×
ANG MAIKLING PAGLALARAWAN SA PAMAMARAAN NG PAGDADASAL

ANG MAIKLING PAGLALARAWAN SA PAMAMARAAN NG PAGDADASAL

AT KASAMA NITO

ANG MAIKILING PAGLALARAWAN SA PAMAMARAAN NG WUDHO AT ANG MGA NAKAKAPAGWALANG BISA DITO

SA PANULAT NI

Dr. AHMAD BIN MUHAMMAD AL KHALIL

Professor of Graduate Studies, Faculty of Sharia and Islamic Studies

Al Qaseem University

* * *

(Naaangkop Basahin sa Mga Masjid)

* * *

PANIMULA NG PARAAN NG WUDHO([1])

Ang lahat ng papuri ay para sa Allah lamang, ang Panginoon ng lahat ng nilalang, at ang habag at kapayapaan at pagpapala ay mapasa mahal nating Propeta na si Muhammad, at sa kanyang mga pamilya at mga kasamahan.

Nakasulat na ako ng maikling pagpapaliwanag tungkol sa (pamamaraan ng pagdadasal), at inimungkahi sa akin ng ilan sa mabubuting tao na magsulat din ng maikling pagpapaliwanag tungkol sa (pamamaraan ng Wudho), at napag-isipan ko na ito ay mabuting payo.

At nauna na ako ay nakapagpahayag tungkol sa (pamamaraan ng Wudho) sa tatlong paksa:

Una: Ang pagpapaliwanag sa Kitab na Zad Al Mustaqni'.

Pangalawa: Ang pagpapaliwanag sa Bulogh Al Maram.

Pangatlo: Sa Al Tawdheeh Al Muqni' Sharh Al Rawdh Al Murbi'.

At ang mga papel na ito ay bilang kabuuran ng mga nabanggit na pananaliksik.

At ang babanggitin ko lamang dito ay ang:

1. Ang pinaka tamang paninindigan lamang tungkol sa paraan ng Wudho.

2. At sisikapin kong ilagay sa mga parapo (Paragraph) na madaling unawain.

Tanggapin nawa ng Allah, at gawing niyang tapat ang aking intensyon para sa kanyang kaluguran.

Dr. Ahmad bin Muhammad Al Khalil

· Nagkasundo ang lahat ng mga Iskolar na obligado sa bawat Muslim na pag-aralan ang pamamaraan ng Wudho.

· Ang Wudho ay isa sa mga Dakilang pagsamba sa Islam.

· Ang Wudho ay may maraming kahalagahan sa Islam, at isa sa palaging nababanggit sa mga Hadith ay pumapawi ito ng mga kasalanan; tulad ng nabanggit sa Hadith ni Abu Hurairah (ra) na tunay na sinabi ng Propeta (saw): "Ituturo ko ba sa inyo ang bagay na pinapawi ng Allah ang mga kasalanan sa pamamagitan nito? At sa pamamagitan nito ay itataas niya ang mga antas?" Sabi nila: Oo, o aming Propeta, sabi nya: "Ang pagkumpleto sa pag-wudho sa panahon ng kahirapan (Taglamig na kung saan ay mahirap mag-wudho dahil sa lamig ng tubig), at ang kadalasang paglalakad patungo sa mga Masjid, at ang paghihintay ng oras ng pagdadasal pagkatapos ng pagdadasal, yon ang tinatawag na Ribath([2])". [Isinalaysay ni Muslim; 251].

· Kapag nais mg Wudho ng isang Muslim ay isasagawa niya ito sa pahintulot ng Allah sa susunod na pagpapaliwanag:

1. Isasapuso niya ang layunin na mag Wudho, dahil sinabi ng Propeta (saw) na: "Walang tatanggapin na gawain maliban sa may mga tapat na layunin". [Isinalaysay ni Bukhari at Muslim].

2. Nararapar na kanyang hugasan ang dalawa niyan palad ng tatlong beses.

3. Pagkatapos ay magmumog at linisin ang parteng panloob ng ilong, ito ay obligado ng isang bebes, at mas mainam na ulitin ng tatlong beses.

4. Ang Sunnah([3]) ay pagsabayin ang pagmumog at paglilinis ng ilong sa isang pag-unat ng tubig.

5. Nagkasundo ang apat na Imam (apat na Madh-hab) na nararapat gamitin ang kanang kamay sa pagmumog at pag-unat ng tubig para sa paglilinis ng ilong, at gamitin ang kaliwang kamay sa pagtanggal ng tubig mula sa ilong.

6. Pagkatapos ay hugasan niya ang kanyang mukha, ang obligado ay isang beses, ngunit mas mainam na ulitin ng tatlong beses, sinabi ng Allah: "O kayong mga sumasampalataya, kapag nais niyo magdasal ay hugasan ninyo ang inyong mga mukha". [Al Maidah: 6].

7. At ang parte ng mukha na dapat hugasan ay mula sa tinutuboan ng buhok hanggang sa baba na tinutuboan ng balbas, at ito ay pinagkasunduan ng mga Islolar.

8. At mula sa tinga hanggang sa kabilang tainga, ito ay pinagkasunduan ng mga Madh-hab.

9. At kapag may manipis na buhok sa mukha ay kailangan din ito hugasan kasama ang balat, dahil ito ay nasa parte na kailangang hugasan, at ito ay pinagkasunduan din ng apat na Madh-hab.

10. At kung ang buhok sa mukha ay makapal; ang parteng ibabaw lamang ng buhok na nakatapat sa mukha ang kailangang hugasan.

11. Pagkatapos ay huhugasan niya ang magkabilang kamay hanggang sa siko, sinabi ng Allah: "At hugasan din ninyo ang inyong mga kamay hanggang sa siko", [Al Maidah: 6], ang obligado ay isang beses ngunit mainam na gawing tatlo.

12. Pagkatapos ay punasan ng tubig ang ulo kasabay ang magkabilang tainga ng isang beses, sinabi ng Allah: "At punasan ninyo ang inyong mga ulo", [Al Maidah: 6], Mula sa tinutubuan ng buhok sa bandang noo hanggang sa batok.

13. Ay hindi nararapat na ulitin ang pagpunas nito, sa lahat ng mga Iskolar.

14. At ang mainam na paraan sa pagpunas ng ulo ay magsisimula sa noo hanggang sa batok, pagkatapos ay ibabalik sa kung saan nagsimula. Dhil sa Hadith ni Abdullah ibn Zaid (ra) na ganon ang ginawa ng Propeta (saw).

15. Pagkatapos ay ipapasok niya ang kanyang hintuturo sa kanyang tainga at ipupunas niya ang hinlalaki sa likod ng kanyang tainga.

16. Pagkatapos ay kanyang huhugasan ang paa hanggang sa sakong. Sinabi ng Allah: "At hugasan ninyo ang magkabilang paa hanggang sa sakong", [Al Maidah: 6], isang beses ang obligado at mas mainam na gawing tatlong beses. At siguraduhin na nahugasan ang buong parte ng paa na dapat hugasan, dahil sinabi ng Propeta (saw): "Kasawian mula sa impiyerno sa mga taong hindi nila hinuhugasan ng buo ang kanilang mga sakong", [Isinalaysay ni Bukhari at Muslim], at may isang lalaki na hindi niya nahugasan lahat ang kanyang sakong, kaya inutusan ng Propeta (saw) na ulitin ang pag-wudho. [Isinalaysay ni Muslim].

17. Ang mahusay na pagsasa-ayus, tulad ng pagkabanggit sa Talata ng Qur-an [Al Maidah: 6], halimbawa hindi pweding unahin ang paa bago ang dalawang kamay.

18. Ang pagkasunod-sunod, na ang kahulugan ay hindi pweding maantala ang paghuhugas ng bawat parte na dapat hugasan, halimbawa: Hindi pweding maantala ang paghugas ng kamay hanggang sa natuyo na ang tubig sa mukha.

19. At sasabihin pagkatapos mag-wudho: "Ash-hadu An La Ilaha Illallahu Wahdahu La Shareeka lahu, Wa Ash-hadu Anna Muhammadan 'Abduho Wa Rasuloho". Dahil sa Hadith ni Omar (ra) na sinabi ng Sugo ng Allah (saw): "Sinuman sa inyo ang mag-wudho ng buo, pagkatapos ay kanyang sabihin: Ash-hadu An La Ilaha Illallahu Wahdahu La Shareeka lahu, Wa Ash-hadu Anna Muhammadan 'Abduho Wa Rasuloho, ay bubuksan sa kanya ang walong pinto ng paraiso, papasok siya kung saan man niya gusto". [Isinalaysay ni Muslim]. At makikilala ang Ummah ng Propeta Muhammad (saw) sa kabilang buhay sa pamamagitan ng palatandaan ng wudho sa kanilang mga katawan, bawat parte ng kanilang katawan na nahuhugasan ng wudho ay magkakaroon ng liwanag, tuladn ng nabanggit sa Hadith ni Abu Hurayrah (ra) na naisalaysay ni [Bukhari at Muslim].

ANG MGA NAKAKAPAGWALANG BISA SA WUDHO

Ang nakakapagwalang bisa sa wudho ay apat:

Una: Ang lumalabas sa dalawang daanan ng marumi (ari at pwet), kaunti lang man o marami, dahil sa sinabi ng Allah: "Odi kaya ay nag-dumi kayo", [Al Nisa: 43]. ([4])

· Ang lumalabas naman sa katawan na hindi nanggaling sa nabanggit tulad ng pagsusuka o pagdudugo ng ilong ay hindi nakakapagwalang bisa sa wudho, ngunit mas mainam na mag-wudho.

Pangalawa: Pagkawala ng isip, tulad ng pagkatulog o pagkawala sa sarili.

