Ang Sinasabi Nila Tungkol Sa Islam
Ang mga kategorya
Mga pinagmumulan
Full Description
Ang Sinasabi Nila Tungkol Sa Islam
Ang Islam na ipinahayag kay Muhammad (pagpalain siya ni Allah at pangalagaan), ay ang pagpapatuloy at pinakalundo ng lahat ng mga naunang relihiyon na ipinahayag at samakatuwid, ay para sa lahat ng panahon at mga tao. Ang ganitong katayuan ng Islam ay pinatutunayan ng nagliliwanag na mga katotohanan. Una, wala ng iba pang ipinahayag na Aklat na nananatili pa sa ngayon sa dating anyo at nilalaman kung paano ito ipinahayag noon. Pangalawa, wala ng iba pang ipinahayag na relihiyon ang may anumang kaangkinang makapanghihikayat upang magbigay ng panuntunan sa lahat ng galaw ng pamumuhay ng tao sa lahat ng panahon. Subali't ang Islam ay nagtatagubilin sa sangkatauhan sa kabuuan at nag-aalay ng pangunahing panuntunan na kaakibat ng mga suliranin ng tao. Bukod pa roon, ito ay nakalampas sa pagsubok ng labing-apat na libong taon at mayroon lahat ng kakanyahan upang makapagtatag ng huwarang lipunan na naisagawa nga sa ilalim ng pamumuno ng huling Propetang si Muhammad (pagpalain siya ni Allah at pangalagaan).
Isa ngang himala na ang Propetang si Muhammad ay nakapagwawagi kahit na sa pinakamabalakid niyang mga kaaway na maipangkat niya sa Islam ng walang sapat na materyal na pinagkukunan. Ang mga sumasamba sa mga tau-tauhan, ang bulag na mga tagasunod ng mga pamamaraan ng kanilang mga ninuno, ang mga tagapag-udyok ng mga hidwaang pangtribu, ang mga nagmamalabis sa karangalan at dugo ng tao, ay naging pinakadisiplinadong bansa sa ilalim ng pamamatnubay ng Islam at ng Kanyang Propeta. Ang Islam ang nagbukas sa harapan nila ng mga pananaw ng kataasang ispiritwal at karangalan ng tao sa pamamagitan ng pagbabadya ng kabutihan bilang nag-iisang pamantayan ng pagpapahalaga at dangal. Ang Islam ang naghubog sa kanilang panglipunan, pangkultura, moral at pangangalakal na pamumuhay ng may mga pangunahing batas at prinsipyo na ganap na nalalayon sa kalikasan ng tao at samakatuwid ay naaangkop sa lahat ng panahon sapagkat ang kalikasan ng tao ay di nagbabago.
Nakalulungkot nga lamang na ang Kanluraning Kristiyano na sa halip na tangkain na matapat na maunawaan ang kahanga-hangang tagumpay ng Islam sa kanyang mga naunang panahon ay nag-akala roon (Islam) bilang isang katunggaling relihiyon. Sa panahon ng dantaon ng mga Krusada, ang ganitong kalakaran ay nagbigay kapakinabangan ng maraming lakas at kakayahan at maraming lubhang babasahin ang ipinalimbag upang halayin ang larawan ng Islam. Subalit ang Islam ay nagsimulang magladlad ng kanyang pagiging tunay at ganap sa mga makabagong iskolar na ang mapangahas at makatuturang pagmamasid sa Islam ay nagpabulaang lahat sa mga paratang na iginawad laban doon (Islam) ng mga tinatawag na walang kinikilingang Silanganin.
Dito ay inilathala ang mga ilang pagmamasid sa Islam ng mga mataas at kinikilalang di-Muslim na iskolar ng makabagong panahon. Ang katotohanan ay di nangangailangan ng mga tagapagtanggol upang makapangusap sa kanyang sarili. Subali't ang nagtatagal na mga paninirang puring propaganda laban sa Islam ay nakalikha ng malaking kaguluhan sa isipan maging sa mga malaya at may nilalayong tagapagmasid.
Umaasa kami na ang sumusunod na mga obserbasyon ay makapagdaragdag pa sa pagsisimula ng makatuturang pagtiyak sa Islam.
Ito (ang Islam) ay siyang pumapalit sa pagiging isang monako (pare) tungo sa pagkalalake. Ito'y nagbibigay pag-asa sa mga alipin, pagkakapatiran ng sangkatauhan, at pagkilala sa mga pundamental na katotohanan ng kaligtasan ng tao.
- Canon Taylor, Ang Kalatas na binasa sa harap ng “Church Congress" sa Walverhamton, Oct. 7, 1887. Sinipi ni Arnold sa
“Ang Ipinangangaral ng Islam" pp. 71-72.
