×
si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan) ang panghuli sa sagka sa kawil ng mga Propeta na isinugo sa iba’t-ibang mga lupain at mga panahon sapul pa sa pinakasimula ng buhay ng tao sa daigdig na ito.......
Sa panahon ng mga dantaon ng mga krusada, ang lahat ng uri ng paninirang puri ay isinagawa laban sa Propetang si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan). Subalit sa pagdatal ng makabagong panahon na tinampukan ng pangrelihiyong pagsang-ayon at kalayaan ng isipan, dito'y nagkaroon ng malaking pagbabago sa pagtuklas ng mga kanluraning manunulat sa kanilang paglalarawan ng kanyang buhay at pag-uugali. Ang mga pananaw ng mga di-Muslim na iskolar tungkol sa Propetang si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan), na ibinigay sa hulihan nito, ay nagbibigay katarungan sa ganitong kuru-kuro.

Subali't ang Kanluran ay nararapat pa rin na humakbang ng pasulong upang matuklasan nila ang pinakamalaking katotohanan tungkol kay Muhammad at ito ay ang kanyang pagiging lantay at huling Propeta ng Allah para sa buong sangkatauhan. Subali't sa kabila ng lahat ng kanyang layunin at kapaliwanagan (Islam), ay hindi pa nagkaroon ng matapat at makabuluhang pagtatangka ang Kanluran upang maunawaan ang pagka-Propeta ni Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan). Tunay ngang pambihira na ang mga nagliliwanag na mga papuring iginawad sa kanya dahilan sa kanyang integridad at mga naisagawa, subali't ang kanyang pag-aangkin bilang isang Propeta ng Allah ay tinalikdan ng hayagan at di hayagan. Dito nga ay kinakailangan ang paghahanap ng puso at pagbabalik-aral ng tinatawag na mga 'layon' ay nararapat. Ang mga sumusunod na nagliliwanag na mga katotohanan mula sa pamumuhay ni Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan) ay inilathala upang mapadali ang isang walang kinikilingan, batay sa katotohanan, at makatuturang pasya tungkol sa kanyang pagka-Propeta.

Hanggang sa gulang na apatnapu, si Muhammad ay di kinikilala bilang isang mambabatas, mangangaral o bilang isang mananalumpati. Kailanman ay di siya natunghayang nakikiisang-usapan tungkol sa mga prinsipyo ng pisika, kagandahang loob, pulitika, pangangalakal o panglipunan. Walang pasubali na siya ay nagtataglay ng pambihirang pag-uugali, nakalulugod na pagkilos at may mataas na pagkatao. Gayunpaman, ay walang masasabi sa kanyang pagiging kamangha-mangha o isang pangunahing kaangkinan na kagila-gilalas na magbibigay pag-asa sa mga tao na may napipintong bagay na pambihira at mahimagsik na nalalaan sa kanya sa hinaharap. Subalit nang lumabas siya mula sa Yungib (HIRA) ng may bagong mensahe, siya ay ganap na nagpanibagong bihis. Mangyayari nga kaya sa gayong tao na may kaangkinang katangian tulad sa itaas ang di kaginsa-ginsa ay naging 'impostor' at nagpamarali na siya ay Propeta ng Allah at nag-aanyaya sa lahat ng pagkapoot ng kanyang pamayanan? Maaaring maitanong sa anong kadahilanan na siya'y nagdurusa sa lahat ng gayong pagpapakasakit? Ang kanyang pamayanan ay nag-alok na tanggapin siya bilang kanilang Hari at ialay na lahat sa kanya ang mga yaman sa lupa sa kanyang paanan, itigil lamang niya ang pangangaral ng kanyang relihiyon. Subalit pinili niya na tanggihan ang lahat ng nakatutuksong alok at mag-isa siyang nagpatuloy sa pangangaral ng kanyang relihiyon sa harap ng lahat ng uri ng mga pag-aglahi at kalahatang paninikis, gayun din naman ang pananalakay sa kanya ng kanyang pamayanan. Hindi ba na ang tanging pag-aalay sa Allah at ang kanyang matibay na layunin na maiparating ang mensahe ng Allah at ang kanyang matiim na pananalig na di magtatagal ang Islam ang tanging mamamayaning daan para sa lahat ng sangkatauhan, na nakatindig siya na tila isang bundok sa harap ng lahat ng mga pagsalangsang at pagsasangkutan na mailigpit siya? Bukod pa rito, kung ang kanyang pagdatal ay upang gumawa at makatunggali ang mga Kristiyano at ang mga Hudyo, bakit niya iniutos na manalig kay Hesukristo at Moises at sa ibang mga Propeta ng Allah (sumakanila nawa ang kapayapaan), na isa sa pinakapunong pangangailangan ng pananampalataya na kung wala nito, ang sino man ay di maaaring maging Muslim?