At ang pagkatulog na nakakapagwalang bisa sa wudho ay ang mahimbing na pagkatulog na kungsaan ay nawawalan ka ng pakiramdam sa iyong paligid.

Pangatlo: Ang paghawak sa masilang parte ng iyong katawan (ari), dahil sa Hadith ni Amr bin Shu'aib na sinabi ng Propeta (saw): "Sinuman ang tao na nahawakan niya ang kanyang ari ay mag-wudho". [Imam Ahmad]. ([5])

· Ang paghawak naman ng lalaki sa babae ay hindi nakakapagtanggal ng wudho.

Pang-apat: Pagkain ng karni na Kamelyo.

· Ang sabaw niya ay hindi nakakapagtanggal ng Wudho.

· Ganon din ang kanyng gatas.

Sinabi ni Jabir bin Samurah (ra): O Propeta mag-wudho ba kami pagkatapos kumain ng karneng kambing? Sabi niya: "Kung gusto mo", sabi niya: Mag-wudho ba kami pagkatapos kumain ng karneng kamelyo? Sabi niya: "Oo". [Isinalaysay ni Muslim].

PANIMULA NG MAIKLING PAGLALARAWAN SA PAMAMARAAN NG PAGDADASAL

Ang lahat ng papuri ay para sa Allah lamang na Panginoon ng lahat ng nilalang, at igawad nawa ng Allah ang kapayapaan at pagpapala sa ating Propeta na si Muhammad, at sa kanyang mga pamilya at mga kasamahan.

Nakasulat na ako dati ng aklat tungkol sa pamamaraan ng pagdadasal, binanggit ko doon ang mga paninindigan ng iba'y ibang Iskolar at ang kanilang mga basehan, at ang mga kasagutan sa basehan ng bawat isa, at tinatapos ko ang bawat paksa sa paglilinaw ng pinakatamang paninindigan at pinaka malapit sa mga basehan (sa Qur-an at sa Hadith) batay sa aking pananaw at pagsasaliksik.

At nagmungkahi sa akin ang karamihan sa mabubuting tao na gawin itong maikli, kung saan ay gagawing mas madali, hindi na babanggitin ang iba't ibang paninindihan ng mga Iskolar, bagkus ay ang tamang paninindigan lamang na sang-ayon sa mga Hadith ang siyang babanggitin, at napag-isipan ko na ito ay mabuting mungkahi na mapapakinabangan sa pahintulot ng Allah, dahil doon ay aking isinulat buod na ito, na ginawa kong mas madaling intindihin.

Inaasam-asam ko mula sa Allah na gawin itong kapakipakinabang, at ito ay kanyang tanggapin, Siya ang ubod na Mapagbigay.

Isinulat ni: Dr. Ahmad bin Muhammad Al Khalil

Safar 23/ 1440 H.

Ang Kahalagan ng Kalamaan sa Pamamaraan ng Pagdadasal

Sinabi ni Abu Hurairah (ra): Katotohanan; may isang lalaki na pumasok sa Masjid, habang nakaupo ang Sugo ng Allah (saw) sa isang sulok ng Masjid, at nagdasal (ang lalaki) pagkatapos ay pumunta sa Propeta (saw) upang batiin, ibinalik sa kanya ng Propeta ang pagabati (Alaikomoosalam) pagkatapos ay sinabi: "Magdasal ka ulit, sa pagkat hindi ka nakapagdasal", nagdasal ulit at pagkatapos ay bumalik, sabi niya ulit: "Magdasal ka ulit dahil hindi ka nakapagdasal", nagdasal ulit at sa pangatlong beses ay sinabi niya: Turuan mo ako o Propera, sa pagkta ganon lang ang alam ko, sabi ng Propeta (saw): "Kapag nais mong magdasal ay kumpletuhin mo ang wudho, pagkatapos ay humarap ka sa Qiblah at magsabi ng: Allahu Akbar, pagkatapos ay basahin mo ang alinmang madaling basahin para sayo mula sa Qur-an, pagkatapos ay yumuko ka hanggang sa maging panatag kang nakayuko, pagkatapos ay tumayo ka hanggang sa makatayo ka ng maayos, pagkatapos ay magpatirapa ka hanggang sa maging panatag kang nakatirapa, pagkatapos ay bumangon ka hanggang sa maging panatag kang nakaupo, pagkatapos ay magpatirapa ka hanggang sa maging panatag kang nakatirapa, pagkatapos ay bumangon ka hanggang sa maging panatag kang nakaupo, at gawin mo yon hanggang sa matapos ka magdasal". [Isinalaysay ni Bukhari at Muslim].

ANG PAGHAHANDA PARA SA PAGDADASAL

Ang Wudho:

· Pagnais magdasal ng Muslim ay obligado sa kanya ang magsagawa ng wudho kung hindi pa nakakapagwudho, dahil sinabi ng Allah: "O mga sumasampalataya, kapag nais niyong magsagawa ng pagdadasal ay hugasan ninyo ang inyong mga mukha at ang inyong magkabilang kamay hanggang sa mga siko, at punasan ninyo ang inyong mga ulo, at (hugasan ninyo) ang inyong mga paa hanggang sa mga sakong, at kung kayo ang Junob([6]) ay maligo kayo". [Qur-an 5: 6].

· Mainam na mag-wudho sa bawat oras ng pagdadasal, ito ay pinagkasunduan ng apat na Madh-hab.

At ang pagbabago ng wudho ay ang pagsasagawa niyo kahit hindi pa nawawalan ng bisa ang unang wudho, nabanggit sa napagtantong Hadith na ang Sugo ng Allah (saw) ay nagsasagawa ng wudho sa bawat oras ng pagdadasal, [Isinilaysay ni Bukhari].

Ang Pagpunta sa Masjid upang magdasal:

· Lalabas patungong Masjid kapag nais magdasal ng obligadong pagdadasal, sa paglalakad na may pagpapakumbaba ay kahinahunan.

· Pagkapasok niya sa Masjid ay magdadasal ng Tahiyyatol Masjid, dahil sa Hadith ni Abu Qatadah (ra) na sinabi ng Propeta (saw): "Kapag pumasok ang sinuman sa inyo sa Masjid ay huwag uupo hanggat hindi nakakapagdasal ng dalawang Rak'ah". [Isinalaysay ni Bukhari at Muslim].

· Pagkatapos ay uupo at hihintayin ang Iqamah o nakatakdang oras ng obligadong dasal, at habang naghihintay ay gugunitain ang Allah, odikaya ay magbabasa ng Qur-an, at habang naghihintay ay itinuturing siyang nagdadasal sa paningin ng Allah, tulad ng nabanggit sa Hadith ni Abu Hurayrah (ra) na sinabi ng propeta (saw) na: "Nananalangin ang mga Anghel para sa sinuman sa inyo na nananatili sa kanyang pinagdadarasalan kung hindi nakikipag-usap o hindi nawawalan ng wudho, o Allah siya ay iyong patawarin, siya ay iyong kahabagan, ang sinuman sa inyo ay itinuturing na nagdadasal hanggat siya ay naghihintay ng oras ng obligadong dasal, walang pumipigil sa kanya na bumalik sa kanyang pamilya maliban sa pagdadasal". [Isinalaysay ni Bukhari].

· Kapag nag Iqamah na ay hindi tatayo hanggang hindi pa dumarating ang Imam.

· Kung nasa paligid naman ang Imam ay malaya ang bawat isa kung kailan tatayo.

· Obligado sa Imam na ayusin ang mga linya ng mga magdadasal, pagdidikitdikitin sila sa paraang walang makikitang bakante sa pagitan ng bawat isa.

Ang Layunin sa Pagdadasal:

· Kinakailangan sa obligadong dasal ang layunin upang ito ay katanggap-tanggap, at ito'y kusa umiiral sa taong nais magdasal, magmula nang siya ay lumabas sa kanyang bahay papunta sa Masjid ay mayroon na siyang layunin na magdasal ng obligadong dasal.

Sinabi ni Ibn Qudamah: "Wala tayong alam na hindi sang-ayon sa pagiging obligado ng layunin sa pagdadasal, ay hindi tatanggapin ang dasal na walang layunin". [Al Mughni 2/ 132].

ANG PAGSISIMULA SA PAGDADASAL

Ang Takbeeratol Ihram:

· Ito ay isa sa mga haligi ng pagdadasal, hindi pweding mabawas sinadya man o nakalimutan o hindi nalalaman, dahil sa sinabi ng Propeta (saw) sa isang lalaki na hindi marunong magdasal na: "Pagkatumayo ka upang magdasal ay magsabi ka ng: Allahu Akbar".

· Hindi tatanggapin ang dasal kapag hindi nasimulan ng pagsasabi ng (Allahu Akbar) at hindi pweding gumamit ng ibang salita maliban dito.

· Ang kahulugan ng (Allahu Akbar) ay Ang Allah ang pinakadakila, pinaka dakila sa lahat ng bagay.

· At sasabihin lamang ito kapag nakatayo na ng maayos upang magdasal.

· At Sunnah para sa isang Muslim na magsasagawa ng Takbeeratol Ihram na itaas ang kanyang dalawang kamay, pinagkasunduan ito ng lahat ng mga Iskolar.

· At ang Sunnah ay pagsasabayin ang pagsasabi ng Allahu Akbar at ang pagtaas ng magkabilang kamay.

· At ang mga daliri habang tinataas ang dalawang kamay ay magkakadikit na nakabukas ang mga palad.

· Pweding hanggang sa tainga ang pagtaas ng kamay, pwedi ring hanggang sa balikat lamang.

· Ganon din ang mga kababaehan.

· Obligado sa Imam na itaas ang kanyang boses sa pagsasabi ng Allahu Akbar, dahil hindi magiging buo ang pagsunod sa kanya ng mga nagdadasal kung hindi niya itaas ang kanyang boses.