Ang katuturan ng katarungan ay isa sa mga kahanga-hangang layunin ng Islam, sapagkat habang binabasa ko ang Qur'an ay aking natagpuan ang mga matitibay na prinsipyo ng buhay, hindi kababalaghan bagkus ay mga praktikal na pag-uugali para sa pang araw-araw na pamamalakad ng buhay na naaangkop sa buong mundo.
- Sarojini Naidu, Mga Paksain sa “Ang Layunin ng Islam",tunghayan ang Mga Talumpati at Sinulat ni Sarojini Naidu, Madras, 1918, p. 167.
Ang kasaysayan ay gumawa nga ng gayon, na ang pinanggalingan ng mga panitikang Muslim na bumabagtas sa pagitan ng mundo at nagpipilit sa Islam sa pamamagitan ng dulo ng espada sa isang nasakop ng lahi ay isa sa mga kagila-gilalas na kakatwang alamat na inuulit ng mga mananalaysay.
- De Lacy O'Leary, Ang Islam sa Sangang-daan, London, 1923, p. 8.
Ngunit ang Islam ay mayroong pang higit na nalalabing paglilingkod na maibibigay nito para sa kapakanan ng sangkatauhan. Ito ay nakatindig ng higit sa lahat ng malapit sa tunay na Silangan kaysa sa nagawa ng Europa, at ito'y nagtataglay ng kahanga-hangang tradisyon ng panglahing ugnayan ng pag-uunawaan at pagkakaisa. Wala ng iba pang lipunan ang mayroong gayong tala ng pagkakapantay-pantay ng kalagayan, ng hinaharap na pagkakataon at mga pagsisikhay sa lubhang marami at sa iba't ibang lahi ng sangkatauhan... Ang Islam ay mayroong pang nalalabing lakas upang mapagkasundo ang malinaw na nagkakahidwang mga elemento ng lahi at tradisyon. Kung sakaling ang pagkakasalungatan ng mga mataas sa lipunan ng Silangan at Kanluran ay mahahalinhan ng pagkakaisa, ang pamamagitan ng Islam ay di maiiwasang pangangailangan. Sa kanyang mga kamay ay nakasalalay ang lubhang malaking kalutasan ng mga suliranin na kinakaharap ng Europa sa kanyang pakikipag-ugnay sa Silangan. Kung sila ay magkakaisa, ang pag-asa ng katarungang pangkapayapaan ay magdaragdag ng kabutihang di masusukat. Ngunit kung ang Europa sa pamamagitan ng pagtatakwil sa pakikiisa ng Islam, ay nagtatapon nito sa kamay ng kanyang mga katunggali, ang mga katanungan ay magiging kapani-panira sa bawat isa.
- H.A.R. Gibb, Whither Islam, London, 1932, p. 379.
Lagi nang aking pinananganan dahilan sa kanyang kahanga-hangang kasiglahan. Ito lamang ang tanging relihiyon na naglalarawan sa akin na nagtataglay ng gayong kakayahang makapag-akma sa nagbabagong anggulo ng kapanatilian na nakagagawa sa kanyang sarili na makaakit sa lahat ng panahon. Aking pinag-aralan siya, ang kahanga-hangang tao sa aking kuru-kuro ay malayo sa pagiging laban kay Kristo, ay nararapat na tawaging Tagapagligtas ng Sangkatauhan. Naniniwala ako na kung ang taong katulad niya ay mangangatawan sa pagpapasunod ng makabagong mundo, siya ay magtatagumpay sa paglutas ng mga suliranin nito sa pamamaraan na ito'y magdudulot ng kinakailangang kapayapaan at kaligayahan: Aking hinulaan ang tungkol sa pananampalataya ni Muhammad na ito'y matatanggap sa Europa ng mga darating na panahon kung paano ito ay nagsisimulang matanggap sa Europa sa ngayon.
- G.B. Shaw, Ang Tunay na Islam, Vol. 1, No. 81936.
Ang paglalaho ng isipang matiim sa kalahian sa gitna ng mga Muslim ay isa sa kapuri-puring naisagawa ng Islam at sa magkapanabay na mundo ay mayroon nga, at nangyayari nga, ng naghuhumiyaw na pangangailangan sa pagpapalaganap ng pag-uugaling moral na Islamik.
- A.J. Toynbee, Ang Kabihasnan sa Pagsubok, New York, 1948, p. 205.
Ang pagsulong ng Islam ay isa marahil sa kagulat-gulat na pangyayari sa kasaysayan ng tao. Ito'y sumibol mula sa lupain at sa lipunan na dati'y hindi binibigyang pansin, ang Islam ay kumalat ng mahigit sa kalahatian ng mundo sa loob ng isang dantaon, na nagpaguho sa mga malalaking kaharian, lumupig sa mga matagal nang natatag na relihiyon, nagbagong hugis sa mga kaluluwa ng mga kalahian, at nagtayo ng daigdig - ang daigdig ng Islam.
