Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan
Mga naisalin na paksa
- Русский - Russian
- العربية - Arabic
- ไทย - Thai
- অসমীয়া - Assamese
- Hausa - Hausa
- ગુજરાતી - Unnamed
- English - English
- Tiếng Việt - Vietnamese
- සිංහල - Sinhala
- አማርኛ - Amharic
- বাংলা - Bengali
- Кыргызча - Кyrgyz
- español - Spanish
- italiano - Italian
- فارسی دری - Unnamed
- azərbaycanca - Azerbaijani
- Mõõré - Mõõré
- тоҷикӣ - Tajik
- português - Portuguese
- svenska - Swedish
- नेपाली - Nepali
- čeština - Czech
- български - Bulgarian
- Deutsch - German
- 中文 - Chinese
- Bahasa Indonesia - Indonesian
- magyar - Hungarian
- Türkçe - Turkish
- فارسی - Persian
- Kurdî - Kurdish
- bosanski - Bosnian
- bamanankan - Bambara
- हिन्दी - Hindi
- Nederlands - Dutch
- മലയാളം - Malayalam
- پښتو - Pashto
- ქართული - Georgian
- Српски - Serbian
- Wollof - Wolof
- Kinyarwanda - Kinyarwanda
- polski - Polish
- Malagasy - Malagasy
- Lingala - Unnamed
- اردو - Urdu
- ئۇيغۇرچە - Uyghur
- română - Romanian
- Ўзбек - Uzbek
Ang mga kategorya
Full Description
Ang Islām
Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan
Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain
Nagtanong ka ba sa sarili mo:
Sino ang lumikha ng mga langit at lupa at anumang nasa mga ito ng mga dakilang nilikha? Sino ang gumawa ng eksaktong mahusay na sistemang ito sa mga ito?
Papaanong naoorganisa at namamalagi ang dakilang Sansinukob na ito sa pamamagitan ng mga batas nito na nagreregula rito sa isang eksaktong pagkakaregula sa paglipas ng mga taon?
Nilikha ba ng Sansinukob na ito ang sarili nito o dumating ito mula sa wala o umiral ito dahil sa isang pagkakataon (chance)?
Sino ang lumikha sa iyo?
Sino ang naglagay ng eksaktong sistemang ito sa mga organo ng katawan mo at mga katawan ng mga buhay na bagay?
Hindi matatanggap ng isang tao na sabihin sa kanya na ang bahay ay dumating nang walang pagpapatayo ng isang tao o sabihin sa kanya na ang wala ay ang nagpairal sa bahay na ito! Kaya papaanong naniniwala ang ilan sa mga tao sa nagsasabi na ang dakilang Sansinukob na ito ay dumating nang walang isang tagalikha? Papaanong matatanggap ng isang nakapag-uunawa na sabihin sa kanya na ang kawastuhang eksaktong ito ng Sansinukob ay dumating dala ng isang pagkakataon (chance)?
Siguradong mayroong isang Diyos na Dakilang Tagalikha at Tagapangasiwa ng Sansinukob na ito at anumang narito. Siya ay si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya
Ang Panginoon – kaluwalhatian sa Kanya – ay nagsugo sa atin ng mga sugo at nagpababa sa kanila ng mga makadiyos na kasulatan (ang rebelasyon), na ang kahuli-hulihan sa mga ito ay ang Marangal na Qur'ān na pinababa Niya kay Muḥammad, ang kahuli-hulihan sa mga sugo Niya. Sa pamamagitan ng mga kasulatan ni Allāh at mga sugo Niya:
* Nakakilala tayo sa sarili Niya, mga katangian Niya, at karapatan Niya sa atin; at naglinaw siya ng karapatan natin sa Kanya.
* Gumabay Siya sa atin na Siya ay ang Panginoon na lumikha ng nilikha at na Siya ay Buhay na hindi namamatay, samantalang ang mga nilikha ay nasa paghawak Niya at nasa ilalim ng pagsupil Niya at pamamatnugot Niya.