ANG PAGTAYO AT PAGBABASA

Ang Pagtayo:

· Ang pagtayo ay isa sa mga haligi ng obligadong pagdadasal, hindi tatanggapin maliban sa pamamagitan nito.

· Sa mga dasal nanaman na hindi obligado ay pweding umupo, kahit na kaya nitong tumayo, tulad ng Tarawi o iba pa.

· At ang taong walang kakayahang tumayo ay pwedi ring magdasal na nakaupo sa mga obligadong dasal, dahil sinabi ng Allah: "Matakot kayo sa Allah sa abot ng inyong kaya", [Al Taghabon: 16], at sinabi ng Propeta (saw): "Kapag may ipinag-utos ako sa inyo ay gawin ninyo sa abot ng inyong makakaya". [Isinalaysay ni Bukhari at Muslim].

· Nabanggit ito mismo sa Hadith, sinabi ng Propeta (saw): "Magdasal ka na nakatayo, kung hindi mo kaya ay nakaupo, kung hindi mo kaya ay nakahiga". [Isinalaysay ni Bukhari]. Sinabi mismo ng Propeta (saw) na pweding hindi tumayo kung hindi kaya.

· At ang palatandaan na pweding magdasal ang tao na hindi nakatayo ay kapag hindi niya maisasagawa ng maayos ang pagdadasal na siya ay nakatayo, marahil dahil sa karamdaman o anuoaman.

· At sa pagtayo sa pagdadasal ay hindi pweding sumandal sa pader o sa tungkod.

Ang Lugar ng Dalawang Kamay Habang Nakatayo:

· Ang Sunnah sa nagdadasal ay iyakap ang kanyang dalawang kamay sa kanyang katawan, kung ito ay kanyang hulugin pababa ay nasuway niya ang Sunnah, dahil sa Hadith ni Sahl bin Sa'd (ra) na ipinag-uutos ng Propeta (saw) sa mga tao na ilagay ang kanang kamay sa ibabaw ng kaliwa sa pagdadasal habang nakatayo. [Isinalaysay ni Bukhari]. At nabanggit din sa Hadith ni Wail (ra) na ang Propeta ay ganon ang ginagawa. [Isinalaysay ni Muslim].

· At ang Sunnah ay ihahawak niya ang kanyang kanang kamay sa kaliwang kamay.

· Pweding sa dibdib niya itapat ang kanyang mga kamay, pwedi rin sa ibaba nito, dahil walang matibay na basehan kung saan ito itatapat. ([7])

· At kung itatapat sa dibdib ay sa pagitang ng dibdib at tiyan itatapat, dahil yon ang malapit sa pagdadasal na may pangamba.

· At ang pagtapat nito sa bandang itaas ng dibdib ay kabilang sa pagmamalabis na kinasuklaman ni Imam Ahmad.

Ang Lugar ng Paningin Habang Nagdadasal:

· Nakatingin lamang ang nagdadasal sa lugar ng kanyang pagpapatirapa, habang siya ay nakatayo, at kung itataas niya ang kanyang paningin ay nasuway niya ang Sunnah, at kung sa langit siya titingin ay nakagawa siya ng bagay na ipinagbawal.

· At habang nakaupo naman; sinabi ng ilan sa mga Iskolar na sa lugar lang ng pagpapatirapa dapat ang paningin.

· Sinabi naman ng iba na sa hintuturo dapat nakatingin habang nagsasagawa ng Tashahhud.

Ang Panalanging Pagbubukas:

· Pagkatapos ng Takbeeratol Ihram ay mananalangin siya ng pagbubukas na panalangin (Opening Prayer), ito ay Sunnah, hindi obligado.

· Maraming nabanggit sa Hadith na uri ng Operning Prayer, at lahat ito pwedi, at ang mainam ay pinag-iiba-iba ito ng nagdadasal sa bawat oras ng pagdadasal, ngunit ang palaging babasahin ay ang nabanggit sa Hadith ni Omar (ra) na naaayon sa Madh-hab ni Imam Ahmad – babanggitin sa mga susunod – at sinabi ni Ibn Taymiyyah: "Ito ang lagi ginagamit ng mga sinauna". [Majmo' Al Fatawa: 22/ 494].

Mga Uri ng Panalanging Pagbubukas:

· Nabanggit sa Hadith na si Omar (ra) ay ito ang kanyang sinasabi: "Subhanaka Allahumma wa bihamdik, wa tabaraka ismoka, wa ta'ala jaddoka, wa la ilaha ghayroka". [Isinalaysay ni Muslim].

· Tinanong ni Abu Hurayrah (ra) ang Propeta (saw) kung ano ang kanyang binabasa pagkatapos ng Takbeeratol Ihram, sabi niya: Ang sinasabi ko ay "Allahumma Ba'id baynee wa bayna khatayaya kama ba'adta baynal mashriqi wal maghrib, Allahumma naqqinee minal khataya kama yunaqqa al tawb al abyadh minal danas, Allahummaghsil khatayaya bil ma-e wal thalji wal barad". [Isinalaysay ni Bukhari at Muslim].

(May isa pang binanggit ang Author ngunit ito lang ang binanggit natin, dahil lahat naman pawedi at upang hindi masyado maging mahaba).

· At ang Sunnah sa panalangin na ito ay hindi itataas ang boses, itinaas lamang ni Omar (ra) ang kanyang boses upang ituro sa mga tao kung ano ang sasambitin, ito ang sinabi ni Imam Ahmad sa pagsasalaysay ni Ibn Qudamah. [Al Mughnie 2/ 145].

Ang Isti'adha o Pagpapakupkop sa Allah Bago Magbasa:

· Ang Isti'adha o pagpapakupkop sa Allah laban kay Satanas ay Sunnah.

· At ang Sunnah ay ang pagsasagawa nito sa bawat Rak'ah o pagtayo sa pagdadasal, hindi sa unang Rak'ah lamang.

· At narito ang iba't ibang tuno nito:

1. Audho billahi minas-shaytanil rajeem.

2. Audho billahil Samee'el 'Aleemi minas-shaytanil rajeem.

3. Audho billahil Samee'el 'Aleemi minas-shaytanil rajeem, min hamazihi, nafkhihi, wa nafathihi.

· Malaya ang magdadasal kung alin dito ang kanyang pipiliin. At ang pinaka una ang mas mainam dahil ganito ang nabanggit sa Qur-an.

· At ang Sunnah ay hindi itataas ang boses sa pagsasambit nito.

Ang Basmala:

· Nararapat sa magdadasal na pagkatapos mag isti'adha at bago magbasa ng Fatiha ay mag-basmalah, o magsabi ng "Bismillahil Rahmanil Raheem" na ang kahulugan ay: "Sa ngalan ng Allah, Ang Maawain, Ang Mahabagin".

· At hindi itataas ang boses, dahil hindi kailan man ito itinaas ng Propeta (saw).

· Ang Basmalah ay nabanggit sa Surah [Al Naml: 30], at sa talata na ito, ang basmalah ay kabilang sa Qur-an.

· At walang Basmala sa pagitan ng Surah Al Anfal at Surah Al Tawbah, ngunit ang mga Basmala sa ibang mga Surah ay kabilang sa mga talata ng Qur-an, ngunit hindi kabilang sa Surah, kundi ginawa lamang itong panimula ng bawat Surah. ([8])

Ang Pagbasa ng Fatiha:

· Ang pagbasa ng Fatihah ay isa sa mga haligi ng pagdadasal, sa bawat Rak'ah nito, Imam man o nag-iisa. Yan ang pinaninindigan ng karamihan sa mga Sahabah (ra), hindi tatanggapin ang pagdadasal kung hindi babasahin ang Fatihah, dahil sa Hadith ni 'Obadah (ra) na sinabi ng Propeta (saw): "Walang pagdadasal ang taong hindi nagbasa ng Fatihah". [Isinalaysay ni Bukhari at Muslim].

· At ang Muslim na hindi alam kung paano magbasa, obligado sa kanya na matotonan niyang basahin ang Fatihah.

· Nararapat sa Imam na itaas niya ang kanyang boses sa pagbabasa ng Fatihah sa mga oras ng pagdadasal ng Isha, Maghrib, at Fajr, ito ay obligado, dahil ganito magdasal ang Propeta (saw).

· At hindi pwedi na sa puso lamang ang pagbabasa, kailangan itong bigkasin ng dila. Ganon din sa mga obligadong sinasambit sa bawat galaw sa pagdadasal.

· Ang pagtatas ng boses sa mga ito ay magkaiba ang bawat tao, depende kung Imam ba o hindi, o mag-isang nagdadasal.

· Sinabi ni Ibn Taymiyyah: "Obligadong mabigkas ng dila ang mga obligadong babasahin sa pagdadasal, tulad ng pagbabasa ng Qur-an atbp."

· Ang nararapat sa Dhuhr at Asr ay hindi itataas ang boses sa pagbabasa, ngunit mainam na itaas ito minsan sa ilang mga ayat, upang magbigay paalaala sa mga nagdadasal.

· Ang basehan ay ang Haditn ni Qatadah (ra); sinabi niya: "Nag-iimam sa amin ang Propeta (saw) at binabasa niya sa Dhuhr at Asr sa unang dalawang Raka'ah ang Fatihah, at dalawang Surah, at pinapadinig niya sa amin minsan ang ilang mga Ayat, at mas pinapahaba niya ang unang Rak'ah, at sa huling dalawang Rak'ah ay Fatihah lamang ang kanyang binabasa". [Isinalaysay ni Muslim: 451].

· At ang nagdadasal na sumusunod sa Imam ay hindi na magbabasa, bagkus at makikinig lamang sa pagbabasa ng Imam.