Kung gaano namin kalapit na sinusuri ang ganitong pag-unlad, ay lalo lamang itong naglalarawan ng pagiging pambihira. Ang ibang malalaking relihiyon ay nakapagwagi ng kanilang daan ng mabanayad, sa pamamagitan ng di birong pagsisikhay na humantong sa pagtatagumpay sa tulong ng mga makapangyarihang panginoon na umanib sa bagong pananampalataya. Ang Kristiyano ay may kanyang Konstantino, ang Buddismo ay may kanyang Asoka, ang Zoroastranismo ay may kanyang Cyrus, at ang bawat isa ay nagpapahiram sa kanyang piniling sekta ng naghaharing lakas ng kapamahalaang sekular. Ngunit hindi sa Islam. Ito ay tumindig mula sa lupang disyerto na bahagyang pinanahanan ng di nagpipirming lahi na dati'y hindi kinikilala sa kasaysayan ng sangkatauhan. Ang Islam ay sumulong sa kanyang paglalayag sa malaking pakikipagsapalaran ng may pinakamaliit na pagtataguyod ng tao at salungat sa pinakamabigat na mga balakid na pangmateryal. Gayunman, ang Islam ay nagtagumpay ng may tila mahimalang kaginhawahan, at dalawang henerasyon ang nakakita sa Naglalagablab na Pagsisimula ng Buwan na lumitaw na nagwawagi mula sa mga Pyrenos hanggang sa Himalayas at mula sa disyerto ng Gitnang Asya hanggang sa mga disyerto ng Gitnang Aprika.
- A.M.L. Stoddard, sinipi sa Islam - Ang Relihiyon ng Lahat ng Propeta, Begum Bawani Waqf, Karachi, Pakistan. p. 56.
Ang relihiyong Islam ay pangunahing nababatay sa pagiging “makatuwiran" sa malawakang kaisipan ng ganitong termino na itinuturing na makasaysayan at pinag-ugatan ng salita. Ang kapaliwanagan ng pagiging makatuwiran bilang isang sistema na nagsasalalay ng relihiyong paninimula ayon sa mga prinsipyong ibinibigay ng katuwiran ay nalalapat roon ng ganap... Hindi nga maitatatwa na ang maraming doktrina at sistema ng relihiyon gayon din ang maraming pamahiin, mula sa pagsamba sa mga banal hanggang sa paggamit ng mga rosaryo at anting-anting ay natanim sa punong katawan ng pananampalatayang Muslim. Ngunit sa kabila ng ganoong mayamang pagpapaunlad, sa bawat kaisipan ng mga kataga ng mga aral ng Propeta, ang Qur'an ay nakamalagi ng kanyang lugar bilang panimulang puntong pundamental, at ang doktrina ng kaisahan ng Diyos ay lagi ng ipinagbabadya roon ng may kataasan, ng may katayugan, at di nahahaluang kalantayan at may tiyak na tanda ng pagpaparatang na mahirap ng matagpuan na malalagpasan ng labas sa nasasakop ng Islam. Ang ganitong katapatan sa pundamental na doktrina ng relihiyon, ang pangunahing kapayakan ng pamamaraan kung saan ito ipinahayag, ang katibayan na ito'y nagtagumpay sa naglalagablab na pagpaparatang ng mga misyonaryong nagpalaganap nito, ay lubhang maraming mga dahilan upang ipaliwanag ang tagumpay ng lakas ng misyonaryo ni Muhammad. Isang pananampalatayang tiyak na hubad sa lahat ng kasalimuutan ng doktrina at dahil nga roon ay lubhang madaling maiakma sa pangkaraniwang pang-unawa na maaasahang makapag-angkin at tunay na nagtataglay ng kahanga-hangang lakas upang makapagwagi ng kanyang daan tungo sa konsensiya ng tao.
- Edward Montet, “La Propaganda Chrestienne et ses Adversaries Musulmans",
Paris 1890, sinipi ni T.W. Arnold sa “Ang Ipinangangaral ng Islam",
London 1913, pp. 413-414.
Hindi ako ang tunay na Muslim sa pangkaraniwang kahulugan, bagama't ako'y umaasang isang “Muslim" bilang “isang sumusuko sa Diyos", ngunit ako'y naniniwala roon sa mga nasasalaysay sa Qur'an at sa iba pang kapahayagan ng Islamik na pananaw na siyang malawak na pinagkukunan ng banal na katotohanan kung saan ako at iba pang mga Kanluranin ay marami pang mapag-aaralan, at ang Islam ay tiyak na isang malakas na katunggali para sa pagtataguyod ng pangunahing balangkas ng nag-iisang relihiyon sa hinaharap.
- W. Montgomery Watt, Ang Islam at Kristiyano sa Ngayon, London 1983, p. IX.