×
Ang Silk (seda) at ginto ay ipinahihintulot lamang sa mga kababaihan ng aking Ummah (pamayanan) subali’t ipinagbabawal sa mga kalalakihan
Si Abu Musa al-Ash'ari ay nag-ulat na ang Propeta ay nagsabi: "Ang Silk (seda) at ginto ay ipinahihintulot lamang sa mga kababaihan ng aking Ummah (pamayanan) subali't ipinagbabawal sa mga kalalakihan."

Sa panahon ngayon, ang mga pamilihan (ng ginto) ay puno ng iba't ibang bagay na nakadisenyo para sa kalalakihan, katulad ng relo, butones, panulat, lalagyan ng susi, medalya na iba't ibang uri na yari sa ginto. Isa sa mga pangkaraniwang kasalanan na matatagpuan sa mga patimpalak ay ang mga regalong relong gintong panlalaki.

Si Ibn Abbas ay nag-ulat na nakita ng Sugo ng Allah ang isang lalaking may suot na gintong singsing; kinuha niya ito at itinapon sa isang tabi, at nagsabi, "Nais ba ng isa sa inyo ang kumuha ng nagbabagang Apoy sa Impiyerno at hahawakan ito ng kanyang kamay?" Pagkatapos umalis ang Propetar, may isang nagsabi sa lalaki: "Bakit hindi mo kunin ang iyong singsing at pakinabangan ito (ipagbili ito)?" Siya ay nagsabi, "Hindi, sumpa man sa AllahU, kailanma'y hindi ko maaaring kunin ang anumang itinapon ng Sugo ng Allah."