* Nagpabatid Siya sa atin na kabilang sa mga katangian Niya ang kaalaman sapagkat nakatalos nga Siya sa bawat bagay sa kaalaman at na Siya ay Madinigin, Nakakikita, na walang naikukubli sa Kanya na anuman sa lupa ni sa langit.
Ang Panginoon ay ang Buháy, ang Mapagpanatili, na ang buhay ng bawat nilikha ay mula sa Kanya – tanging sa Kanya: kaluwalhatian sa Kanya – at na Siya ay ang Mapagpanatili, na nananatili ang buhay ng bawat nilikha dahil sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya. Nagsabi si Allāh:﴿اللَّهُ لا إِلَهَ إِلَّا هُوَ الْحَيُّ الْقَيُّومُ لا تَأْخُذُهُ سِنَةٌ وَلا نَوْمٌ لَهُ مَا فِي السَّمَوَاتِ وَمَا فِي الأَرْضِ مَنْ ذَا الَّذِي يَشْفَعُ عِنْدَهُ إِلَّا بِإِذْنِهِ يَعْلَمُ مَا بَيْنَ أَيْدِيهِمْ وَمَا خَلْفَهُمْ وَلا يُحِيطُونَ بِشَيْءٍ مِنْ عِلْمِهِ إِلَّا بِمَا شَاءَ وَسِعَ كُرْسِيُّهُ السَّمَوَاتِ وَالأَرْضَ وَلا يَئُودُهُ حِفْظُهُمَا وَهُوَ الْعَلِيُّ الْعَظِيمُ﴾ {Si Allāh, walang Diyos kundi Siya, ang Buháy, ang Mapagpanatili. Walang nakatatangay sa Kanya na isang antok ni isang pagkatulog. Sa Kanya ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Sino itong mamamagitan sa piling Niya malibang ayon sa pahintulot Niya? Nakaaalam Siya sa anumang nasa harapan nila at anumang nasa likuran nila. Hindi sila nakapapaligid sa anuman mula sa kaalaman Niya malibang ayon sa niloob Niya. Sumakop ang silya Niya sa mga langit at lupa at hindi nakabibigat sa Kanya ang pangangalaga sa mga ito. Siya ay ang Mataas, ang Sukdulan.}(Qur'ān 2:255)
* Nagpabatid Siya sa atin na Siya ay ang Panginoong nailalarawan sa pagkakaroon ng mga katangian ng kalubusan. Nagtustos Siya sa atin ng mga isip at mga pandama, na nakatatalos sa mga kahanga-hanga sa pagkalikha Niya at kakayahan Niya, na nagpapatunay sa atin ng kadakilaan Niya, kapangyarihan Niya, at kalubusan ng mga katangian Niya. Nagkintal Siya sa atin ng naturalesa na nagpapatunay sa kalubusan Niya at na Siya ay hindi maaaring mailarawan sa pagkakaroon ng kakulangan.
* Nagturo Siya sa atin na ang Panginoon ay nasa ibabaw ng mga langit Niya, hindi napaloloob sa Daigdig ni ang Daigdig ay nakasanib sa Kanya.
* Nagpabatid Siya sa atin na kinakailangan sa atin ang sumuko sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya - sapagkat Siya ay ang Tagalikha Natin at Tagalikha ng Sansinukob at Tagapangasiwa nito.
Kaya naman ang Tagalikha ay may mga katangian ng kadakilaan at hindi maaari magpakailanman na mailarawan sa pagkakaroon ng pangangailangan o kakulangan sapagkat ang Panginoon ay hindi inaantok, hindi natutulog, hindi kumakain ng pagkain, at hindi maaari na magkaroon ng asawa o anak. Ang lahat ng mga teksto na nagsaad ng anumang sumasalungat sa kadakilaan ng Tagalikha ay hindi mula sa tumpak na kapahayagan na inihatid ng mga sugo ni Allāh (sumakanila ang pangangalaga).