Sinabi ni Ibn Taymiyyah: "Kapag sinabayan niya ang pagbabasa ng Imam, magiging abala siya sa kanyang sarili pagbabasa". [Majmo' Al Fatawa 23/ 287].

Ang Pagsabi ng "Aameen" Pagkatapos ng Fatihah:

· Nagkasundo ang lahat ng mga Iskolar na Sunnah sa nagdadasal na sabihin ang "Aameen" pagkatapos basahin ang Fatihah.

· Itataas ng Imam ang boses niya sa pagsasabi nito, ganon din ang sumusunod sa Imam kung ang pagdadasal ay ang mga dasal na itinataas ang boses, at magsasabay dito ang Imam at ang tagasunod.

Kapag natapos ng Imam basahin ang Fatihah agad nila isusunod ng sabay-sabay ang "Aameen".

· Ang basehan ng mga nabanggit ay ang Hadith ni Abu Hurairah (ra) na sinabi ng Propeta (saw): "Kapag nagsabi ng Aameen ang Imam ay magsabi din kayo ng Aameen, sa pagkat sinuman ang makasabay sa pag Aameen ng mga Anghel ay patatawarin ang kanyang mga kasalanan". [Isinalaysay ni Bukhari at Muslim].

· At sinabi ni Bukhari: "Kabanata: Itataas ng Ma'mom (sumusunod sa Imam) ang kanyang boses sa pagsasabi ng Aameen", at binanggit niya ang sinabi ng Propeta (saw) na "Kapag natapos ng Imam basahin ang Fatihah ay magsabi kayo ng Aameen".

· At sinabi ni Ibn Taymiyyah: Ang lahat ng ito ay matitibay na basehan na ang Propeta (saw) ay itinataas ang kanyang boses sa pagsasabi ng Aameen, at ipinag-utos din niya ito sa mga tagasunod ng Imam sa pagdadasal kasabay ang Imam.

· Sinabi ni Ishaq: "Ang mga kasamahan ng Propeta (saw) ay itinataas nila ang kanilang mga boses sa pagsasabi ng Aameen, hanggang sa nadidinig ang ingay sa Masjid". [Sharh Al Omdah, Ibn Taymiyyah 1/ 757].

Ang Pagbabasa Pagkatapos ng Fatihah:

· Sunnah sa nagdadasal na magbasa ng anumang talata sa Qur-an sa unang dalawang Rak'ah lamang.

· Ang basehan dito ay ang naisalaysay ng maraming Iskolar na ganito ang ginagawa ng Propeta (saw), at ang Hadith ni Qatadah (ra), sinabi niya: "Nag-iimam sa amin ang Propeta (saw) at binabasa niya sa Dhuhr at Asr sa unang dalawang Raka'ah ang Fatihah, at dalawang Surah, at pinapadinig niya sa amin minsan ang ilang mga Ayat, at mas pinapahaba niya ang unang Rak'ah, at sa huling dalawang Rak'ah ay Fatihah lamang ang kanyang binabasa". [Isinalaysay ni Muslim: 451].

· Sinabi ni Ibn Quddamah: "Wala tayong alam na hindi pinagkasunduan ng mga Iskolar tungkol dito". [Al Mughnie 2/ 164].

· Ang pagbabasa naman pagkatapos ng Fatihah sa pangatlo o pang-apat na Rak'ah ay hindi naaangkop, ngunit kung paminsan-minsan lamang ito gawin ay walang kaso.

· At mainam sa isang Imam na laging basahin sa Fajr ng araw ng Jumo'ah (Friday) ang Surah Al Sajdah at Surah Al Insan, ito ay nasa Hadith ni Abu Hurayrah (ra); sinabi niya: "Binabasa ng Sugo ng Allah sa Fajr ng Jumo'ah ang Al Sajdah at Al Insan". [Isinalaysay ni Bukhari at Muslim]. At isinalaysay din ni Tabarani mula sa Hadith ni Ibn Mas'ood (ra): "Ito ay lagi niyang ginagawa".

· At ang wisdom o dahilan ng pagbabasa sa dalawang Surah na ito ay dahil nabanggit dito ang kwento ng paglikha kay Adam, at mga pangyayari sa kabilang buhay, at ang paglikha kay Adam ay naganap sa araw ng Jumo'ah, at ang katapusan ng mundo ay magaganap sa araw ng Jumo'ah, hindi ito binabasa dahil sa Sajdah sa isa sa mga Ayat nito.

· Sinabi ni Ibn Al Qayyim: "Hindi mabuti na sadyaing basahin ang Ayat na mayroong Sajdah sa Surah na ito o sa ibang Surah sa Fajr ng Jumo'ah, dahil ang Sunnah ay ang dalawang Surah na ito mismo ang babasahin, dahil sa napapaloob dito ang tungkol sa paglikha sa tao, at tungkol sa kabilang buhay, na magaganap sa araw ng Jumo'ah, at ang paglikha kay Adam ay naganap sa araw ng Jumo'ah, kaya minabuting basahin ang dalawang Surah na ito bilang paalaala sa mga tao tungkol sa mga naganap at mga magaganap sa araw na ito, at ang Sajdah ay nabanggit lamang, kaya hindi mabuti sa sinumang hindi binasa ang mga Surah na ito na ang basahin nalamang ay ang Ayat na mayroong Sajdah". [Bada-I'il Fawaid 4/ 63].

· Ang Sunnah sa pagbabasa pagkatapos ng Fatihah ay magbasa ng buong Surah, yan ang ginagawa ng Propeta (saw).

· Odi kaya ay ilang mga Ayat sa umpisa ng isang Surah, hindi ito masama.

Dahil nagawa din ito ng Propeta (saw) minsan. [Isinalaysay ni Al Nasaee #991].

At nabanggit sa Hadith ni Jubair (ra) na binabasa ng Propeta (saw) sa Maghrib ang Surah Al Tur. [Isinalaysay ni Bukhari at Muslim].

· Pwedi ring magbasa ng ilang talata sa bandang huli ng isang Surah, ngunit hindi mabuti na ito'y gawin palagi, dahil ito ay salungat sa pamamaraan ng Propeta (saw), sinabi ni Ibn Quddamah: "Ang ginagawa ng Propeta (saw) ay nagbabasa ng buong Surah o ilang talata nito mula sa umpisa".

· Ang Sunnah ay magbasa sa Maghrib ng maiikling Surah, at sa Fajr ang mahahaba, at sa Dhuhr, Asr at Isha ay ang mga katamtaman lang.

Sinabi ni Abu Hurayrah (ra): "Ang Propeta (saw) ay nagbabasa sa Fajr ng mahahabang Surah, at sa Maghrib ay ang maiiksi, at sa Isha ay ang mga katamtaman lang". [Nasa-ee, Ibn Majah at Ahmad].

· Ngunit ipinahintulot sa taong nagmamadali na kapag nahalata niya na magbabasa ng mahabang Surah ang Imam ay humiwalay siya sa pagdadasal ng Imam at ipagpatuloy niya ang pagdadasal na mag-isa, tulad ng ginawa ng isang lalaki na nagdasal kasama si Mu'adh (ra).

· Hindi Sunnah na piliin ang Surah Al Tur at Surah Al A'raf upang basahin sa pagdadasal tulad ng sinasabi ng iba, hindi ito ang tinutukoy sa mga Hadith na mga nabanggit tungkol dito.

· At ang Sunnah sa Imam ay pahabain ang basa sa unang Rak'ah upang umabot ang nahuli dumating, tulad ng nabanggit sa Hadith ni Abu Qatadah (ra) na "pinapahaba ng Propeta ang pagbabasa sa unang Rak'ah", at dahil din sa ilang bagay:

- Ang Propeta (saw) ay kapag nakarinig ng batang umiiyak ay pinapaikli ang pagdadasal, (dahil alam niyang nagmamadali ang ina nito).

- Ang Propeta ay kapag nakita niya ang mga tao na nagsidatingan lahat ay nagadadasal na, at kapag ang iba ay hindi pa dumating ay naghihintay sa kanila.

Ang lahat ng ito ay nangangahulogan na isinasaalang-alang niya ang sitwasyon ng mga tao.

· Sunnah sa nagdadasal na pagkatapos magbasa at bago yumoko ay tumigil muna ng kaunti, na ang kahulogan ay hindi agad yuyuko pagkatapos magbasa, dahil ganon ang ginagawa ng Peopeta (saw), [Imam Ahmad, Abu Daud, Tirmidhi, at Ibn Majah], at hindi na nabanggit kung gaano ito katagal, at ang sinabi ni Ibn Qayyim ay kasin tagal lamang ng isang paghinga.

Dahil dito malalaman natin na ang ginagawa ng ilang Imam na agad yumuyuko pagkatapos magbasa ay salungat sa Sunnah, kaya hindi ito nagustohan ni Imam Ahmad, [Al Mubdi' fi Sharh Al Muqni' 1/ 390].

Ang Takbeerat Al Intiqal

(Ito yong pagsasabi ng Allahu Akbar sa bawat galaw sa pagdadasal)

· Ang Takbeerat Al Intiqal ay obligado, dahil lagi ito ginagawa ito ng Propeta (saw) at kanyang ipinag-utos, at sabi niya: "Magdasal kayo sa pamamaraan ng aking pagdadasal" [Isinalaysay ni Bukhari], at sinabi pa niya: "Kapag nagsabi ng Allahu Akbar ang Imam ay magsabi din kayo". [Isinalaysay ni Bukhari].

· Hindi masisira ang pagdadasal kung ito ay makalimutan, ngunit kailangang palitan ng Sujod Sahow'([9]).

· At ang Sunnah ay magsimula nang bigkasin ang Allahu Akbar kasabay ng pag-galaw, at magtatapos ang pagbigkas kapag nakalipat na, at pwedi ring mauna o mahuli ng kaunti.