Hindi ba na di mapapasubaliang katibayan ng kanyang pagka-Propeta na sa kabila ng kanyang pagiging isang mangmang, nakapamuhay siya ng normal at matahimik sa loob ng apatnapung taon; nang magpasimula siyang mangaral ng kanyang mensahe, ang lahat ng Arabia ay napatindig ng may pangangamba at panggigilalas at napamangha sa kanyang kagila-gilalas na pananalumpati at pananalita. Tunay ngang walang makakapantay na ang lahat ng mga pulutong ng mga manunulang Arabe, mangangaral at mananalumpati na may mataas na katangian ay nangabigong lahat na maipakita ang maihahalintulad sa kanya. Bukod pa sa lahat ng mga ito, paano siya maaaring makapagsaysay ng lahat ng mga katotohanan na may pang-agham na kalikasan na napapalaman sa Qur'an na walang sinumang tao ang maaaring makagawa sa panahong yaon.

At ang panghuli ngunit hindi kapos, bakit siya namuhay ng may pagpapakasakit kahit na pagkaraang makapagtamo siya ng kapangyarihan at kapamahalaan? Magnilay-nilay na lamang sa mga salitang kanyang binitawan habang siya'y nasa bingit ng kamatayan: “Kami na pamayanan ng mga Propeta ay di namamana. Kung anuman ang aming iwanan ay para sa kawanggawa."

Bilang isang bagay ng katotohanan, si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan) ang panghuli sa sagka sa kawil ng mga Propeta na isinugo sa iba't-ibang mga lupain at mga panahon sapul pa sa pinakasimula ng buhay ng tao sa daigdig na ito.

Kung kadakilaan ng layunin, kakaramputan ng panustos at katanyagan ng kinalabasan ang siyang tatlong pamantayan ng katalinuhan ng tao, sino kaya ang makapangangahas na maghalintulad ng sino mang dakilang tao kay Muhammad sa makabagong kasaysayan? Ang pinakatanyag na mga lalaki ay nakalikha ng mga sandata, mga batas at mga kaharian lamang. Sila'y nakapagtatag, kung mayroon mang ganap ng hindi hihigit pa sa mga materyal na kapangyarihan na malimit na gumuguho sa harap ng kanilang paningin. Ang taong ito'y hindi lamang nakapagpagalaw ng mga sundalong sandatahan, nakapagsagawa ng mga batas, mga kaharian, pamayanan at pampamilyang may kapamahalaan bagkus ay laksang tao sa ikatlong bahagi nang noon ay napapamuhayang mundo; at tangi pa roon, ginalaw niya ang mga dalanginan, ang mga diyos, ang mga relihiyon, ang mga pananampalataya at mga kaluluwa… Ang kanyang katiyagaan sa pagwawagi, sa kanyang ambisyon, na ganap na nalalaan sa isang layunin at hindi sa anupaman ay naghahangad ng isang kaharian; ang kanyang walang humpay na pananalangin, ang kanyang mahimalang pakikipag-ugnay sa Diyos, ang kanyang kamatayan at ang kanyang pananagumpay sa kabila ng kanyang kamatayan; ang lahat ng ito ay nagpapatunay hindi ng pagbabalatkayo kundi ng matatag na pagsalungat na nagbigay sa kanya ng lakas upang maibalik muli ang wastong pananampalataya. Ang wastong pananampalatayang ito ay nahahati sa dalawa, ang Kaisahan ng Diyos at imateryalidad ng Diyos; ang una ay nagsasaysay kung ano ang hindi Diyos; ang isa ay nagtatakwil sa mga huwad na diyos sa pamamagitan ng espada, ang isa pa ay nagpapasimula ng kaisipan sa pamamagitan ng mga salita.