Nagsabi si Allāh sa Marangal na Qur'ān:﴿قُلۡ هُوَ ٱللَّهُ أَحَدٌ * {1. Sabihin mo: "Siyang si Allāh ay Kaisa-isa.ٱللَّهُ ٱلصَّمَدُ * 2. Si Allāh ay ang Dulugan [sa pangangailangan].لَمۡ یَلِدۡ وَلَمۡ یُولَدۡ * 3. Hindi Siya nagkaanak at hindi Siya ipinanganak.وَلَمۡ یَكُن لَّهُۥ كُفُوًا أَحَدُۢ﴾ 4. Hindi nagkaroon sa Kanya ng isang kapantay na isa man."}(Qur'ān 112:1-4)
Kapag ikaw ay sumasampalataya sa Panginoong Tagalikha, nagtanung-tanong ka kaya isang araw tungkol sa pakay ng paglikha sa iyo? Ano ang ninanais ni Allāh sa atin at ano ang layon ng kairalan natin?
Maaari kaya na si Allāh ay lumikha nga sa atin pakatapos mag-iiwan Siya sa atin na napababayaan? Maaari kaya na si Allāh ay lumikha nga ng mga nilikhang ito nang walang pakay o layon?
Ang katotohanan ay na ang Panginoong Tagalikhang Sukdulan, si Allāh, ay nagpabatid sa atin ng layon ng paglikha Niya sa atin. Ito ay ang pagsamba kay Allāh – tanging sa Kanya. Ano ang ninanais Niya sa atin? Nagpabatid Siya na Siya – tanging Siya – ang karapat-dapat sa pagsamba. Naglinaw Siya sa atin sa pamamagitan ng mga sugo Niya (sumakanila ang pangangalaga) kung papaano tayong sasamba sa Kanya, kung papaano tayong magpapakalapit-loob sa Kanya sa pamamagitan ng paggawa ng mga inuutos Niya at pag-iwan ng sinasaway Niya, at kung papaano tayong magtatamo ng pagkalugod Niya at mag-iingat laban sa parusa Niya. Nagpabatid Siya sa atin tungkol sa kahahantungan natin matapos ng kamatayan.
Nagpabatid Siya sa atin na itong buhay sa Mundo ay payak na pagsusulit at na ang buhay na tunay na lubos ay magiging nasa Kabilang-buhay matapos ng kamatayan.
Nagpabatid sa atin si Allāh na ang sinumang sumamba sa Kanya gaya ng ipinag-utos Niya at tumigil sa sinaway Niya, ukol dito ang buhay na kaaya-aya sa Mundo at ang kaginhawahang mamamalagi sa Kabilang-buhay; at ang sinumang sumuway sa Kanya at tumangging sumampalataya sa Kanya, ukol dito ang kamiserablehan sa Mundo at ang pagdurusang mamamalagi sa Kabilang-buhay.
Dahil tayo ay nakaaalam na hindi maaari na dumaan tayo sa buhay na ito na hindi magtamo ang bawat tao kabilang sa atin ng ganti sa ginawa niya na kabutihan o kasamaan, hindi kaya magkakaroon ng parusa sa mga tagalabag sa katarungan ni ng kabayaran sa mga tagagawa ng maganda?