Ang Pagyuko o Ang Tinatawag na Ruko'

· Ang pagyuko ay kabilang sa mga haligi ng pagdadasal, ito ay pinagkasunduan ng lahat ng Iskolar, kapag hindi naisagawa; sinadya man o nakalimutan ay makasisira sa pagdadasal.

· Ang basehan ay ang sinabi ng Propeta (saw) sa tinuroan niya magdasal: "At umoko ka hanggang sa maging panatag kang nakayuko", [Isinalaysay ni Bukhari at Muslim], at sinabi ng Allah: "Yumuko kayo at magpatirapa" [Al Hajj: 77].

· At ang Sunnah at itataas muna ang magkabilang kamay bago yumuko, dahil sa nabanggit sa Hadith ni Ibn Omar (ra) na: "Ang Propeta (saw) ay itinataas niya ang kanyang magkabilang kamay kapag nagsimula magdasal, at kapag yuyuko, at kapag bumangon mula sa pagyuko". [Isnilaysay ni Bukhari at Muslim], at sa Hadith na Sa'idee (ra) ay gayon din, sinabi ni Bukhari: Ang nagsalaysay nito mula sa mga kasamahan ng Propeta (saw) ay labing pitong tao.

· Ang obligadong pagyuko ay maaabot hawakan ang magkabilang tuhod, kung hindi naabot ay sira ang pagyuko, dahil hindi niya naisagawa ang kailangang gawin.

· At ang Sunnah ay iabot ng mabuti ang dalawang kamay sa magkabilang tuhod, sa pamamagitan ng dalawang bagay:

1. Hahawakan ito ng mabuti, ito ang nabanggit sa Hadith; na hinahawakan ng Propeta ang kanyang dalawang tuhod. [Isinalaysay ni Abu Daud, Tirmidhi, Darimi].

2. Paghihiwahiwalayin ang mga daliri, o nakabukaka ang palad, ito din ang nabanggit sa Hadith na ginagawa ng Propeta (saw). [Isinalaysay ni Ibn Hibban at Bayhaqie].

At ang paghawak din ng mabuti sa tuhod ay hindi mangyayari kung hindi nakabukaka ang mga palad.

· Minamabuti din na maging panatag sa pagyuko, sinabi ng Propeta (saw): "Maging panatag kayo sa pagyuko at pagpapatirapa", [Isanalaysay ni Nasa-ee at Darimi, at Bukhari at Muslim sa ibang pagkakabigkas]. At sa Hadith ni Aishah (ra) ay: "Kapagnakayuko ang Propeta (saw) ay hindi nakataas ang kanyang ulo at hindi nakatango". [Isinalaysay ni Muslim].

· Dahil sa mga nabanggit ay ang pagyuko ng maayos ay dapat matuwid ang kanyang likod at hindi nakabaluktot, at pantay ang kanyang ulo sa kanyang likod, at nakahawak ang kanyang mga kamay sa magkabilang tuhod.

· At ang sasabihin habang nakayuko ay "Subhana Rabbiyal 'Adheem", ito ay obligado, sinabi ni Hudhaifah (ra): "At kapagyumoko ang Propeta (saw) ay nagsasabi ng "Subhana Rabbiyal 'Adheem", [Isinalaysay ni Muslim], at noong ipahayag ang Ayat sa Qur-an ﴿ [Al Waqi'ah: 74], Na ang kahulugan ay magsabi ng "Suhanallahil 'Adheem" ay sinabi ng Propeta (saw): "Sabihin ninyo ito habang naka yuko kayo", ngunit mahina ang pagkasalaysay sa Hadith na ito, isinalaysay ni [Abu Daud atbp].

· At mabuti ring idugtong ang: "Subbohon Quddooson, Rabbol Mala-ikati wal Rooh", [Isinalaysay ni Muslim].

· At mabuti ring idugtong ang: "Subhana Dhil Jabarooti wal malakooti wal kibriyai wal 'adhamah", [Isinalaysay ni Ahmad, Abu Daud at Nasa-ee].

· Kung ilang beses naman sasabihin ang "Subhana Rabbiyal 'Adheem" ay sapat na ang isang beses, ito ang obligado, nguni mainam na gawing tatlo, at sampong beses ang pinaka marami.

At sinabi ni Imam Ahmad na itoy nabanggit sa mga pagsasalaysay na sinabi ni Hasan: Ang kumpletong bilang ay pito, at ang katamtaan ay lima, at ang pinaka maliit ay tatlo.

At may nagsabi din naman na walang limitasyon kung gaano ito karami.

At ang tama ay depende ito sa kalagayan at setwasyon ng taong nagdadasal.

Ang Pagbangon Mula sa Pagyuko

· Ito ang pagtayo ng may kapanatagan pagkatapos bumangon sa pagyuko, at ito ay isa sa mga haligi ng pagdadasal, dahil sa sinabi ng Propeta (saw) sa tinuroan niya magdasal na: "Pagkatapos ay bumangon ka hanggang sa makatayo ka ng may kapanatagan".

· At ang pamamaraan ng pagtayo ng may kapanatagan ay ang bumaling ang mga buto sa kanyang dating kinalalagyan, kasabay nito ang pag-gunita.

Nabanggit sa Hadith: Ang Propeta (saw) ay kapag bumangon mula sa pagyuko ay tumatayo ng may kapanatagan, na nag kahulugan ay nananatiling nakatayo, dahil doon ay kung sinuman ang magpatirapa kaagad na hindi pa nakakatayo ng maayos ay naiwan niya ang isa sa mga haligi ng pagdadasal.

Sinabi ni Abu Humaid tungkol sa pamamaraan ng pagdadasal ng Propeta (saw): "Kapag bumangon at itinataas niya ang kanyang ulo hanggang sa maging matuwid muli ang kanyang mga buto sa likod". [Isinilaysay ni Bukhari].

At sinabi ni 'Aisha (saw): "At kapag bumangon ang Propeta (saw) mula sa pagyuko ay hindi nagpapatirapa hangga't hindi nakatayo ng maayos". [Isinalaysay ni Muslim].

· At ang Sunnah sa nagdadasal kapag bumangon mula sa pagyuko ay sabay niyang itataas ang kanyang dalawang kamay, dahil sa nauna nang nabanggit na Hadith ni Ibn Omar (ra).

At sinabi ni Sa'idie (ra): "Pagkatapos ay nagsasabi siya ng: Sami'allahu liman hamidah, at sabay itinataas niya ang kanyang dalawang kamay". [Isinalaysay ni Tirmidhi, Ibn Majah, Ibn Hibban, at Ibn Khuzaymah].

At sa pagsasalaysay ni Bukhari ay: Nakita ko ang Sugo ng Allah (saw) na nagsimula magdasal sa pamamagitan ng Takbeer, at itinaas niya ang kanyang dalawang kamay sa tapat ng kanyang balikat, at kapag nagtakbeer sa pagyuko ay ganon din ang ginagawa, at kapag bumangon at nagsabi ng "Sami'allahu liman Hamidah" ay ganon din ang ginagawa, at nagsasabi din ng: "Rabbana walakal hamd", at hindi niya yon ginagawa kapag nagpatirapa, at kapag bumangon mula sa pagpapatirapa.

· At ang Sunnah sa nagdadasal kapag itinaas ang kanyang ulo mula sa pagkayuko ay sasabihin ang: "Sami'allhu liman Hamidah", pagkatapos ay: "Allahumma rabbana lakal hamd, mil-al samawati wa mil-al ardh, wama baynahuma, wa mil-a ma shi'ta min shay-in ba'd, ahlal thana-e wal majd, la mani'a lima a'tayta wa la mu'tiya lima mana'ta, wa la yanfa'u dhal jaddi minkal jaddu". [Al Mughni 1/ 366].

Nagkaiba-iba ang mga hadith ta tunog ng pagbigkas ng "Tahmeed" o pagpuri sa Allah pagkatapos ng: "Sami'allahu liman hamidah":

1. Rabbana lakal hamd.

2. Rabbana walakal hamd.

3. Allahumma rabbana lakal hamd.

4. Allahumma rabbana walakal hamd.

Ang mabuti ay minsan ito at minsan naman ay iyon, dahil lahat ito tama, ngunit ang pinaka mainam ay ang: Allahumma rabbana walakal hamd, o ang Rabbana walakal hamd.

· At ang mainam sa nagdadasal ay kapag bumangon mula sa pagkayuko ay ilagay sa dibdib muli ang mga kamay pagkatapos itaas, ngunit kung hindi niya gagawin ay pwedi rin.

Ang Pagpapatirapa

· Ang Sunnah ay kapagmagpapatirapa ang tao ay magsasabi ng Allahu Akbar at hindi na itataas ang kanyang magkabilang kamay, dahil sa nabanggit sa Hadith ni Ibn Omar (ra) na hindi itinataas ng Propeta (saw) ang kanyang mga kamay kapag nagpatirapa. [Isinalaysay ni Bukhari at Muslim].

· At ang obligado ay magpatipara sa pitong bahagi ng katawan; dalawang palad, magkabilang tuhod, magkabilang paa, at ang noo kasabay ang ilong. [Isinalaysay ni Bukhari at Muslim].

· At kapag ang isa sa pitong bahagi ng katawan na nabanggit ang hindi nailapag sa lupa ay nasira ang pagdadasal, sapagkat isa ito sa mga haligi nito.

· Kailangang ilapag sa lupa ang ilong sa pagpapatirapa kasabay ang noo.

· Ganon din kung ilong lang nailapag sa lupa at naka-angat ang noo, masisira ang pagdadasal, dahil ang noo ang dapat ilapag sa pagpapatirapa, pinagkasundoan ito ng lahat ng mga Sahabah (ra), [Al Mawso'ah Al Fiqhiyyah Al Kowaytiyyah 12/ 196 & Al Ihkam Sharh Usol Al Ahkam 1/226], at dahil ang noo mismo ang nabanggit sa Hadith.