Siya ay pilosopo, mananalumpati, apostol, tagapagsagawa ng batas, mandirigma, manlulupig ng mga kaisipan, tagapagpanibagong bihis ng katotohanang pananampalataya, ng isang paraan ng pananampalatayang walang mga larawan; ang nagtatag ng dalawang pangmundong kaharian at ng isang pang-ispiritwal na kaharian, ito ay si Muhammad. Kung isasaalang-alang ang lahat ng pamantayan upang ang kadakilaan ng tao ay ating masukat, maitatanong nga natin, mayroon pa ba kayang tao ang hihigit pa kaysa kanya?

- Lamartine, Histoire de la Turquie, Paris 1854, Vol. 11, pp. 276-277.

Hindi ang pagpapalaganap kundi ang kapanatilian ng kanyang relihiyon ang pinag-uukulan ng aming pagkamangha; ang dati ring dalisay at lantay na impresyon na iniukit niya sa Makkah at Madina ay nananatili, pagkaraan ng mga rebolusyon ng ikalabindalawang dantaon ng mga Indian, ng Aprikano at Turkong nagsiyakap sa Qur'an… Ang mga Muhammedan ay pantay-pantay na nakapagwagi sa tukso na mapanghina ang layon ng kanilang pananampalataya at debosyon sa antas ng mga pandama at imahinasyon ng tao. “Ako ay nananampalataya sa Nag-iisang Diyos at si Muhammad ang Sugo ng Diyos." ay ang payak at di nababahirang pagsasaysay ng Islam. Ang katalinuhang larawan ng Diyos ay hindi kailanman ibinaba ng anumang hayag na idolo; ang karangalan ng mga propeta ay hindi kailanman lumabag sa sukatan ng makatao; at ang kanyang buhay na mabuting pag-uugali ay nakapigil sa may pasasalamat na pagpapahalaga ng kanyang mga tagasunod ng ayon sa nasasakop ng pang-unawa at relihiyon.

- Edward Gibbon and Simon Ocklay, History of the Saracen Empire, London 1870, p. 54.

Siya ay naging Cesar at Papa na magkasama; subali't siya ay naging Papa ng walang pagpapakita o pag-aangkin bilang papa (sa Roma), bilang Cesar na walang mga pulutong ni Cesar, na walang nakahimpil na sandatahan, na walang tagapananggalang, na walang palasyo, na walang takdang pinagkakakitaan; kung mayroon man ang kahit sino mang tao na magkaroon ng karapatang magpahayag na siya ay pinatnubayan ng maka-Diyos na katumpakan, siya ay si Muhammad, sapagkat siya ay nanangan ng lahat ng kapangyarihan na wala ang mga instrumento nito gayundin ang pang-aalay nito.

- Bosworth Smith, Mohammad & Mohammadanism, London 1874, p. 92.

Magiging kataka-taka sa sinuman na nag-aral ng buhay at pag-uugali ng dakilang Propeta ng Diyos, na nakababatid kung papaano siya nagturo at namuhay, ang makadama nga ng anupamang bagay maliban sa mataas na paggalang sa ganitong makapangyarihang Propeta, ang isa sa pinakadakilang sugo ng Kataas-taasan. At kahit na sa anumang ilagay ko sa inyo ay makapagsasabi ako ng maraming bagay na maaaring pangkaraniwan na lamang sa marami, gayunpaman, ako na rin sa aking sarili ang nakadarama, kailanman at aking babasahin iyong muli, isang bagong daan ng paghanga, isang bagong kaisipan ng mataas na paggalang sa ganoong makapangyarihang guro ng Arabia.

- Annie Besant, The Life and Teachings of Muhammad, Madras 1932, p. 4.