Nagpabatid nga sa atin ang Panginoon natin na ang pagtamo ng pagkalugod Niya at ang pagkaligtas mula sa parusa Niya ay hindi mangyayari malibang sa pagpasok sa Relihiyong Islām: ang pagsuko sa Kanya, ang pagsamba sa Kanya – tanging sa Kanya: walang katambal sa Kanya, ang pagpapaakay sa Kanya sa pamamagitan ng pagtalima, at ang pagsunod sa Batas Niya nang may pagkalugod at pagtanggap. Nagpabatid nga Siya sa atin na Siya ay hindi tumatanggap mula sa mga tao ng isang relihiyong iba pa sa Islām. Nagsabi si Allāh:(وَمَن يَبۡتَغِ غَيۡرَ ٱلۡإِسۡلَٰمِ دِينا فَلَن يُقۡبَلَ مِنۡهُ وَهُوَ فِي ٱلۡأٓخِرَةِ مِنَ ٱلۡخَٰسِرِينَ) {Ang sinumang naghahangad ng iba pa sa Islām bilang relihiyon ay hindi ito matatanggap mula sa kanya at siya sa Kabilang-buhay ay kabilang sa mga lugi.}(Qur'ān 3:85)
Ang sinumang titingin sa sinasamba ng higit na marami sa mga tao sa ngayon, makatatagpo siya na itong isa ay sumasamba sa isang tao, itong isa pa ay sumasamba sa isang anito, at itong iba naman ay sumasamba sa isang planeta. Gayon nga. Hindi nararapat sa taong nakapag-uunawa na sumamba kundi sa Panginoon ng mga nilalang, na lubos sa mga katangian. Kaya papaano siyang sumasamba sa isang nilikhang tulad niya o higit na mababa kaysa sa kanya? Kaya ang sinasamba ay hindi dapat isang tao o isang anito o isang punong-kahoy o isang hayop!
Ang lahat ng mga relihiyon na ipinangsasamba ng mga tao sa ngayon – maliban sa Islām – ay hindi tinatanggap ni Allāh sapagkat ang mga ito ay mga relihiyong kabilang sa gawa ng mga tao o mga relihiyong dating makadiyos pagkatapos kinalikot ng kamay ng tao. Hinggil naman sa Islām, ito ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang, na hindi umiiba at hindi napapalitan. Ang Aklat ng Relihiyong ito ay ang Marangal na Qur'ān. Ito ay isang aklat na iningatan kung paanong ibinaba ni Allāh at hindi naglalaho sa mga kamay ng mga Muslim hanggang sa ngayon sa wika na pinagbabaan nito sa Sugong Pangwakas.
Kabilang sa mga saligan ng Islām na sumampalataya ka sa lahat ng mga sugo na isinugo ni Allāh. Lahat sila ay kabilang sa mga tao. Nag-alalay sa kanila si Allāh sa pamamagitan ng mga tanda at mga himala. Nagsugo Siya sa kanila para mag-anyaya tungo sa pagsamba sa Kanya – tanging sa Kanya: walang katambal sa Kanya.Ang kahuli-hulihan sa mga sugo ay ang Sugong si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagsugo sa kanya si Allāh kalakip ng Batas na pangwakas na tagapagpawalang-bisa sa mga batas ng mga sugo bago niya. Nag-alalay sa kanya si Allāh sa pamamagitan ng mga dakilang tanda. Ang pinakadakila sa mga ito ay ang Marangal na Qur'ān, ang Salita ng Panginoon ng mga nilalang, ang pinakadakilang aklat na nakilala ng Sangkatauhan, na mahimala sa nilalaman nito, pananalita nito, pagkakasaayos nito, at mga patakaran nito. Narito ang kapatnubayan sa katotohanang tagapagpahantong sa kaligayahan sa Mundo at Kabilang-buhay. Bumaba nga ito sa wikang Arabe.
Nariyan ang marami sa mga patunay na pang-isip at pangkaalaman na nagpapatibay nang walang pagdududa rito na ang Qur'ān ay Salita ng Tagalikha – kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya – at na ito ay hindi maaaring maging mula sa gawa ng tao.
Kabilang sa mga saligan ng Islām ang pananampalataya sa Huling Araw kung kailan bubuhayin ni Allāh ang mga tao mula sa mga libingan nila sa Araw ng Pagbangon upang magtuos sa kanila sa mga gawa nila. Kaya ang sinumang gumawa ng mga maayos na gawa habang siya ay isang mananampalataya, ukol sa kanya ang kaginhawahang mananatili sa Paraiso; at ang sinumang tumangging sumampalataya at gumawa ng mga masagwang gawa, ukol sa kanya ang mabigat na pagdurusa sa Impiyerno. Kabilang sa mga saligan ng Islām ay na sumampalataya ka sa itinakda ni Allāh na kabutihan o kasamaan.