· Ay sa pagpapatirapa ay pweding unahin ang mga tuhod ilapag sa lupa bago ang dalawang kamay, pwedi ring kamay ang unahin bago ang tuhod, ang kanyang pagdadasal sa alin man sa dalawang pamamaraan ay tama, ito ay pinagkasundoan ng mga Iskolar, ngunit ang hindi nila pinagkasundoan ay kung alin ang mas mainam, at ang mas tama at mainam ay unahin ang dalawang tuhod bago ang mga kamay, ito ang naisalaysay mula kay Omar (ra), at ito ay maituturing na Sunnah, maaari ring napag-alaman niya ito mula sa Propeta (saw), at walang Hadith tungkol dito na maaaring pagbasehan, sabi ni Tirmidhi: "Ang ginagawa ng karamihan sa mga Iskolar ay uunahin ang dalawang tuhod bago ang dalawang kamay sa pagpapatirapa, at sa pagbangon ay aangatin muna ang dalawang kamay bago ang dalawang tuhod". [Sunan Al Tirmidhi 2/ 56].

· Ang ang Sunnah ay ilalayo ang dalawang siko mula sa magkabilang kilid habang nakapatirapa, may nagsabi din na ito ay isang obligado.

At narito ang ilan sa mga basehan:

- Nabanggit sa Hadith ni Hudhaifah (ra) na sinabi ng Propeta (saw): "Huwag gayahin ang aso sa paraan ng kanyang pagpapatirapa". [Isinalaysay ni Bukhari at Muslim].

- At sinabi ni 'Aisha (ra) na ipinagbawal ng Propeta (saw) na ilapag sa lupa ang mga siko dahil kahalintulad ito ng ginagawa ng mga hayop. [Isinalaysay ni Muslim].

- At sinabi ni Abu Humaid: "Kapag nagpatirapa ang Propeta (saw) ay inilalapag niya ang kanyang dalawang palad habang inaangat niya ang magkabilang siko mula sa magkabilang kilid, at hindi rin nakalapag sa lupa ang mga siko, at ang mga daliri ng kanyang mga paa ay nakaharap sa Qiblah", [Isinalaysay ni Bukhari].

- At sinabi ni Jabir (ra) na sinabi ng Propeta (saw): "Kapagnagpatirapa ang isa sa inyo ay huwag ilapag sa lupa ang magkabilang siko tulad ng ginagawa ng aso", [Isinalaysay ni Ahmad, Abu Daud, Tirmidhi, at Ibn Majah].

- At sinabi ni Ibn Abbas (ra): "Dumaan ako sa bandang likod ng Propeta (saw) habang siya ay nagpapatirapa, at aking nakita ang kanyang kilikili, ang kanyang mga siko ay hindi nakadikit sa kanyang katawan, at malayo ang kanyang Tiyan mula sa lupa", [Isinalaysay ni Abu Daud].

· At ang dalawang kamay sa pagpapatirapa ay nakatapat sa dalawang balikat, pwedi ring sa tapat ng tainga, pariho itong nabanggit sa Sunnah.

· At ang dalawang hita ay hindi ididikit sa tiyand, dahil ito ang nabanggit sa Hadith ni Ibn Abbas (ra), at sa Hadith ni Abu Humaid (ra) ay kapag nagpatirapa ang Propeta (saw) ay magkalayo ang kanyang magkabilang hita at hinid rito nakadikit ang kanyang tiyan. [Isinalaysay ni Abu Daud].

· Ang Sunnah ay nakaharap sa Qiblah ang mga daliri ng paa sa pagpapatirapa.

· At ang magkabilang paa ay mas mainam na magkadikit, may nagsabi din na dapat ay magkalayo.

· At ang mga daliri ng dalawang kamay ay magkakadikit, nabanggit ito sa Hadith ni Wael (ra), na ang mga daliri ng Propeta (saw) habang nakayuko ay magkakahiwalay, at sa pagpapatirapa ay magkakadikit. [Isinalaysay ni Ibn Hibban at Al Bayhaqie].

· Dahil doon, ang buod ng pagpapatirapa na tugma sa Sunnah ay ang mga susunod:

1. Hindi ilalapag sa lupa ang magkabilang siko.

2. Ilalayo ang dalawang siko sa magkabilang tagiliran.

3. Ang dalawang kamay sa pagpapatirapa ay nakatapat sa tainga o sa balikat.

4. Ang mga daliri ng mga paa ay nakaharap sa Qiblah.

5. Naka-angat ang tiyan mula sa mga hita.

6. Ganon din ang mga daliri sa magkabilang kamay habang ito ay magkakadikit.

Kapag may nabawas sa anim na ito, ay hindi nasunod ang Sunnah, ngunit hindi nasira ang Sujod sapagkat hindi oblegado ang mga ito.

· Hindi mabuti na magpatirapa ang tao na may nakaharang sa kanyang noo, tulad ng damit o sumbrero, ngunit kung ito ay kinakailangan ay pwedi rin naman.

· Ang sasabihin sa pagpapatirapa ay: "Subhana Rabbiyal A'la", dahil ito ang nabanggit sa Hadith na sinasabi ng Propeta (saw) sa pagpapatirapa, [Isinalaysay ni Muslim], at noong ipahayag ang Ayat na ﴿ [Al A'la: 1] na ang kahulugan ay magsabi ka ng: "Subhana Rabbiyal A'la" sinabi ng Propeta (saw): "Ito ang inyo sabihin sa pagpapatirapa". [Isinalaysay ni Abu Daud, Ibn Majah, Ahmad, at Darimi].

Ang Pagbangon Mula sa Pagpapatirapa:

· Ang pagbangon mula sa pagpapatirapa isa sa mga haligi ng pagdadasal, dhil sa sinabi ng Propeta (saw) na: "Pagkatapos ay bumangon ka hanggang sa maging panatag kang nakaupo", ang pagbangon mula sa pagpapatirapa ay haligi, at ang pag-upo ng maayos sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa ay isa din sa mga haligi.

· At ang Sunnah ay magsabi ng Allahu Akbar kapag bumangon mula sa pagpapatirapa, dahil ito ang ginagawa ng Propeta (saw) sa bawat galaw niya sa pagdadasal.

· At ang pamamaraan ng pag-upo ay: Uupoan ng nagdadasal ang kanyang kaliwang talampakan, at patatalirikin ang kanang talampakan. Dahil ganito ang pamamaraan ng Propeta (saw), [Isinalaysay ni Muslim], at ganito ang pamamaraan ng mga Muslim mula noon at hanggang ngayon.

· Ang Sunnah ay nakabukas ang mga palad at ilalapag sa dulo ng magkabilang hita.

· Ang mga daliri ng kanang paa ay nakaharap sa Qiblah.

· Ang pag-gunita sa Allah habang nakaupo sa pagitang ng dalawang pagpapatirapa ay obligado, at ang igugunita o sasambitin ay: "Rabbighfir lee" ng tatlong beses, o dadagdagan pa, ito ay nabanggit sa Hadith ni Hudhaifa (ra) na ito daw ang sinasabi ng Propeta (saw), [Isinalaysay ni Abu Daud, Al Nasa-ee, Ibn Majah, Ahmad, at Darimi].

At nabanggit ni Ibn Abbas (ra) na nagsasabi din ang Propeta (saw) ng ibang gunita, ito ay ang: "Allahummaghfir lee, warhamnee, wa 'afinee, wahdinee, warzuqnee". [Isinalaysay ni Abu Daud, Tirmidhi, Ibn Majah, at Ahmad]. Ngunit sinabi ng mga Iskolar na mahina ang pagkakasalaysay nito.

Kaya sinabi ni Imam Ahmad na mas mainam ang nabanggit sa Hadith ni Hudhaifah (ra).

· At kapag nais nang bumangon patayo mula sa kanyang pangalawang pagpapatirapa ay uunahan niyang angatin sa lupa ang kanyang mga kamay bago ang kanyang mga tuhod.

Ang Pangalawang (Rak'ah) Pagtayo:

· Tulad din ng pamamaraan ng unang pagtayo, dahil sinabi ng Propeta (saw) sa lalaking tinuroan nya magdasal na: "Pagkatapos ay gawin mo ang tulad niyan sa mga lahat ng pagdadasal mo".

Maliban sa ilang bagay:

1. Ang Takbeeratlo Ihram, walang Takbeeratol Ihram sa pangalawang Rak'ah, dahil ito ay sa umpisa lamang ng pagdadasal, kaya sa unang Rak'ah lamang ito.

2. Ang Panalanging Pagbubukas, ganon din sa unang Rak'aha lamang ito isasagawa.

3. Ang pagpapanibago sa intesnyon, dahil ang intesyon ay kailangang manatili sa tao habang nagdadasal.

Ang Unang Tashahhod:

· May dalawang kalagayan ang magkabilang kamay sa unang Tashahhod:

1. Ilalagay ang dalawang kamay sa magkabilang hita.

Dahil sa Hadith ni Abdullah bin Zubair (ra) na: Kapag umupo ng Propeta (saw) ay inilalagay niya ang kanyang kanang kamay sa kanyang kanang hita, at ang kaliwang kamay ay sa kaliwang hita, at ihinahawak niyo ito sa kanyang kaliwang tuhod. [Isinalaysay ni Muslim].

2. Ihahawak sa magkabilang tuhod.

Dahil sa Hadith ni Ibn Omar (ra) na ang Propeta (saw) ay inihahawak niya ang kanyang mga kamay sa kanyang magkabilang tuhod habang naka-upo. [Isinalaysay ni Muslim].