Ang kanyang kahandaan na mapailalim sa mga pag-uusig dahilan sa kanyang mga pananampalataya, ang mataas na moral na pag-uugali ng mga tao na nananalig sa kanya at tumatanaw sa kanya bilang isang pinuno, at ang kadakilaan ng kanyang mga naisagawa - ang lahat ng ito ay nagbibigay paliwanag sa kanyang pundamental na integridad. Ang mag-akala na si Muhammad ay isang nagpapanggap ay lalong nagbibigay lamang ng mga suliranin kaysa ang makahanap ng kalutasan doon. Higit pa sa roon, walang sino mang larawan ng kasaysayan na tulad ni Muhammad ang may pinakamatipid na pagpapahalagang iginawad ng Kanluran.

W. Montgomery, Mohammad at Mecca, Oxford, 1953, p. 52.

Si Muhammad, ang pinagkaloobang tao na nagtatag ng Islam ay ipinanganak noong taong 570 A.D. mula sa isang pamayanang Arabe na sumasamba sa mga idolo at diyus-diyosan. Siya'y lagi nang may natatanging malasakit sa mga mahihirap at nangangailangan, sa mga balo at sa mga ulila, sa mga alipin at mga naaapi. Sa gulang na dalawampu, siya ay isa nang matagumpay na mangangalakal, at di nagtagal ay naging tagapamahala siya ng mga biyahero ng kamelyo na pag-aari ng isang mayamang balo. Nang siya'y sumapit na sa gulang na dalawampu't lima, ang kanyang pinaglilingkuran na nakamamalas sa kanyang katapatan at kabaitan ay nag-alok sa kanya na sila'y magsama. Bagama't ang babae ay matanda sa kanya ng labinglimang taon ay pinakasalan niya at habang ang kanyang asawa ay nabubuhay siya ay namalaging isang butihing asawa.

Tulad din ng lahat ng mga dakilang propeta na nanga-una sa kanya, si Muhammad ay nakikibaka sa kanyang pagiging kimi, dahilan na rin sa kanyang kabatiran ng kanyang kakapusan, upang makapaglingkod bilang tagapagpalaganap ng mga salita ng Diyos. Subali't ang anghel ay nag-utos sa kanya ng “Basahin". Kagaya na nga ng aming nalalaman, si Muhammad ay di nakakabasa at nakakasulat, subali't siya'y nagpasimulang magpahayag ng mga pinatnubayang Salita na di maglalaon ay siyang magbibigay himagsikan sa malaking bahagi ng daigdig: “Iisa lamang ang Diyos." Sa lahat ng bagay, si Muhammad ay ganap na praktikal. Nang mamatay ang kanyang pinakamamahal na anak na si Abraham, ay nagkaroon ng eklipse, at kumalat ang bali-balitang ang Diyos ay nagpaparating sa kanya ng Kanyang pakikiramay. Kagyat nga, si Muhammad ay nagbadya: “Ang eklipse ay isang pangyayari na gawa ng kalikasan. Isang kabaliwan na isangkot ang ganitong bagay sa kamatayan o pagsilang ng isang tao."

Sa kamatayan ni Muhammad, isang pagtatangka ang ninais upang i-angat siya sa pagkadiyos, subalit ang tao na siyang magiging kanang kapalit na tagapamahala ay pumutol sa mga pagkakamayaw nila sa pamamagitan ng isa sa mga pinakadakilang pangungusap ng kasaysayan: “Kung sino man sa inyo ang sumasamba kay Muhammad, siya ay patay. Ngunit kung si Allah ang inyong sinasamba, Siya ay magpasawalang hanggang nabubuhay."

- James A. Michener, “Islam: The Misunderstood Religion, in the Reader's Digest (American Edition) for May, 1995, pp. 68-70.

Ang aking pagkapili kay Muhammad bilang pangunahin sa hanay ng mga pinakamakapangyarihang tao sa mundo ay maaaring makagitla sa maraming mambabasa at maaaring mausisa ng iba, subali't siya lamang ang tanging tao sa kasaysayan na may pinakamatayog na tagumpay sa parehong pangrelihiyon at di pangrelihiyong kaantasan.

Michael H. Hart, The 100: A Ranking of the Most Influential Persons in History, New York:
Hart Publishing Company, Inc., 1978, p. 33.