbeer sa mga araw ng tasreeq:
Allaahu Akbar, Allaahu Akbar, laa ilaaha ill-Allaah, wa Allaahu Akbar, Allaah Akbar, wa Lillaah il-hamd.
(Ang Allah ay Dakila, ang Allah ay Dakila, walang diyos na nararapat sambahin maliban sa Allah, ang Allah ang ganap na Dakila, ang Allah ang ganap na Dakila, at sa Allah lamang ang pagpupuri.)
Sinalaysay ni Al-Mahaamili na may sahih na isnaad mula kay Ibn Mas'ood:
“Allaahu Akbar kabeera, Allaah Akbaru kabeera, Allaahu Akbar wa ajallu, Allaahu akbar wa Lillaah il-hamd."
(Katotohanan ang Allah ang ganap na Dakila, katotohanan ang Allah ang ganap na Dakila, ang Allah ang lubos na Dakila at Pinupuri, ang Allah ang lubos na Dakila at ang Allah ang pagpupuri)." [al-Irwa', 3/126]
4 - Ang mga pagbati
Ang kagandahang asal sa Eid ay kinabibilangan ng pagpapalitan ng pagbati at magagandang kahilingan sa isa't isa maging anu pa man ang mga salitang ginagamit dito. Katulad ng mga sumusunod:
Taqabbala Allaah minna wa minkum. (Nawa'y tanggapin ng Allah ang mabuti mong gawain mula sa amin at sa iyo)
Eid mubaarak
At marami pang pagabati na pinapayagan ng Shari'ah
Iniulat na sinabi ni Jubayr ibn Nufayr:
Nang magkita-kita ang mga Sahabah ng Propeta sa araw mg Eid, sinasabi nila sa bawa't isa: 'Naway'y tanggapin ng Allah ang ginawa mong kabutihan mula sa amin at sa iyo." Sinabi ni Ibn Hajar, ang isnaad ay hasan. [Al-Fath, 2/446]
Ang pagbibigkas ng takbeer mula sa paglabas sa bahay upang magdasal ng Salat ul-Eid hanggang sa lumabas ang Imam upang pangunahan ang pagdadasal ay isang bagay na kilalang kinaugalian ng mga Salaf (naunang henerasyon). Ito ay iniulat ng ilang Eskolar tulad ni Ibn Abi Shaybah, 'Abd a l-Razzaaq at al-Firyaabi in Ahkaam al-Eidayn sa pangkat ng mga Salaf. Halimbawa, si Naafi' ibn Jubayr ay kinaugalinag bigkasin ang takbeer at siya'y nagulat na ang mga ibang tao ay hindi ito ginagawa at kanyang ipinahayag: 'Bakit ninyo hindi binibigkas ang Takbeer?'
Ang pahahon ng pagbibigkas ng takbeer ay mula sa gabi bago dumating ang araw ng eid hanggang sa pumasok ang Imam upang simulan ang Salat –ul-Eid.
Tungkol sa Eid al-Adha, ang takbeer ay magsisimula sa unang araw ng Dhu'l-Hijjah hanggang sa pagsikat ng araw sa huling bahagi ng mga arwa ng Tasreeq.
Mga uri ng Takbeer:
Iniulat mula sa Musannaf ni Ibn Abi Shaybah na may sahih na isnaad mula kay Ibn Mas'ood (nawa'y kahabagan siya ng Allahﷻ) na kinaugalian niyang bigkasin ang takbeer sa mga araw ng tasreeq:
Allaahu akbar, Allaahu akbar, laa ilaaha ill-Allaah, wa Allaahu akbar, Allaah akbar, wa Lillaah il-hamd.
(Ang Allah ay Dakila, ang Allah ay Dakila, walang diyos na nararapat sambahin maliban sa Allah, ang Allah ang ganap na Dakila, ang Allah ang ganap na Dakila, at sa Allah lamang ang pagpupuri.)
Sinalaysay ni Al-Mahaamili na may sahih na isnaad mula kay Ibn Mas'ood:
“Allaahu akbaru kabeera, Allaahu akbaru kabeera, Allaahu akbar wa ajallu, Allaahu akbar wa Lillaah il-hamd."
(Katotohanan ang Allah ang ganap na Dakila, katotohanan ang Allah ang ganap na Dakila, ang Allah ang lubos na Dakila at Pinupuri, ang Allah ang lubos na Dakila at ang Allaah ang pagpupuri)." [al-Irwa', 3/126]
4 - Ang mga pagbati
Ang kagandahang asal sa Eid ay kinabibilangan ng pagpapalitan ng pagbati at magagandang kahilingan sa isa't isa maging anu pa man ang mga salitang ginagamit dito. Katulad ng mga sumusunod:
Taqabbala Allaah minna wa minkum. (Nawa'y tanggapin ng Allah ang mabuti mong gawain mula sa amin at sa iyo)
Eid mubaarak
At marami pang pagabati na pinapayagan ng Shari'ah
Iniulat na sinabi ni Jubayr ibn Nufayr:
Nang magkita-kita ang mga Sahabah ng Propeta sa araw mg Eid, sinasabi nila sa bawa't isa: 'Naway'y tanggapin ng Allah ang ginawa mong kabutihan mula sa amin at sa iyo." Sinabi ni Ibn Hajar, ang isnaad ay hasan. [Al-Fath, 2/446]
Nasabi na ang dahilan sa pagbabago ng daan pagpunta at pagbalik mula sa Salat ul-Eid dahil sa ang dalawang daan na ito ang sasaksi para sa kanya sa Araw ng Muling Pagkabuhay dahil ang daigdig ay magsasalita sa Araw ng Muling Pagkabuhay at sasabihin kung ang ano ang nangyari dito, kapwa mabuti o masama.
At nasabi rin na ito ay upang pagtibayin ang mga tanda sa Islam sa dalawang daan o upang pagtibayain ang pag-aalala (dhikr) sa Allahﷻ, o kaya'y upang inisin ang mga mapagkunwari at Hudyo at upang takutin sila sa dami ng tao ng kasama niya. Nasabi rin na upang tugunan ang pangangailangan ng mga tao, turuan sila, ang pagbibigay ng halimbawa at pagbibigay ng kawanggawa sa mga nangangailangan, o upang bisitahin ang kanyang mga kamag-anak at pagtibayin ang ugnayan ng angkan.