· May tatlong pamamaraan para sa kanang kamay sa kalagitnaan ng Tashahhod:

1. Dadakmain ang hinliliit at ang palasingsingan, at pagtutugmain ang hinlalatok at ang hinlalaki, at ituturo ang hintuturo, ito ay nabanggit sa Hadith ni Wael (ra).

2. Dadakmain ang tatlong daliri maliban sa hintuturo, ituturo ang hintuturo habang nakapatong sa ilalim nito ang hinlalaki, ito ay nabanggit sa Hadith ni Ibn Omar (ra), [Isinalaysay ni Muslim].

3. Dadakmain ang tatalong daliri, hinliliit, palasing-singan at ang hinlalatok, at ipapatong sa ibabaw ng mga ito ang hinlalaki, it ituturo ang hintuturo, nabanggit din ito sa Hadith ni Ibn Omar (ra), [Isinalaysay ni Muslim].

Lahat ng pamamaraan na ito ay pwedi, at ang mainam ay gawin ang una minsan, minsan ay ang pangalawa, minsan naman ay ang pangatlo.

· Ang mga ito ay habang nakaupo lamang sa Tashahhod, hindi pweding isagawa sa pag-upo sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa.

· Dapat ay matuwid ang pagkakaturo ng hintuturo, hindi ito babaluktotin pababa.

· Hindi ito gagalawin, dahil walang tunay na hadith na basehan sa pag-galaw dito, at ang mga samba ay nakabatay lamang sa mga basehan sa Qur-an o Hadith.

Isinalaysay ni Muslim ang Hadith ni Abdullah ibn Zubair (ra) na sinabi niya: Kapag umupo ang Sugo ng Allah sa pagdadasal ay inilalagay niya ang kanyang kanang kamay sa kanyang kanang hita at itinuturo ang kanyang daliri. [Isinalaysay ni Muslim].

Ganito rin ang nabanggit sa Hadith ni Abdullah Ibn Omar (ra), na kapwa isinalaysay ni Muslim.

At ganito rin ang nabanggit sa Hadith ni Wael (ra) na isinalaysay ni Ahmad.

Ang mga Hadith na ito ay pagturo lamang ang binanggit, hindi kailan man nabanggit sa mga ito na gagalawin ang hintuturo.

· Ang Unang Tashahhod na ito ay obligado sa pagdadasal, kung hindi maisagawa sanhi ng pagkaliot ay papalitan ng Sujod Sahow o pagpapatirapa para sa pagkakamali.

Ang basehan na ito ay obligado ay lagi ito isinasagawa ng Propeta (saw), at sinabi niya: "Magdasal kayo tulad ng pagdadasal ko", minsan lang niya ito hindi nagawa dahil sa pagkalimot, at pinalitan niya ng Sujod Sahow.

Isa rin sa nagapapahiwatig na ito'y obligado ay masyado itong pinapangalagahan ng Propeta (saw), tulad ng nasa Hadith ni Ibn Abbas (ra), sabi niya: Ang Propeta ay itinuturo niya sa amin ang Tashahhod katulad ng kanyang pagtuturo sa amin ng Qur-an, sinabi niya na sabihin ninyo: "Al Tahiyyatol Mubarakat, Al Salawatol Tayyibati lillah, Salamon Alaika Ayyohal Nabiyy, wa rahmatollahi wabarakatoh, Salamon Alaina wa ala ibadillahil saliheen, Ash-hadu An la ilaha illallah, wa ash-hadu anna Muhammadan Rasulollah". [Isinalaysay ni Muslim].

· Pwedi rin na ganito ang sabihin: "Al Tahiyyato lillah, Wal Salawato wal tayyibat, Al Salamo Alaika Ayyohal Nabiyy, wa rahmatollahi wabarakatoh, Al Salamo Alaina wa ala ibadillahil saliheen, Ash-hadu An la ilaha illallah, wa ash-hadu anna Muhammadan Rasulollah". Ito ang nasa Hadith ni Ibn Mas'ood na isinalaysay ni Bukhari at Muslim, at pinili ni Imam Ahmad, at sinabi ni Tirmidhi: Ang Hadith ni Ibn Mas'ood ang pinaka tamang pagkakasalaysay, at ito ang pinili ng karamihan sa mga Kasamahan ng mga Propeta (saw) at ang mga sumunod sa kanila. Sinabi niya ito pagkatapos ng Hadith #289 sa kanyang Sunan.

· At may mga naisalaysay din tungkol dito na iba pang mga Hadith, tulad ng:

1. Hadith ni Omar (ra) na pinili ni Imam Malik, na ang tunog ay: "Al Tahiyyato lillah, Al Zakiyato lillah, Al Salawatol Tayyibato lillah", at ang karugtong ay tulad ng kay Ibn Mas'ood. [Isinalaysay ni Imam Malik #53].

2. Ang pangalawang hadith ni Ibn Abbas (ra) na pinili ni Imam Shafi'ee, na ang tunog ay: "Al Tahiyyatol Mubarakat, Al Salawatol Tayyibati lillah", at ang karugtong ay tulad ng kay Ibn Mas'ood. [Isinalaysay ni Muslim].

Kaya tatlo lahat ang mga ito.

At lahat ito pwedi, kahit alin dito ang gamitin mo ay tama ang pagdadasal, at ang mainam ay gamitin minsan ang iba at minsan naman ay ang iba, ngunit ang palaging gagamitin ay ang Hadith ni Ibn Mas'ood (ra) dahil sa mga dahilan na nabanggit na natin.

· At sa unang Tashahhod ay hindi babanggitin ang Salawat sa Propeta (saw) dahil sa huling Tashahhod lamang ito babasahin.

Sinabi ni Ibn Al Qayyim: "Ang Sunnah sa unang Tashahhod ay paiksiin, at hindi naisalaysay na binabasa ng Propeta (saw) ang Salawat sa unang Tashahhod, at hindi niya ito itinuro sa Ummah, at walang niisa sa mga Sahabah na nagsabing mabuti ito". [Jala Al Afham: 360].

Ang Pagbangon Mula sa Unang Tashahhod:

· Kapag bumangon mula sa unang tashahhod ay sunnah sa kanya na itaas ang dalawang kamay habang tumatayo, dahil sa Hadith ni Ibn Omar (ra) na kapag tumayo ang Propeta pagkatapos ng dalawang Rak'ah ay itinataas niya ang kanyang dalawang kamay. [Isinalaysay ni Bukhari]. At ganito rin ang nabanggit sa Hadith ni Abu Humaid. [Isinalayasay ni Ahmad, Abu Daud, Tirmidhi, at Ibn Majah].

Ang kabuoan ng Pagdadasal:

· Ang kukumpletohin niya ang kanyang pagdadasal – pangatlo at pang-apat na Rak'ah – katulad ng una at pangalawa, dahil sa sinabi ng Propeta (saw) sa lalaking tinuroan nya magdasal na: "Pagkatapos ay gawin mo ang tulad niyan sa mga lahat ng pagdadasal mo".

Ang Huling Tashahhod:

· Ang Huling Tashahhod ay isa sa mga haligi ng pagdadasal, dahil sa Hadith ni Ibn Mas'ood (ra) na ipinag utos daw ito sa kanila ng Propeta (saw), sinabi niya: Ang sinasabi namin sa Tashahhod noong hindi pa ipinag-utos sa amin ay: "Al Salamo Alallah, Al Salamo Ala Jibreel, Al Salamo Ala Mikaeel, kaya sinabi ng Propeta (saw): Ang sabihin ninyo ay: "Al Tahiyyato Lillah… etc", at dahil lagi din ito ginagawa ng Propeta (saw) at sinabi niya: "Magdasal kayo tulad ng aking pagdadasal".

· At ang Salawat sa Propeta (saw) sa huling Tashahhod at mahigpit na Sunnah, may nagsabi din na ito ay obligado, ang mga basehan dito ay ang:

- Ang Hadith ni Fodhala bin Obayd (ra), na ang Sugo ng Allah ay nakakita ng lalaking nagdadasal at hindi niya pinuri ang Allah at hindi rin nagsalawat sa Propeta (saw), kaya sinabi ng Propeta (saw): "Masyado siyang nagmadali", pagkatapos ay kanyang tinawag at sinabi sa kanya: "Kapag nagdasal ang sinuman sa inyo ay purihin ang Allah, at magsawalat sa Propeta, at manalangin ng anumang kanyang naisin". [Isinalaysay ni Ahmad, Abu Daud, at Tirmidhi].

- At ang Hadith ni Ka'b bin Ajorah (ra), sinabi niya: Lumabas ang Propeta (saw) patungo sa amin kaya sinabi namin: O Sugo ng Allah, alam na namin kung paano magsalam sayo, ngunit paano ba ang Salawat? Sinabi niya: "Sabihin ninyo: Allahumma Salli Ala Muhammad, wa ala aali Muhammad, kama sallayta ala aali Ibrahim, innaka Hameedon Majeed, Allahumma barik ala Muhammad, wa ala aali Muhammad, kama barakta ala aali Ibrahim, innaka Hameedon Majeed". [Isinalaysay ni Bukhari at Muslim]. At sa ibang pagkakasalaysay: "Kama sallayta ala Ibrahim, wa ala aali Ibrahim". [Isinalaysay ni Bukhari].

- At Sunnah sa nagdadasal na pagkatapos ng Tashahhod ay magpakopkop sa Allah sa pamamaraang nabanggit sa Hadith ni Abu Hraydah na panalangin, sinabi ng Propeta (saw): "Kapag natapos ang sinuman sa inyo mula sa kanyang tashahhod ay magpakopkop (sa Allah) mula sa apat; mula sa parusa sa impiyerno, at mula sa parusa sa libing, at mula sa kasamaan ng buhay at kamatayan, at mula sa kasamaan ng bulaang Kristo". [Isinalaysay ni Bukhari at Muslim].