Ang Relihiyong Islām ay isang metodong sumasaklaw sa buhay, na nakikisang-ayon sa naturalesa at isip at tinatanggap ng mga matinong kaluluwa. Nagsabatas nito ang Tagalikhang Dakila para sa nilikha Niya. Ito ay Relihiyon ng kabutihan at kaligayahan para sa mga tao sa kalahatan sa Mundo at Kabilang-buhay. Hindi ito nagtatangi ng isang lahi higit sa isang lahi ni sa isang kulay higit sa isang kulay. Ang mga tao rito ay magkakapantay. Hindi natatangi ang isa sa Islām higit sa iba sa kanya maliban sa balor ng maaayos na gawa niya.
Nagsabi si Allāh:(مَنۡ عَمِلَ صَٰلِحا مِّن ذَكَرٍ أَوۡ أُنثَىٰ وَهُوَ مُؤۡمِن فَلَنُحۡيِيَنَّهُۥ حَيَوٰة طَيِّبَة وَلَنَجۡزِيَنَّهُمۡ أَجۡرَهُم بِأَحۡسَنِ مَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ) {Ang sinumang gumawa ng isang maayos, na isang lalaki o isang babae, habang siya ay isang mananampalataya ay talagang magpapamuhay nga Kami sa kanya ng isang buhay na kaaya-aya at talagang gaganti nga Kami sa kanila ng pabuya sa kanila ayon sa higit na maganda sa anumang dati nilang ginagawa.}(Qur'ān 16:97)
Kabilang sa ibinibigay-diin ni Allāh sa Marangal na Qur'ān ang pananampalataya kay Allāh bilang Panginoon at bilang sinasamba, sa Islām bilang Relihiyon, at kay Muḥammad bilang sugo. Ang pagpasok sa Islām ay isang bagay na kinakailangan, na walang mapagpipilian ang tao rito. Sa Araw ng Pagbangon ay may pagtutuos at pagganti sapagkat ang sinumang naging mananampalatayang tapat ay ukol sa kanya ang pagtamo at ang tagumpay na dakila; at ang sinumang naging tagatangging sumampalataya ay ukol sa kanya ang pagkaluging malinaw.
Nagsabi si Allāh:(... وَمَن يُطِعِ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ يُدۡخِلۡهُ جَنَّٰت تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَاۚ وَذَٰلِكَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡعَظِيمُ، {13. ... Ang sinumang tumatalima kay Allāh at sa Sugo Niya ay magpapapasok Siya rito sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito. Iyon ay ang pagkatamong sukdulan.وَمَن يَعۡصِ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ وَيَتَعَدَّ حُدُودَهُۥ يُدۡخِلۡهُ نَارًا خَٰلِدا فِيهَا وَلَهُۥ عَذَاب مُّهِين) 14. Ang sinumang sumusuway kay Allāh at sa Sugo Niya at lumalampas sa mga hangganan Niya ay magpapapasok Siya rito sa Apoy bilang mananatili roon at ukol sa kanya ay isang pagdurusang manghahamak.}(Qur'ān 4:13-14)
Ang sinumang nagnais pumasok sa Islām ay kailangan sa kanya na magsabi ng: Ashhadu allā ilāha illa –llāh wa-ashhadu anna Muḥammadan rasūlu –llāh (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh), habang nakaaalam sa kahulugan nito at sumasampalataya rito. Sa pamamagitan nito, siya ay nagiging isang Muslim. Pagkatapos mag-aaral siya ng nalalabi sa mga batas ng Islām nang unti-unti upang makapagsagawa siya ng inobliga ni Allāh sa kanya.