Ganito ang magiging tunog: (Allahumma innie a'udho bika min 'adhabi Jahannam, wa min 'adhabil qabr, wamin fitnatil mahya wal mamat, wa min fitnatil maseeh al dajjal).

· At Sunnah sa nagdadasal na pagkatapos mag Tashahhod at magpakopkop ay manalangin ng anumang kanyang nanaisin, dahil sa Hadith ni Ibn Mas'ood (ra) na sinabi ng Propeta (saw): "At pagkatapos ng Tashahhod ay manalangin ng anumang kanyang naisin". [Isinalaysay ni Bukhari at Muslim].

So ang Sunnah ay pipili siya ng anumang naisin nyang ipanalangin, at mainam na ang kanyang gamitin ay ang mga panalangin na nabanggit sa Sunnah.

Ang Tasleem o Pagsalam:

· Ito ang huling haligi ng pagdadasal, sasabihin ang "Al Salamo Alaikom Warahmatollah".

· Ang Sunnah ay magsalam sa kanan at kaliwa, at lilingon sa kanan at kaliwa, dahil sa Hadith ni Ibn Mas'ood (ra) na ganito ang ginawa ng Propeta (saw), at nagsabi ng "Al Salamo Alaikom Warahmatollah". [Isinalaysay ni Abu Daud, Al Nasa-ee, Ibn Majah, at Ahmad].

· At ang Sunnah din ay hindi pahahabahin ang pagbanggit nito, ito ang binigay na kahulugan ni Imam Ahmad sa naisalaysay na sinabi ng Propeta (saw) na paikliin ang Salam. [Isinalaysay ni Abu Daud, Tirmidhi, at Ahmad].

· At ang Sunnah sa pamamaraan ng pag-upo sa huling Tashahhod ay ang Tawarrok, na ang kahulugan ay patatalirikin ang kanang talampakan, at ang pwet sa bandang kaliwa ay ilalapag sa lupa, at ang kaliwang talampakan ay nakalagay sa ilalim ng kanang paa.

Ang Pagiging Panatag at Pangamba:

· Ang pagiging panatag at isa rin sa mga haligi ng pagdadasal, (ang hindi pagmamadali sa pagdadasal), na ang pinakamaiksingk limitasyon nito ay ang pagsambit ng isang gunita.

· At ang basehan sa pagiging haligi nito ay ang sinabi ng Propeta (saw) sa lalaking tinuroan nya magdasal: "Pagkatapos ay yumoko ka hanggang sa maging panatag kang nakayuko", at sinabi din niya ito sa kanya sa pagsasagawa ng lahat ng mga haliging galaw sa pagdadasal, at sa Hadith ni Hudhaifa (ra) na may nakita siyang lalaki na nagdadasal at hindi panatag sa kanyang pagdadasal (nagmamadali), sinabihan niya: "Hindi ka nakapagdasal, at kung mamatay ka sa ganyang kalagayan namatay ka sa landas na taliwas sa landas ng Sugo ng Allah". [Isinalaysay ni Bukhari].

· At ang pangamba sa pagdadasal ay Sunnah, (nangangamba ka sa Allah at natatakot habang nagdadasal), sinabi ni Ibn Al Qayyim: "Ito ang Presensya ng puso habang nagdadasal, sa harapan ng Allah na may kasabay na pangungulila at pagsuko".

· Pinahalagahan ito ng Propeta (saw) at ng kanyang mga Sahabah (ra), sinabi ni 'Aishah (ra): "Nagdadasal ang Propeta (saw) ng napakahaba at napakahusay". [Isinalaysay ni Bukhari at Muslim].

· Ang maraming galaw sa loob ng pagdadasal (galaw na hindi kabilang sa mga galaw ng dasal) ay makakasira sa pagdadasal.

At ang limitasyon nito ay ang makita mo ang tao na parabang hindi nagdadasal sa dami ng kanyang galaw.

Ang Harang sa Unahan ng Nagdadasal

· Ang paggamit ng harang na ilalagay sa unahan ng nagdadasal ay Sunnah, sinabi ng Propeta (saw): "Kapag nagdasal ang isa sa inyo ay gumamit ng harang, at lumapito ito dito". [Isinalaysay ni Abu Daud].

· Ang harang ay dapat nakatirik, hindi nakalapag sa lupa.

· At ang haba nito ay kasing haba ng buntot ng kamelyo, isinalaysay ni Muslim na sinabi ni 'Aishah (ra) na may nagtanong sa Propeta (saw) noong kalagitnaan ng digmaan sa Tabuk tungkol sa harang ng nagdadasal, sabi niya: "Kasing haba ng buntot ng kamelyo", [Isinalaysay ni Muslim], kung ganon ay kasinghaba ng braso.

· Ang lapad naman nito ay walang limitasyon, pweding katulad lamang ng palaso, pwedi ring ding-ding, ginamit ding harang ng Propeta (saw) bayoneta, [Isinalaysay ni Bukhari at Muslim], at ginamit din harang ang kamelyo at ang ding-ding. [Kapwa isinalaysay ni Bukhari atbp].

· Ang pagdaan sa harapan ng nagdadasal ay bawal, sinabi ng Propeta (saw): "Kung alam lamang ng taong dumadaan sa unahan ng nagdadasal kung gaano kalaki ang kanyang kasalanan ay mas gugustohin pa niyang manatiling nakatayo ng apatnapo kaysa dumaan doon". [Isinalaysay ni Bukhari at Muslim].

· At kapag may dadaan sa unahan ng nagdadasal ay pwedi niya itong harangin, pinagkasunduan ito ng mga Iskolar, sinabi ng Propeta (saw): "Kapag gumamit ang sinuman sa inyo ng harang sa kanyang pagdadasal, at may nais dumaan sa pagitan niya at ng kanyang harang ay harangin niya ito, at kung hindi mapigilan ay makipaglabadn dito sa pagkat ito ay Demonyo". [Isinalaysay ni Bukhari at Muslim].

Sinabi ni Nawawie at Shawkanie atbp na ito ay pwedi lamang sa nagdasal na gumamit ng harang, ang hindi naman gumamit ng harang ay hindi niya pweding harangin ng pwersa ang nais dumaan. [Al Majmo' 3/ 249 & Nayl Al Awtar 3/ 7].

· Kapag ang nagdadasal ay hindi gumamit ng harang, pweding dumaan sa kanyang harapan kung ito ay malayo sa kanya, kung malapit ay hindi pwedi.

Ang limitasyon ng layo ay ang lugar na kung saan siya nagpapatirapa.

· Ang pagdaan sa harapan ng nagdadasal ay hindi makakasira sa kanyang dasal kahit na ito ay bawal, maliban na lamang kung ang dumaan sa kanyang harapan ay babae, odikaya ay itim na aso, o asno. Sinabi ng Propeta (saw): "Kapag ang isa sa inyo ay nagdasal at hindi gumamit ng harang ay makakasira sa kanyang pagdadasal ang pagdaan ng ng babae, o itim na aso, o asno sa kanyang harapan".

Nag tanong ang isang lalaki kay Abu Dharr (ra): Ano ang pinagkaiba ng itim na aso sa pula o dilaw? Sabi niya: "Ang itim na aso ay Satanas (Demonyo)". [Isinalaysay ni Muslim].

Ang Dasal ng Babae:

· Ang babae ay katulad din ng lalaki sa lahat ng nabanggit, tulad ng mga gunita (mga sinasambit), pagbabasa ng Qur-an, pamamaraan ng pagdadasal, at mga galaw, lahat ng nabanggit ay pareho lang doon ang babae at lalaki, sa mga Sunnah, sa mga Obligado, at sa mga Haligi, dahil sa sinabi ng Propeta (saw) na: "Mag dasal kayo tulad ng aking pagdadasal".

· Maliban nalamang sa isang bagay:

Yong tungkol sa mga sinabi natin na hindi pinagpapatong ng lalaki ang kanyang mga bahagi ng katawan, sa babae ay kasalungatan, kailangan niyang ipatong ang sa bawat isa ang kanyang mga bahagi ng katawan, (Halimbawa ay sa pagpapatirapa, ang kanyang tiyan dapat ay nakapatong sa kanyang mga hita, at ang kanyang mga siko ay nakapatong sa kanyang mga kilid).

Sinabi ni Ibn Rajab: "Ang babae ay dapat nakapatong ang kanyang mga bahagi ng katawan sa bawat isa, at ito ang sinabi ng karamihan sa mga Iskolar". [Fathol Bari 7/246].

***

والحمد لله رب العالمين وصلى الله وسلم على نبينا محمد

وعلى آله وصحبه أجمعين.

-تم بحمد الله-



([1]) . ang Wudho ay ang ginagawang paglilinis bago magdasal.

([2]) . Ang madaling kahulugan ng Ribath ay ang pamamalagi sa landas ng Allah.

([3]) . Pamamaraan ng Propeta (saw).

([4]) . Napapabilang dito ang utot.

([5]). Ang tamang paninindigan ay makakapagtanggal lamang ito ng wudho kung ang paghawak ay may kasabay na pagnanasa.

([6]) . Nakipagtalik o nanaginip na nilabasan ng simelya.

([7]) . Ang tama ay sa dibdib itatapat, nabanggit ito sa Hadith ni Wail (ra), at tingnan ang: Sifat Salat Al Nabi, ni Shaikh Al Al Bani, Page: 79.

([8]) . Ang tama ay ang mga Basmala sa umpisa ng mga Surah ay hindi kabilang sa mga talata ng Qur-an, panimula lamang ito ng bawat Surah.

([9]). Dalawang Sujod bago mag-salam, ito ay isinasagawa tuwing may nakalimotang obligadong gawaid sa pagdadasal o may naidagdag na hindi kabilang.